Blame it on the wine

5.2K 122 4
                                    


Suot ang black and gold na damit, sapatos, at alahas na si Dominique mismo ang pumili, kumapit ako sa braso niya at pumasok kaming dalawa sa magarang bahay ng kaibigan niya saan marami nang taong kumpol-kumpol na nag-uusap. Siguro, kakalabas lang ng trabaho ng karamihan dito. Mga nakasuot pa kasi sila ng business suit.

"Mon chér!" isang babae ang sumalubong sa amin at humalik sa pisngi ni Dominique.

Okay lang ang gano'n, normal na pagbati lang. Pero ang hindi ko akalain ay matapos niya akong maipakilala sa mga nandoon, mag-iisa na lang pala ako sa isang sulok habang pinapanood siyang pinagkakaguluhan ng mga sexy at magagandang babae sa party.

Mabuti na lang at masarap ang pagkain saka wine. Well, it takes a little getting used to para magustuhan ang pagkain at wine dito. Buti pa 'tong wine, hindi na nang-iiwan, masarap pang kasama.

Natawa ako sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Nalalasing na yata ako ah! Ilang baso na ba ang nainom ko? Kunti pa lang naman yata eh.

"You seem to be having fun by yourself. May I join?"

Napatingala ako at napangiti sa lalaking lumapit sa kinauupuan ko.

"Raphaël, right? It's your birthday! Bon anniversaire!" magiliw na binati ko siya.

"You're learning," tumatawang naupo siya sa tabi ko.

"Actually, it's hard," napatingin akong muli kay Dominique. Ibang babae na naman ang kausap nito.

"Don't you feel insecure?" tanong ni Raphaël na tumingin din kina Dominique.

Napangiti lang ako at napayuko sabay iling. Kung alam lang ng kausap ko na wala akong karapatang ma-insecure.

"Especially to that one," wika niyang nagpaangat ng mukha ko.

Pagtingin ko kay Dominique, nakasabit na sa leeg nito ang mga kamay ni Catherine. Nakaramdam na naman ako ng inis nang makita ko ang babaeng 'yon.

"Aren't you jealous?" tanong muli ni Raphaël.

"No. I'm the wife," mayabang pang wika ko na tumayo at lumapit kay Dominique na niyayakap na naman ni Catherine.

Naiinis na talaga ako sa babaeng ito. Masyadong showy! Now it's my turn to show her. Teka nga...

Kapwa pa sila nagulat nang hawakan ko si Catherine sa balikat at baklasin mula sa pagkakayakap kay Dominique.

"Hé!" hey lang ang nasabi ni Catherine sa gulat.

Di ko siya pinansin. Hinawakan ko si Dominique sa kwelyo at hinatak upang yumuko. Pero hindi ko siya hinagkan katulad ng inaasahan ng lahat, bumulong lang ako sa tenga niya...

"Iuwi mo na ako, lasing na ako," wika ko.

"Okay!" aniyang nakangiti lang na parang natatawa.

Ang sarap upakan ng taong ito. Naasar na ako sa pagiging masayahin niya. Palibhasa may pera at gwapo kaya lahat ng bagay, nasa kanya na... pati mga babae...

Nagpaalam lang siya sa mga kaibigan at inalalayan na ako papuntang kotse. Hindi naman ako lasing, gusto ko lang mag-inarte. Nakakainis na kasi. Dadalhin ako sa party at pababayaan. Sarap sapakin.

Hindi ako kumibo habang nagmamaneho siya. Ni hindi ko siya sinulyapan. Diretso ang tingin ko sa kalsada pero hindi naman ang dinadaanan namin ang nakikita ko, kundi siya sa gitna ng mga babaeng 'yon.

"Are you somewhat... jealous?" nag-aalangan pang tanong niya.

"Hah! Ako jealous? Why would I be? In your dreams," tinapunan ko lang siya ng inis na sulyap, bumaling agad ako sa labas ng bintana.

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now