DC-36

12.7K 464 102
                                    

CHAPTER 36.

"Gago ka. Alam mong siya yung kinekwento ko noon pa, diba! Putangina mo tol. Ano, sulutan ng girlfriend?"

"Ulol. Hindi naging kayo."

"Atleast na! Tangina, Prime! Alam mo kung gaano ako kabaliw kay CK! Tapos putangina, aagawin mo lang pala?! Tangina mo talaga."

"Hindi ko siya sinulot, gago. Kusa kaming nagkita. I guess it's destiny."

"Ulol! Anong destiny?! Kailan ka pa naniniwala dyan?"

"Since I met Charm."

"Fuck you, man! Lolokohin mo lang naman siya!"

"Fuck you, Hades. Bakit? Isa lang ba talaga pinarausan mo nung kayo ni Charm? I guess they're 10. Magka-aids ka sana."

"'Wag mong binabalik ang past dito Prime. My point is you stole her from me! Gago ka!"

"Pero nagpaagaw siya. So back off."

"Let's see kung sino ang piliin niya sa atin. Let's see, Prime."

Nagising ako dahil sa bulungang naririnig ko at agad na napasimangot. Sino ba sila? Mga istorbo!

"Hmm...." Masyadong pagod ang mata ko para dumilat pa. God! Ang sakit ng buong katawan ko!

"Charm.."

"Ck...."

Onti onti kong dinilat ang mga mata ko at dalawang mukha ang bumungad sa akin. Si Hades at si Prime.

"PRIME!" Inakap ko siya agad sa liig niya at nagsilabasan agad ang mga luha ko. Namiss ko siya! Namiss ko ang amoy baby niyang katawan! Namiss ko ang asawa ko! "Prime... miss na miss kita." I said in between my sobs. Naguumapaw talaga ang emosyon ko pagdating sakanya. I really am madly inlove with him!

"I'm here, baby loves.." I felt his hands rubbed my back. Hinarap niya ako at siya ang nagpunas ng luha ko. "I'm here."

Tumango ako and I bit my lip. Napatigin ako kay Hades na halatang nasasaktan sa napapanuod niya.

"H-h-h..." I bit my lip. Bakit ba kinakabahan ako sakanya? Ayusin mo ang sarili mo Charlemagne! "Hades... a-a-and-andito k-ka pa-p-pala." Ngumiti ako ng tipid.

"Yeah, saw you kagabi sa airport. Na-over fatigue ka daw. Ck, you should eat at never force yourself into something you're not capable of." He patted my forehead. Iniwas ko ang ulo ko at ininterwine ang kamay ko kay Prime. I love you, Prime. I love you!

"A-ahh. S-salama-t..." Nag-iwas ako ng tingin sakanya."Baby loves, uwi na tayo? Mas gusto 'kong magpahinga sa bahay."

Actually, gusto ko lang talaga masolo si Prime. I want Hades beside me but.... I need Prime. He's my strength. Hades is just.. uhm..

"You can stay at my condo, Ck..." Hades. Gusto kong makita kung ano itsura ang condo niya! I wonder if he's still into batman?

"We're living together. And you expect my wife to go with you?" Nakaramdam ako ng inis kay Prime. Why would he say that? Masasaktan si Hades!

Wait.... Anong pakelam ko kung masaktan ang manlolokong 'yan?

Hindi ko maintidihan ang sarili 'ko. Mahal ko si Prime pero may care pa din ako kay Hades at ang pangit pakinggan pero, I want to hang out with him. Yung kaming dalawa lang. Because I missed him, so much.

Onti-onti na akong naniniwala sa first love never dies. Shit. Hindi ito tama.

"CK... Kanino ka sasama?" Hades eyes were pleading. Napatingin ako kay Prime na malamig lang ang tingin sa akin at umirap pa.

Gusto kong sumama kay Hades.... Ewan. Pero gusto ko ding sumama kay Prime na parang ayaw ko. Shet, ang gulo talaga ng sarili ko!

Hades made me doubt my feelings for Prime! I hate his effect on me!

"P-prime, I think we should go." I bit my lip at naramdaman ko na naman ang awa ko kay Hades nang napayuko siya.

Inalalayan ako ni Prime sa bewang at nilisan na namin ang kawawang si Hades sa hospital room ko.

Kapag kasama ko si Prime, lamang ang pagmamahal ko sakanya. Kapag kasama ko si Hades, nalalamangan niya ang pagmamahal ko kay Prime.

DAMN IT CHARM. I NEED TO THINK STRAIGHT. Feeling ko kailangan ko muna mapag-isa. I need space, yes. To figure out kung sino ba sa dalawang iyon ang mas matimbang.

"Damn it Charm! Alam mo nakakaasar ka, eh! Sana hindi mo na sinabing mahal mo ako para hindi ako umaasa ngayon! Grabe kang babae ka, ang playgirl mo pala talaga." Naningkit ang mata niya sa akin. "Mahal mo ba talaga ako?"

"Mahal kita, Prime!" Pero importante at mahalaga si Hades sa akin.... Do I still love him?

"Playgirl ka nga." Umiling siya. Nagulat ako ng naglakad kami pabalik sa hospital room ko. "Hades." Napalingon agad si Hades sa amin.

Marahan akong tinulak ni Prime palapit kay Hades. "Solohin mo na hanggat di ko pa pinapakasalan. Pero pag ako ang pinili niya, pasensyahan na lang talaga at makakapatay ako ng taong magtatangkang sumira sa relasyon namin."

Napatulala ako sa pintuang nilabasan ni Prime. I felt Hades hugged me from behind pero agad kong inalis iyon. Nairita ako sa pagyakap niya.

"Let's go home, my love." Malambing siyang ngumiti sa akin. "Sinasabi ko na nga ba't mahal mo parin talaga ako."

"Ang kapal ng mukha mo, Hades! Akala mo 'di ko alam na hindi lang isang beses na niloko mo ako? Akala ko kay Demetria lang. Ang dami pala, huh? Ang tigas ng mukha mong manghingi ng chance!" Tinulak ko ang dibdib niya. "Bakit Hades?! Ha? Bakit kapa nagbalik?! Masaya na ako kay Prime tapos sumulpot ka na parang walang nangyari!"

"CK.. that.. I can explain."

"Alam mo, buti pa si Prime, hindi ako nagawang lokohin. Hindi ako nagawang saktan intentionally. Pero ikaw? Ang kapal ng pagmumukha mong ipaglaban pa ako kahit ilang beses mo na akong ginago!"

"Ck.. please. Oo, nagkasala ako non. Nagpadala ako sa kalibugan 'ko. Pero nagbago na ako. Ck, people change. Just.... give me a one last chance." Lumuhod siya at niyakap ang tuhod ko.

"Hades, just... step out of my life." Matigas na sabi 'ko.

"Alam kong mahal mo si Prime. Pero CK, hindi ako titigil hanggat hindi ko napaparamdam sayo na mahal na mahal parin kita. Please, kung bibigyan mo ako ng chance at hindi talaga nag work out, I'll.... I'll stop ruining your relationship with Prime."

"Anong chance ang pinagsasabi mo?! Ikakasal na ako!" Nangigigil ako sa lalaking ito!

"'Yun na nga, eh. Ikakasal kana. At ayaw kong magpakasal ka ng may doubt if you made the right decision. CK, give me this chance. I promise, para sa ikabubuti nating lahat ito... Please.." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa tuhod ko.

I closed my eyes. Mahal ko si Prime, sobra. At ayaw ko na siyang saktan ulit.

"One last chance, Hades. One last chance. Kapag hindi nag work out... Just please... step out of my life." Matigas na sabi 'ko.

I think mas mabuti ito. Ayaw ko kasi na kapag kasama ko si Prime ay si Hades ang nasa utak ko. At pag kasama ko naman si Hades ay si Prime naman ang nasa isip ko. Mamamatay ako sa kakaisip.

"Give me 30 days."

"10 days. Sharp. Kasi kung magiging tayo talaga, hindi na aabot ng 10 days."

"Fine. 10 days, my love." Tumayo siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Sa isang kondisyon...."

"Anything, my love." Ngumiti siya ng matamis. That smile that made me fell for him.

Tumingin ako diretso sa mata niya, "Kay Prime ako uuwi." His smile faded. Bumuntong hininga siya at dahan dahan siyang tumango.

"Mahal mo talaga noh?"

He bit his lip. Nasasaktan ako para sakanya pero what can I do? Eh mahal ko na nga talaga ang taong regla na iyon.

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon