Grabe naman! Bakit ba sila ganyan?

Lumapit ako kay Dominique at ibinigay ang dala kong papeles. Iniwasan ko na lang mapatingin sa babaeng nakapula.

"Thank you so much, Bianca. You're an angel," wika ni Dominique na sinilip ang laman ng dala kong envelope.

"You're welcome," sa gilid ng mga mata ko, nakikita kong tiningnan ako ng katabi kong babae mula ulo hanggang paa.

"Sandy, please call Mr. Ricafuerte and confirm the appointment tomorrow. Tell him everything is ready now," baling niya sa katabi ko.

"Yes, Sir," sagot nitong tumayo na rin ng maayos at lumabas na ng opisina.

Nasundan ko pa ito ng tingin habang palabas. Sa sobrang tamis ng mga ngiti nito, parang gusto ko na lang maging langgam at kagatin ito hanggang magsawa ako.

"Would you like some juice? Soda?" nagbukas ng maliit na refrigerator si Dominique, nasa isang sulok lang 'yon katabi ng mga filing cabinet.

"Kahit ano," walang kagana-ganang sagot ko.

Lumapit ako sa kulay gray na couch sa tapat ng bintana. Sa halip umupo ay lumuhod ako sa upuan at tumanaw sa labas ng bintana. Tanaw pala mula rito ang building saan naroon ang opisinang pinapasukan ko dati.

"It's past four, will you wait for me so we can go home together?" aniyang binigyan ako ng iced tea in can.

"Mauuna na lang akong umuwi. Wala naman akong gagawin dito," tinanggap ko lang ang iced tea pero hindi ko 'yon binuksan.

"But it's so lonesome going home alone, enduring the traffic," drama pa niya.

Ah, pauwi ka lang naman pala lonely.

"Okay, kung gano'n, mamamasyal muna ako sa paligid. Text mo na lang ako kung uuwi na tayo," bumaba na ako sa couch para ipatong sa mesa ang hawak kong iced tea at kunin ang bag ko na nasa isang upuan sa harap ng mesa.

"But..." bago pa niya nadugtungan ang sasabihin, nag-ring ang landline phone. Wala siyang choice kundi sagutin 'yon.

Nakangiting kinawayan ko na lang siya at tahimik nang lumabas. Ginulat nga lang ako ng isang taong nakatayo sa labas ng opisina, waring naghihintay.

Si Sandy, ang babaeng nakapula na may mayamang hinaharap.

"Matagal ka na bang PA ni Sir?" tanong agad niya.

Ano 'to? Interrogation?

"Bakit?" tanong din ang naisagot ko.

"Kasi parang close kayo, walang formalities. Ni hindi ko narinig na tinawag mo siyang Sir."

"What is this exactly?" nais ko nang mainis nang totohanan sa babaeng ito.

"Hmmm... wala naman. Curious lang ako. Have you met his wife?"

"Siyempre. Bakit mo naitanong?"

"Dinig ko kasi, it's an arranged marriage. Kaya malamang, hindi kayang pasayahin ng wife niya si Sir. Palagay mo? Hindi kaya nalulungkot si Sir?" maintriga pang tanong nito.

Nalulungkot?

"It's none of my business. And you know what? Neither is it yours. Kaya kung ako sa 'yo, mag-concentrate ka na lang sa trabaho mo."

She was about to bare her teeth and growl, but somebody came...

"Bianca?" tanong ng lalaking bagong dating. Titig na titig ito sa akin.

Mukha siyang pamilyar pero hindi ko maalala kaagad kung sino siya. Dating officemate..? Dating kababaryo..?

"Ano ba! Nakalimutan mo na ako? Rico Montañez, high school classmate," tinapik pa niya ang sariling dibdib.

"Ahh... Ikaw ba 'yan, Rico? Ang laki kasi ng ipinagbago mo, hindi kita nakilala. Kumusta na? Anong ginagawa mo dito?"

"Ano ka ba! Ako lang naman ang top one sa sales dito. Marami na akong naibentang house and lot. Marami na rin akong ipon, pwede na akong mag-asawa," pagyayabang pa nito.

Napatingin tuloy ako kay Sandy na tumirik lang ang mga mata bago tumalikod.

"Gano'n ba? Congrats!" nasabi ko na lang.

"Ikaw? Kumusta ka na? Bakit ka nga pala nandito?" ngayon lang niya naisip itanong.

"Siya lang naman ang personal assistant ni Sir," biglang singit ni Sandy bago pa ako nakasagot.

"Talaga? Small world!" bulalas ni Rico. Talagang tuwang-tuwa siyang nakita ulit ako.

"Oo nga," napatingin ako kay Sandy na tumalilis na dahil hindi naman namin pinapansin ni Rico.

"So, are you busy right now? May iniutos ba si Boss sa 'yo?" tanong niya.

"Wala naman. Naghatid lang ako ng papeles na nakalimutan niya sa bahay... sa bahay nila!" muntik ko nang makalimutan.

"So you're free? Can I invite you over for a snack?" nagliwanag ang mukha niya.

"Kaso baka..." wala akong maisip na alibi. Itinuro ko na lang ang pinto ng office ni Dominique.

"Baka hanapin ka? Don't worry, diyan lang tayo kakain sa ground floor."

Sabagay, may phone naman.

"Sige, for the old times' sake. Tara," nagpatiuna na ako papuntang elevator. It would be nice to talk about the past with a classmate.

It was when we were sitting on a table for four when he noticed the ring on my finger...

"Are you... married?" napatitig siya sa suot kong wedding ring.

Bakit nga ba hindi ko naisipang hubarin 'to? Napatitig din tuloy ako rito.

"You can say that," nasabi ko na lang.

"Kung gano'n, wala na pala talaga akong pag-asa," nakangiting sabi niya, pero may bahid ng lungkot ang mga mata niya.

Then I remembered, nanligaw nga pala siya dati sa akin noong third year high school pa lang kami.

"So, who's the lucky guy?" tanong niya, nakangiti pa rin.

Isip, Bianca... mag-isip ka!

"Hindi naman ako celebrity, at hindi ka chikadora para magkaroon ng interest sa lovelife ko," iwas ko. Inirapan ko pa siya.

"Hahaha! Sorry!" tumawa siya.

Sumipsip ako sa straw ng wala pang bawas na mango juice, kaya muntik na tuloy akong masamid sa sumunod niyang sinabi...

"Gusto ko lang namang malaman kung masaya ka ba sa asawa mo. Dahil kung hindi, aagawin kita sa kanya."

Stand-in BrideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora