The look in your eyes

4.5K 111 2
                                    


After months of staying out of Dominique's office, nandito na naman ako. Not as Bianca though, but as Celeste. Anniversary celebration nila and I really got to be there as his wife. Thanks to Patty, his magic never fails.

Bongga ang party, bumabaha ang mga magaganda at gwapo. Marami ring mapagpipilian sa mga pagkain at inumin. Medyo maaga pa pero may mga tipsy na. Maingay ang paligid, masaya ang lahat.

Nanatili akong nakakapit sa braso ni Dominique while nakikipag-usap siya sa lahat. Masarap sa pakiramdam dahil parang ipinagmamalaki niya ako. Nagigising na lang ako sa katotohanan kapag nababanggit niya ang pangalan ni Celeste tuwing ipapakilala niya ako.

Eventually, napagod din ako kakalakad suot ang very uncomfortable stiletto na sabi niya ay bagay na bagay daw sa suot ko. Well, ang ganda ngang tingnan, nakakapagod naman.

I sat down at the bar counter at humingi ako ng Red Sangria sa mataba pero cute na bartender. Inenjoy ko na lang 'yon habang pinapanood si Dominique na patuloy pa rin sa pakikipag-usap sa mga tao sa party. He would turn around and would wave at me from time to time, na sasagutin ko rin siyempre ng ngiti at kaway.

I was enjoying my drink when Rico sat beside me and started to introduce himself.

Oh no! Hindi kaya niya ako makikilala?

Iniwasan ko na lang humarap nang lantaran sa kanya as he kept on blabbering about work. Then, as minutes ticked by, I didn't expect na iba ang tatahakin ng kwento niya.

"You're a beautiful woman. I don't understand how a husband can cheat on his wife, seeing she's perfect," makahulugang sabi niya.

Nagulat ako at muntik nang masamid.

"What do you mean?" I managed to ask.

"Sorry, I don't mean any harm but I can't help it. Ayokong inaabuso ang isang babae. Please talk to your husband na sana ay tigilan na niya ang kaibigan ko," seryosong pakiusap pa niya.

Great! Ano ngayon ang gagawin ko? How should I react? Paano ba dapat mag-react ang isang asawa sa ganitong sitwasyon?

"I see. So it's your friend..." umiwas ako ng tingin. Bahagya kong pinaikot ang baso ko at pinanood ang pag-ikot din ng mga slices ng orange at lemon sa pulang likido. I just want to play it cool. Hindi naman yata maganda kung magpa-panic ako at gagawa ng eskandalo na kagaya ng mga napapanood ko sa movies. After all, mga edukadong tao ang naririto ngayon.

"Yes, it's my friend."

"Thanks for telling me. I'll see what I can do. As for your friend, you should talk to her too."

Sasagot pa sana siya nang biglang may babaeng yumakap sa kanya mula sa likod. Muntik pa ngang mangudngod ang mukha niya sa maliit na shot glass sa harap niya.

"Remz?" gulat pang bigkas niya nang makilala ang babaeng yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Ang daya mo! Sabi mo, susunduin mo 'ko sa bahay," sumbat nito.

"Akala ko ba ayaw mo nang pumunta. Sabi mo kahapon may pupuntahan ka ngayon."

"Eh, mas gusto kitang kasama no?"

At bigla na lang akong naging invisible...

Mga lalaki talaga...

Nang lingunin ko si Dominique, apat na babae naman ang nakapalibot sa kanya ngayon. Si Sandy ang isa na super sexy sa suot na tube top at mini skirt.

Bakit ba hindi na lang siya maghubad?

Dikit pa siya nang dikit sa boss niya. Naaalala ko tuloy si Catherine sa kanya. And as soon as Catherine comes to mind, kumukulo agad ang dugo ko.

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now