Chapter 3: Spotted

180 7 0
                                    

Chapter 3: Spotted

***

Tss. It's my first day being a student, again. Yeah, you read it right. I even lost count of the schools I've been studying. Well, it's my first time here in Philippines. I've been in this county for how many times but I never stay here for long. Although I'm good with the language.

Napa-iling na lang ako sa nadaanan kong mga estudyante. Ang iba nakatulala, ang iba naman napa-nganga, meron din nabitawan ang mga hawak nila. Seriously, ganun na ba ako ka-gwapo? Lihim akong napangisi. Napasakit nga ulo ni SN. Ganti ko lang dun sa pagtawa niya sa'kin at pang-aasar kahapon.

Naglakad ako palapit sa grupo ng mga babae na nakatulala sa'kin. Gusto ko lang makita kung anu ang reaksyon nila paglalapitan ko. Ayun sa obserbasyon ko sila ang klase ng babae na nag-so-swoon pero hindi mga bitch at flirt.

"Hi Miss, ahm, pwedeng mag-

Parang gustong kong humalakhak sa nangyari. Hindi pa nga ako tapos magsalita hinimatay na sila sa harap ko. I shook my head in amusement.

"Aga nating maghasik ng lagim ah."

Napalingon ako sa nagsalita. Nabungaran ko ang nakangising mukha ni Laxus kasama si Ace.

"Iba talaga ang kamandag ng karisma mo, Aries. Pamatay." Umiiling-iling na tinapik ni Ace ang balikat ko.

Sinabayan nila akong maglakad papunta sa unang subject ko. Sasamahan na din daw nila ako dun kahit alam ko naman kung saan yun.

"Naisipan ko lang naman na bigyan ng maliit na alalahanin si Shirou. Pambawi ko lang sa pang-aasar niya sa akin."

"Kung ganun, hinahamon mo pala siya. Ayus lang sana yan, kaso sa gagawin mo kami din naman mahihirapan. Dahil kami din ang aayus sa gulong mangyayari." Reklamo ni Laxus.

"Don't worry, Lax, I won't do that unless he's here."

Pumasok na ako sa room namin. Tulad sa mga reaksyon kanina ganun din ang nangyari dito. Ang kaninang maingay naging sobrang tahimik. Lahat ng mata ng kababaehan naka-sunod sa'kin, pati ang ibang kalalakihan. Pinagala ko ang paningin. Wala pa si Shan.

Dumiretso ako sa pinaka likod at umupo sa pinakadulo. Yung malayo sa anumang istorbo. Agad akong sumubsub sa mesa ko. Wala pa namang Prof kaya matutulog muna ako. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa new mission na yun. Si Nov kaya? Anu na kayang ginagawa ng babaeng yun?

Naramdaman ko ang pag-alog ng mesa. Damn! Sino ba ang may lakas ng loob na istorbohin ako? Kitang natutulog ako. Tsk, bahala ka nga jan. Hinayaan ko nalang baka kasi nasanggi lang ang mesa ko. Babalik na sana ako sa pagtulog ng maulit na naman ang pag-alog.

"Shit! Who's the fucking-" I stop in mid sentence. Who wouldn't?

"Lakas magmura ah. Ako ba minumura mo?" Maangas na sita ni Shandra sa'kin habang nakataas-baba ang kilay niya.

Napakamot ako ng batok. Lagot mukhang bad mood kasi. Ngumiti ako ng alanganin.

"Kanina ka pa natutulog. It's lunch break, already." Pinandilatan niya ako,

"Huh?" Agad akong napatingin sa relo ko. Tss, napasarap pala ang tulog ko.

"I'm hungry, let's go."

Dahil nga lunch break maingay ang cafeteria. Napa-iling na lang ako ng biglang tumahimik ng pumasok kami. Agad na kaming kumuha ng pagkain. Umupo kami sa may sulok buti nalang at may bakante pa dun. Unti-unti namang bumalik ang ingay at nawala ang pansin sa amin.

Isang nakaka-tensyon na katahimikan ang umagaw sa pansin namin. Nagtatakang nag-angat ako ng tingin. Mukhang wala kasing pakialam si Shandra sa nangyayari sa paligid. Uh, uh, sabi ko na nga ba. Kaya pala ganun nalang ang tensyon sa paligid. Naglakad siya papunta sa direksyon namin. May humarang sa daan niya na babae at mukhang may pinakita, inabot niya kasi ang cp nito. He just frown and made his way to us. Sinipa ko sa paa si Shandra. Nag-angat siya ng tingin at ininguso ko sa kanya ang papalapit. Gulat na napatingin siya dito at sinupil ang ngiting unti-unting sumilay sa kanyang labi.

Keys 1: The Villain Heroحيث تعيش القصص. اكتشف الآن