DC-56

11.7K 495 163
                                    

CHAPTER 56.

Ilang linggo na mula nang ipahatid ako ni Prime sa kanyang driver dito pabalik sa Maynila. I got my things from his condo at dito na ako ulit nakatira sa lumang bahay 'ko.

Wala na din akong balita sakanya. As for now, nagfo-focus muna ako sa career 'ko. At kapag nagkaipon na ako, magho-home study program ako. Priority ko muna ang career dahil hindi ko pa kayang tustusan ang sarili 'ko para ipagpatuloy 'ko ang 3rd year 'ko. I am almost graduating.

"Okay pack up! Early pack up din tayo for tomorrow, 6 am!" Sigaw ni Direk sa amin.

I'm currently shooting for a new movie with Justinn Anderson. Wala silang nahanap na pamalit sa akin dahil hindi pa sila nagpapa-audition. Buti nalang ay hindi ako masyadong late. Nakuha ko pa ang opportunity.

"Hey, hatid na kita?" Anyaya sa akin ni Justinn. He's very humble and nice kahit sobrang sikat na siya.

"Hmmm. Magtataxi na lang ako. Nakakahiya malayo pa ang Taguig dito."

"Come on, it's late. I insist." Hindi na ako tumanggi dahil hinila niya na ako sa kotse niya.

Agad akong nagpahinga pagdating 'ko sa bahay. It's almost 12 pm at maaga pa ang pack up bukas. I'm so tired! Pero kailangan 'ko kumayod. I don't want to tell my parents about our break up.

The next day has been smooth and easy. Natapos namin ang shoot sa tamang oras at naka-isang take lang kami sa bawat scene.

May meeting pa ako with KFC dahil gusto nila akong kunin as their endorser. Sa lahat ng offers sa akin ay wala akong tinanggihan. 2 months na ako sa industriya. 2 months na din kaming wala ni Prime. 2 months na akong walang balita sakanya. Kamusta na kaya siya? I hope he's not yet married. Wait... Why am I wishing for it? Damn, move the hell on, Charm.

"Sa Crown, SM Lazaro, SM Makati ang mall tour niyo ni Justinn tomorrow. You need promotions! In a few days ay ipapalabas na ang movie niyo,"

Nang marinig 'ko ang 'Crown' ay kinabahan ako ng sobra. Nagtatrabaho pa kaya siya doon? Manonood kaya siya? Damn it!

"Can I court you?" Nagtilian ang lahat sa crowd nang lumuhod si Justinn sa kalagitnaan ng pagkanta namin.

Halos mabingi ako dahil sa tilian ng crowd. Nasa crown kami ngayon at nagp-promote nang bigla siyang lumuhod. Bigla akong kinabahan kasi feeling ko.... Feeling ko lang naman ay pinapanuod niya ako. Tss. Why would he?

Inilayo 'ko ang mic sa labi 'ko, "What is this?"

"Just say yes! Scripted ito..."

Oh well, showbiz. "OFCOURSE! WHO WOULD SAY NO TO YOU?!" Ngumiti ako ng malapad. Tumayo si Justinn, binuhat ako at pinaikot ikot sa stage kaya halos lumindol sa crowd dahil sa impact namin. Mukha kaming makatotohanan kaya madami ang kinikilig sa amin.

Sa pagkaka-alam 'ko, may non showbiz girlfriend 'yang si Justinn. Ewan. Feel 'ko lang. Never pa siyang nag-open up sa akin, eh. At ganon din ako sakanya. Ang alam niya lang ay EX ko si Prime Yuchengco.

"Bakit nga pala kayo nagbreak ni Prime?" Justinn's only 19. Isang taon lang ang tanda ni Prime sakanya and, He's mature. Sometimes suplado.

"Sa'yo ko lang ito sasabihin," I sighed. "Pero, natatakot ako baka ijudge mo ako." Nabash na kasi ako noon sa social medias nung inamin ko na wala na kami ni Prime. Playgirl, slut, pumapatol sa lalaking 3 years ang tanda sa akin, malandi kasi 17 palang nakikipagrelasyon na.. Etc. and I swear, halos isuko 'ko ang pagaartista dahil don. Pero habang tumatagal ay nasasanay na din ako.

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon