Are you happy?

4.5K 136 3
                                    


"Can you bring it here in the office? I really need it here today. Pretty please?" pakiusap ni Dominique.

Inipit ko sa pagitan ng tenga at balikat ang cellphone ko habang tinitingnan ko ang mga papers na nasa computer table niya.

"Yes, nandito nga lahat. Bakit mo ba kasi nakalimutan?" inayos ko ang pagkakasalansan niyon.

"I guess I'm too busy thinking about you," sagot niya na hindi na bago sa akin.

"Magbibihis lang ako," hindi ko na pinatulan pa ang pambobola niya.

"Yes, thank you."

"Teka lang, kailangan ko pa ba ang tulong ni Patty?" bigla kong naalala. Malamang umatend din ng kasal ang mga taga-opisina, tiyak may mga nakakakilala kay Celeste. Magugulat sila kapag ibang tao ang dumating.

"No, Hon, it's fine. Just come as Bianca. I will just tell them your my personal assistant. Dad is not here anyway, so don't worry," agad na sabi niya. Siguro nga ay kailangang-kailangan na niya ang mga ito.

Pagkaputol ng tawag, naghalungkat ako sa drawers ng computer table upang maghanap ng mga envelope na walang laman upang mapaglagyan ko ng mga papeles. Isang brown envelope ang nabuksan ko na pumukaw ng curiosity ko. Isang brown envelope na may lamang mga pictures...

Pictures namin ni Celeste na magkasama. Karamihan ay nasa mall kami. Tanda ko ang isang 'to. Ito ang suot ko noong isama ako ni Celeste sa restaurant nang magyayang kumain si Dominique. That was the first time I saw him.

Pansin ko lang, bakit mas marami akong pictures kesa kay Celeste? Ang isang 'to, paglabas ko ng trabaho. Ito naman, galing ako ng grocery store, ang dami kong dala dito. Ito naman, paglabas ko sa inuupahang bahay para pumasok ng trabaho. Marami akong close up na kuha, sari-saring expression... may masaya, galit, tulala, bored, at meron ding mukhang malungkot.

What the heck is this?

Bakit may mga pictures ako dito? These were taken after his dinner with Celeste na kasama ako hanggang sa bisperas ng kasal.

Naalala ko na. Nang malaman niyang bestfriend ako ni Celeste, pinaimbistigahan niya ako. Gusto lang niyang malaman kung anong klaseng tao ang palaging nakapaligid sa magiging asawa niya.

Grabe naman! Ganito siya kasigurista?

Pero bakit hindi niya pinaimbistigahan si Harry? Hindi ba niya alam na 'yon ang palaging kasama ni Celeste?

Napabuntong-hininga ako. Iniligpit ko 'yon at muling naghanap ng empty envelope saka naligo na. Tatanungin ko na lang siya tungkol dito mamaya.

Makaraan ang isang oras, pumasok na ako sa lobby ng isang mataas na building at lumapit sa receptionist na sumisilip sa hawak niyang compact powder.

"Good afternoon, Miss. Saan banda ang office ni Mr. Dominique Dupond?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw si Miss Bianca Gamboa?" waring nagliwanag ang mukhang tanong niya.

"Yes," mabuti naman at expected na pala ako dito.

"Eleventh floor, Ma'am. Paglabas po ng elevator, kumaliwa ka, fifth door. This way po ang elevator," aniyang itinuro ang elevator sa bandang kanan niya.

Nagpasalamat lang ako't iniwanan ko na siya upang humabol sa mga taong papasok na ng elevator. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang office ni Dominique sa eleventh floor, may pangalan kasi niya sa pinto. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto at pumasok.

"You're finally here!" nakangiting tumayo siya mula sa gray na swivel chair.

Lumingon lang sa akin ang kaharap niyang sexy na babae, ngunit hindi ito tumayo. Nakatukod ang mga braso nito sa mesa, halos nakadapa na, at sa suot nitong blouse ay walang duda na kita ni Dominique ang hinaharap nito.

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now