Hello Romantic Paris

6K 143 2
                                    


Sa wakas natapos din ang ordeal ko. Nakarating kami sa bahay nila sa Paris at buong gabi akong nagkulong sa kwarto na ako mismo ang pumili. Kwarto raw ito dati ng Mommy ni Dominique noong nabubuhay pa at nagtatampo sa asawa. Hindi na pinabago ng ama ni Dominique upang manatili ang alaala nito.

Maganda ang kwarto, kakaiba ang ambiance. Sabagay, pinay kasi ang ina ni Dominique. Nakapag-asawa lang ito ng French na anak ng dating employer. Ayon dito sa lumang picture, maganda ang namayapang ginang at mukhang mabait.

Kaso napabayaan daw ang sarili dahil sa depression. Masyado kasing lapitin ng mga babae ang asawa niya kaya nagmukmok siya at hindi na gaanong kumain hanggang nagkasakit at tuluyan na ngang bumigay ang katawan.

Fifteen lang noon si Dominique, may isip na rin. Ngunit dahil takot sa ama, tahimik lang itong namalagi sa pamamahay nila at sinusunod ang lahat ng sabihin nito.

Sabagay, sa tindi ng impluwensya ng ama sa business world, kahit saan pa mag-apply si Dominique, malamang hindi ito tatanggapin kapag isinumpa ito ng ama. Kaya naman hanggang ngayon, hawak pa rin ito ng ama sa leeg.

"A penny for your thoughts?" biglang nagsalita si Dominique sa likuran ko.

Sa gulat ay muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong picture frame na may larawan ng ginang. Malaking disgrasya sana. Agad kong ibinalik 'yon sa bedside table at humarap kay Dominique.

"Naka-lock ang pinto ah! Paano kang nakapasok?" napaatras ako nang mapagtantong napakalapit niya.

Ngumiti lang siya at itinaas ang hawak na mga susi.

"What do you want? Hindi pa ako gutom," nakahalukipkip na wika ko sa kanya.

"Well, Aunt Marie is coming. I think it wouldn't be a good idea if she finds out we're not sleeping in the same room," naupo siya sa gilid ng kama.

"What do you mean?" alam ko na yata ang ibig niyang sabihin pero nagtanong pa rin ako.

"I'm saying we still have time to bring your things over to my room."

"Pero..."

"Don't worry, there's a couch you can sleep on there if you're still not set on raping me."

"Rape you? How dare you!" sa inis ay tumakbo ako at itinulak siya na napahiga tuloy sa kama saka mabilis na tumakbo ako palabas ng kwarto.

How dare he say that! The nerve of the man!

Huminto ako sa living room at lumingon upang tingnan kung hinabol niya ako, pero humupa na ang hingal ko, 'di pa rin siya lumalabas. Nais ko tuloy magtaka, hindi kaya napalakas ang tulak ko sa kanya at tumama sa kung saan ang ulo niya? Alam ko malayo sa bedpost ang ulo niya. Pero bakit wala pa rin siya?

Matagal kong tinitigan ang nakabukas na pinto, bago ako nagpasyang bumalik sa kwartong 'yon. Una kong nakita ang mga paa niyang nakabitin pa rin sa gilid ng kama. Nakahiga pa rin siya at... nakapikit...

Sinakmal na ako ng matinding kaba. Halos talunin ko ang kama mula sa pintuan.

"Dominique! Hey! Dominique! Are you alright?" niyugyog ko siya sa magkabilang balikat ngunit hindi pa rin siya kumikilos.

Patay ako nito! Anong gagawin ko? Nagpa-panic na muli ko siyang niyugyog.

"Dominique, huwag ka namang magbiro ng ganyan oh. Please! Darating na 'yung auntie mo 'di ba?" naiiyak na ako.

"Oh right! Aunt Marie is coming any minute now. We should start moving your things to my room," aniyang dumilat at tumingin sa akin na para bang ngayon lang naalalang may darating nga palang panauhin.

Stand-in BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon