·


Hindi pa siya totally nakakababa ng hagdan e nakita na niya ang Mommy Clara niya na nasa kitchen at busy ata sa pagluluto.

Humakbang ulit siya... Mga 2-3 steps nalang ata before siya tuluyang makababa, hindi na niya napigilan ang luha niyang sunud-sunod na bumagsak mula sa mga mata niya.


"Mom..." Nanginginig na sabi niya.

Mommy Clara looked at her. Halatang nagulat ito nang makitang umiiyak siya. Mabilis na itinigil ni Mommy Clara ang ginagawa at nilapitan si Rhian.


"Sweetheart, Yoyon, why are you crying?"

Rhian looked at her Mom. Hindi niya alam ang sasabihin so tuluyan na siyang humakbang pababa ng hagdan at mabilis na niyakap ang Mommy niya.


"I love her Mom. I love her pero parang ayaw ng mundo sa aming dalawa." Rhian said at tuluyang umiyak sa balikat ni Mommy Clara habang nakayakap siya dito.


Mommy Clara hugged her back. Hindi ito makapaniwala sa narinig from Rhian.


"You love... her? What do you mean Honey?"

Medyo nag-pause sandali si Rhian dahil parang di siya makakahinga kung magsasalita siya habang umiiyak ng sobra.


"Mom... I love Glaiza." She confessed.


Katulad ng inaasahan niya, nagulat si Mommy Clara. Pero nung malaon, habang yakap pa rin siya nito, parang unti unti na nitong naiintindihan kahit wala pa siyang sinasabing reasons.


"You love Glaiza?"

Rhian nodded. "I love her and I don't know what to do... Nahihirapan ako sa sitwasyon namin Mom. Ayaw ng side niya sa aming dalawa... Ayaw nila sa amin, sa akin and sobrang sakit nito for me. Wala akong magawa para ipaglaban si Glaiza. Wala akong magawa kasi parang gusto na rin ni Glaiza yung sitwasyong gusto sa kanya ng side niya. I don't know what to do Mom. Help me... Nahihirapan na ko. Nahihirapan na ko pero masyado kong mahal si Glaiza para mag-give up nalang. Gusto kong bumalik kami sa dati. Help me Mom... Ayoko ng ganito..." She cried. A lot.


Mommy Clara exhaled habang yakap yakap pa rin si Rhian. Hinahagod niya ang likod nito para kumalma naman kahit papaano.


"I noticed. And palagi kitang tinatanong about this pero lagi mo namang sinasabing 'okay lang ang lahat'. Ito ba ang 'okay lang' anak? Hindi ito okay... Hindi ito okay dahil hindi ka okay dahil dito. And me, as your Mom, makita kang ganito umiyak because of the person you really love, masakit din sakin... Sino ba namang Nanay ang gustong nahihirapan ang anak nila?"


"Ayokong magsalita ng masama Mom, but what if nahihirapan na si Glaiza sa situation na gusto ng family niya para sa kanya?" Bumitaw si Rhian sa pagkakayakap kay Mommy Clara para makausap niya ito ng ayos. "Ayokong mag-assume Mom but everytime na magkasama kami ni Glaiza, alam naman naming may iba. Na may something pero wala sa amin ang gustong magsalita about this or umamin ng totoo. Like, hindi naman kami nagsasabihan or nagpapalitan ng 'I love you's' pero feel naman naming may iba na eh... What if natatakot lang siya na aminin yung totoo niyang nararamdaman for me? What if iniisip niya na baka pag umamin siya, itaboy siya ng family niya or ng management na humahawak sa kanya or ng mga tao sa paligid niya? What if natatakot siyang umamin Mom? What if gusto niya din pala ako and gusto na niyang sabihin sakin pero marami lang nakaharang sa amin? I have a feeling na possible yun Mom. Paano kung ganun nga? Paano na? What should I do?"

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon