Chapter 7: Airport

146 6 0
                                    

Chapter 7: Airport

***

"Aish! Tumigil ka Raze pwede ba?" Asik niya sa'kin, kanina ko pa kasi siya kinukulit. Bakit? Trip ko lang. Lalo kasi siyang gumaganda kapag napikon. Tapos napapansin ko na minsan may dumadaang emosyon na makikita sa guarded eyes niya.

"Sige na kasi Neme, isang beses lang naman, please? Pretty please?" Kulit ko pa din sa kanya.

"Ayoko!" Matigas na tanggi niya.

"Bakit ba kasi ayaw mo?" Medyo naka-pout na sabi ko. Sa gwapo kung ito tinatanggihan niya? Saka harmless naman ako ah. Harmless? Tsk, not me. But for her I can. I think I'm being corny here. Syempre estudyante ako ngayon kaya ganito ako. Aries mode lang ako kapag sila kaharap ko. You know them already, right? Isa lang ibig sabihin nun, split personality. Hmm, not totally.

"I don't trust your face. Now, get lost." May aksyon pa talaga ang pagtaboy niya sa'kin.

Kukulitin ko pa sana ng magring ang phone ko. It's Novie and I think it's important. Nag-excuse ako saglit kay Neme para sagutin ang tawag. Aries mode, on. Pvcha, ba't parang ang baliw ko ngayon? I think Neme is a bad influence.

"Yes?"

"Hey, Leo called me. The Grand and the Grandienne is coming today." She informed.

Shit! Ngayon pala yun? Three days pa before ang school fest. Hmm, baka may gagawin sila bago ang school fest.

"Okay. What time? Tayo ba susundo?"

"2pm and nope. They will be coming as a Royalties, Royal House men will be the one to escort them from the airport. We're back ups, just to make sure no one will harm them."

"Got it. We'll be there at '13', right? Where are you, by the way?"

"The Mansion. I'm with Oct and July, we'll deploy the men early to clear the area."

"I'll meet you at the airport."

Tss, pinatay na agad di man lang nagpaalam. Alam na kaya 'to nila Shandra? Nakalimutan ko magtanong. Busy kasi ako.

Naglakad na ako pabalik kay Neme. Naroon pa rin siya sa bench na kinauupuan niya pero kasama na niya si Sheila.

"Ba't bumalik ka pa?"

Magsalita pa sana ako pero naunahan niya. "Ayaw mo na bang makita ang gwapo kung mukha?"

Pinaningkitan niya lang ako ng mata. Tumawa naman si Sheila.

"Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa'yo, Raze. Akala ko suplado at snob ka kahit ikaw pa ang sinasabing dakilang flirt dito. Lalo na nung bago ka pa. Nakakatakot kaya ang aura mo pag sobrang seryoso. Lalo pa tinatawag kang Aries ng mga so-called friends mo na sina Ms. Shandra." Sabi ni Sheila.

"Wag ka nga magsalita ng ganyan Shei. Hindi mo naman talaga kilala sina Ms. Shan. Tss, don't believe in rumors."

"They're not my so-called friends Sheila. They really are my friends. May importante lang kasi kaming ginagawa kaya ganun yung nakita mo."

"Sorry. Hindi ko lang kasi maintindihan kung anu ba talaga sila. There are many students who keeps silent about them."

"Those who are silent are the one who got ideas or know them. Yung nagpakalat naman ng kung anu-ano sila naman yung mga walang alam at walang magawa sa buhay." Sagot ni Neme sa kanya na hindi tumitingin.

"Kasi naman maraming takot sa kanya or sa kanila. Ba't ganun? Di ba patapos na ang 3rd year ng dumating si Ms. Shan dito? Tapos pagdating niya pa lang marami ng ilag sa kanya."

Keys 1: The Villain HeroWhere stories live. Discover now