Chapter 11: Assassin's Game

105 6 0
                                    


Chapter 11: Assassin's Game

****

"Hey, what are you talking about?" Kunot-noong hinarap ko si Novie. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.

"Just like what I'm saying I'm his girlfriend." Nakataas ng kilay na baling ni Novie kay Neme. In her most bitchy look. "Now, I'm going to take him back with me."

She secretly gave command of the two standby DC men, looking like students, in the area. Saka siya pumulupot sa braso ko at dinala ako palayo sa hindi pa rin makahumang si Nemesis.

"What's with you, Aries? Ganun ba kalaki ang epekto sa'yo ng babaeng yun at nawala ang focus mo?" Sermon niya ng makalayo na kami sa karamihan.

"Huh? Why?" Nagtatatakang tanong ko sa kanya.

"Why? For goodness sake, Aries! The enemies are already within our reach. Ready to attack yet you don't realize it? Gosh! Kung ganyan ka baka bago mo pa mamalayan wala na yung binabantayan mo. You already know that she's the target of both Shadow Org. and Russian Mafia."

"Shit!"

"Yeah, a big shit! Dalawa lang tayo ang nandito ngayon, Aries, kaya don't lose your guard. Alam ko na hindi ka pa totally magaling but we don't have a choice. Mas malaki ang kinakaharap ng Germany at Ukraine Base natin ngayon kaya andun ang mga kasama nating Keys. They can't help us right now. "

"I'm sorry, Nov. It just that-"

"You don't have to explain, I understand. But right now, set it aside, just make sure her safety. Nasa paligid lang sila dahil open for public ngayon ang school. Kahit mahigpit ang security ng Royal Guards, there's no guarantee of our safety. May banta din mula sa Yakuza."

Sunud-sunod na beep mula sa DC phone ni Novie ang bumulabog sa pag-uusap namin.

"Fvck! They're on the move. Kailangan ko pa i-assist ang ibang tauhan at kailangan ko pang maka-usap si Zander. Wag mo siyang hiwalayan kahit saglit, kay? Don't let her distract you."

Tumakbo na paalis si Novie sabay naman ng pagtunog ng DC phone ko. Nasa sampu na ang nasasagap ng phone ko na hindi kaaya-ayang bisita.

Mabilis akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Neme. Novie is right, I should focus right now or else I'm gonna lose Neme in an instant. Naka-alerto akong naglakad at walang kahit maliit na bagay akong pinalampas. Maaari silang aatake kahit maliwanag. At sa ganitong maraming tao madali nilang makukuha si Neme kapag malingat ako kahit saglit lang.

Nagpaikot-ikot ako sa pinag-iwanan ko sa kanya pero di ko siya makita. If it's any consolation, I don't see the two men guarding her.

"Looking for her?" Vash approach me.

"Yeah, you know where?"

"Ayun, kinaladkad nina Yana sa booth na gawa nila Shan. Pinahanap ka nga sa'kin. They said you will be playing a big role in the game they put up."

Anu naman kaya ang naisip nina Shandra at sinali pa si Neme sa kalokohan nila?

"Anong booth ba ang itinayo nina Shandra?" Naisipan kong itanong kay Vash habang sabay kaming naglalakad papunta sa sinabi niyang booth.

"Assassin's Game. In fairness to them, it's an exciting game. But I think there's more, that's why Shandra ask me to find you." Kibit-balikat na paliwanag ni Vash.

Isang malawak na espasyo na napalibutan ng luna upang di makita ang loob. Isang magandang booth sa bungad na may iba't ibang klase ng sandata.

Hinawakan ko ang isang replica ng high powered gun. Mahilig ako sa baril kaya yun agad ang kumuha ng atensyon ko. Ang galing ng pagkagawa. Mukha talaga siyang totoo kung titingnan. Paint ang bala ng mga baril na naka-display at halos lahat ng mga sandata ay naglalabas ng paint kapag tumama sa tao.

Keys 1: The Villain HeroWhere stories live. Discover now