One

18.8K 376 25
                                    

(Dedicated to Msmarie1826 . Thank you sa votes :) sa lahat ng mga readers, sana'y magustuhan nyo and sequel na 'to.)

SYDNEY POV

"Hi." I smiled

Nilapitan niya ako saka nya ako hinalikan sa pisngi. "How have you beeen?"

I grinned. "I've been great! Better, actually. I feel new. How about you? How have you been?"

She nodded as she studied my face for a moment. "That's great!" She grinned. "Grabe, ang tagal din natin na hindi nagkita! We should hang out sometime."

"Siguro nga po." I chuckled. "Ahhh, by the way. This is Holland, Nika and Ian."

Nakipag-shake hands sila kay Haven at konting chitchat. Maya maya ay umalis na din si Haven dahil may imemeet pa daw siya na tao sa bahay nila.

Before 12am ay ihinatid na kami ni Holland. I was the last one na ihahatid niya. "Thanks again, Holl! See you sa next na lakad." Sabi ko sakaniya bago ako bumaba mula sa sasakyan niya.


Pag pasok ko ng bahay ay nagstretch muna ako. Madilim na sa living room. I sighed. I feel tired. Umakyat na ako sa kwarto ko at pumasok sa bathroom ko. I took a quick shower.

After shower, naupo ako sa desk ko para patuyuin ang buhok ko. Habang pinapatuyo ko ang hair ko ay nakita ko bigla ang isang Stuffed animal sa sulok ng kwarto ko.

Eto yung stuffed animal na panda. Eto yung panda bear na galing doon sa taong binasag ang puso ko sa unang pagkakataon.

Tumayo ako at pinulot yon.

Ilang linggo na rin ang dumaan. Simula noong unang gabi na umiyak ako ay araw araw akong naghohopia na sana bumalik siya sa akin. Gabi gabi pa din akong naniniwala na babalik siya. Pero bakit nga ba siya babalik? Bakit pa???

Natawa ako habang pinagmamasdan ko itong panda bear na hawak ko. Simula noong unang gabi na umiyak ako ay pakiramdam ko, hndi na ako makakabangon sa umaga. Araw araw akong nasasaktan. I always feel like I'm dying.

Iyak ako ng iyak. Emote ako ng emote. Iniisip ko noon, hindi na ako makaka-alis sa sitwasyon na ganon.

I sighed.

Sobrang hirap palang maging broken hearted noh? Pakiramdam mo, may broken ribs ka. Nobody can see your ribs broken but it hurts everytime you breathe. Sobrang bigat sa dibdib. Sobrang bigat na hindi mo mapigilan yung mga mainit na tears na dadaloy mula sayong mata.

Gabi gabi akong naghahanap ng lakas habang umiiyak dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas na wala siya.

I cried every night

I cried every night because I was in love with her and I didnt see all these things coming. I never thought she's going to abandon me.

I cried because she's simply one of the best things i ever had.

I cried everynight.

But every morning,
I still crawl out off bed and talk to people and smile. I laugh and eventually, nakakalimutan ko ang pain.
My friends brought me to adventures. Noon, everywhere I go; it reminds me of her but I got rid of that.

Way back home (TBTIEH) On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon