DC-23

13.9K 538 68
                                    

CHAPTER 23.

"Prime? Hindi mo na ba balak na pabalikin ako sa bahay?" Naisip ko lang. Sabi ni Prime noon one week lang ako mananatili dito. Anyareh, ilang linggo na ko dito. Hahehihohu.

"Do you wanna go back there?"

"Syempre hindi!" Masiglang sabi ko habang pinagluluto siya ng dinner.

"Sudden change of my mind? Nung isang araw lang gusto mo bumalik 'don, ah." Busy siyang mag xbox. Amff.

"Aba, syempre! Mas gusto ko makasama ang babyloves ko, noh!" Napatingin siya sa akin, nag-wink ako sakanya. Kiligin ka sana!

Nag-iwas siya ng tingin habang nakangiti, "bebe ko, babyloves... Ano pang gusto mo itawag mo sa akin?"

"Mahal ko. Hek-hek." Agad siyang napatingin sa akin. "Wushuuu! Kilig tumbong siya, oh! Hahaha!"

Baliktad. Dapat si Prime ang bumabanat sa akin kasi siya ang lalaki. Mukha pang ako ang nanliligaw sakanya, ah!

"Are you courting me, Charlemagne?" Tumawa pa siya. Aba?

"Oo. Tapos kapag sinagot mo na ako, ikaw naman ang manligaw sa akin." Banat 'ko.

"You're crazy." Nakangiti pa din siya. Gwapo naman ng babyloves ko!

"Baliw sayo. Hek-hek." Sinulyapan niya ako at kinindatan ko siya. "Prime, diba matalino ka?"

"Yeah. Papaturo ka?" Nanatili ang titig niya sa akin.

Umiling ako, "Matalino ka pala, eh. Sagutin mo na ako. Hek-hek."

Sinulyapan ko siya at nahuling nagpipigil ng ngiti. Tama yan, Prime. Kiligin ka dapat sa akin.

"Luto na!" Hinanda 'ko ang bicol express, mga plato, baso at utensils.

Umupo siya sa harap 'ko at nilanghap ang aroma ng bicol express. The way to a man's heart is through his stomach, sabi ni Mama.

Naikwento sa akin ni Mama na mabilis daw mainlove ang lalaki sa babaeng masarap magluto at maalaga. Kaya ayun, baliw na baliw si Papa ko sakanya.

"Masarap?" Inabangan 'ko ang reaction niya nung sumubo siya.

Tumango-tango siya, "Yeah."

Nagdidiwang ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na maialis ang ngiti sa labi 'ko.

Tahimik lang kaming dalawa kumain.

"Prime, extra rice?"

"Nope. I'm on diet."

"Gym tayo minsan. Baka naging tabs na din ang abs ko. Napapadami na masyado ang rice 'ko." I pouted. "Feeling ko ang taba taba ko na."

"Nah, you're skinny. You need to eat."

"Bakit ikaw? Toned na naman ang katawan mo, ah. Bakit ka pa nagd-diet?"

"Nothing. Just don't want to have baby fats." He shrugged.

Ganon na talaga siguro kapag body conscious. Well, atleast magkasundo kami.

"Anyway... I'll go to Cebu tomorrow. Wanna come with me?"

Halos tumalon ang puso ko sa alok niya. I want to! Gustong gusto ko na makita ang pamilya ko. Kamusta na kaya sina Papa at Charlene?

"Wala kasi akong pera... Nagiipon pa ako. Sa sembreak pa ako uuwi."

He rolled his eyes, "My treat."

Naningkit ang mata ko. Seryoso ba siya?!

"Kaso attendance is a must sa university fiesta, eh."

"Just tell your friends na ilagay ka pa din sa attendance kahit wala ka. The profs won't notice it, they'll be very busy grading the booths."

"Kailan ang balik natin?"

"On sunday because you still have classes."

Tumango ako at agad na nagayos ng gamit. Excited na ako! OH MY GOSH!

Nagimpake ako ng gamit at naligo. Sobrang naiiyak ako sa tuwa, kamusta kaya ang lagay nila? Sana ay maayos na sila.

Alas singko ng umaga ako ginising ni Prime kasi alas sais ang alis namin. Maaga ang flight namin para walang media. Nauna ako maligo at nag-ayos.

I wore my blue cropped top long sleeves and black shiny shorts. Medyo maikli ito pero okay lang, sanay ako sa ganitong kasuotan. Nagsuot ako ng wedge at sinuklay ang mahaba kong buhok.

Napalingon ako kay Prime.... Shet. Ang hot ng sweetheart ko! Tanging towel na nakapulupot sa bewang niya lang ang suot niya.

Hmp! Sarap sunggaban, eh!

"The fuck are you wearing?" Hinead to foot niya ako. Ugh! "The perfect V in between your thighs is very obvious."

Naginit ang buong katawan 'ko sa sinabi niya. Bakit ganyan siya ka-vocal? Shet!

"S-sa-saglit. M-magpapalit ako." Pumasok ako sa banyo at nagpalit na lang ng itim na skinny pants. Kita ang kahalati ng tiyan ko sa cropped top 'ko.

Lumabas ako at namataan siyang naka colar shirt at brown pants. Ang astig talaga ng porma ng heart heart ko!

"Okay na?" I asked.

"Sana nag bra ka na lang. Ano ba yang damit mo? Nagkulang sa tela?"

I pouted at kumuha ng offshoulder na fitted. Tinignan lang ako ni Prime at hindi na nagreklamo.

Isang backpack lang ang dala ni Prime at ako... Uhm. Isang maleta. Eh kasi naman! Dinala ko lahat ng damit ko. Ewan, baka kasi kailanganin 'ko.

Nag bun ako ng buhok at naglagay ng shades. Mabilis kaming naka check in at boarding.

Shet.... First time 'kong sumakay sa eroplano! Kasi nung nagtungo ako ng Manila, barko ang sinakyan 'ko.

Naka-ilang beses akong nag sign of the cross. Jusko po! Gabayan mo po ang byahe namin!

"Your first time?"

Tumango ako habang nakapikit. Nakakainis! Maiiyak na siguro ako sa sobrang kaba!

Hinawakan niya ang kamay 'ko at ininterwine. Hindi 'ko alam pero kumalma ang pakiramdam 'ko.

"I'm here, don't be scared." Kumalma ng todo ang buong katawan 'ko sa sinabi niya.

"Thank you..."

-

"Charm.... Hey, wake up." Nagising ako dahil sa pagtusok ni Prime sa pisngi 'ko.

"Nasa langit na ba tayo?"

"What? Let's go." Tumayo siya at naunang lumakad.

Tatayo na sana ako pero agad din akong napaupo. Lintek, yung seatbelt ko pala! Ugh! Teka, paano ba ito? Hindi siya katulad ng sa kotse! Pakerimoru!

"Hala may trap! Cutie pie ko! Help!" Half-sigaw ko kay cutie pie ko na umirap at bumalik sa kinauupuan 'ko.

He removed my seatbelt at naglakad na palayo. Pahumble pa ang sugarpop baby ko! Hmp! Kiss ko siya dyan, eh!

May valet at itim na sasakyan ang sumalubong sa amin at pinagbuksan kami. Wow! Sosyal!

"Saang hotel ka naka check in?" I asked. Pwede sana siyang sa bahay mag-stay.... Haruuu, Charm? Clingy much?

"Waterfront."

"WOW! RICH KID AMPUTEK!"

Inaasahan 'kong sa raddison blu o kaya sa marco polo siya mag che-check in. Uh! Ano bang ineexpect ko? Eh mayaman ang isang ito!

"Will you stay at your house?"

"Oo. Uyyy, wag mo ako mamimiss ah? Baka mainlove ka na rin sa akin." Naningkit ang mata niya sa akin pero bumungisngis lang ako. "Titig pa more. Don't worry, sasaluhin naman kita kapag nahulog ka." Kumindat ako sakanya at nag pogi pose.

Nag-iwas siya ng tingin pero nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Pa-hard to get pa kasi! Madali lang naman ako magustuhan! HMP!

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon