DC-53

10.1K 407 99
                                    

CHAPTER 53.

Maagang umalis si Prime para sa trabaho niya sa Manila. He made sure I have all the stuffs i need and foods i crave para hindi ko siya hanap-hanapin kapag may kailangan ako.

Syempre, hindi mawawala ang dalawang kariton ng dalandan. Hehe. Napakasarap. Buo na araw ko kapag kinain ko 'yon.

"Charm, anong ulam ang gusto mo?" Tanong ni Tascia sa akin. Anak siya ni Nanay Lorna kaya nakakapagtaka kasi mabait siya sa akin.

"Uhm, kahit ano basta maasim."

"Hmm. Paksiw? Sinigang?"

"Uhhhmmm. Sinigang na bangus tapos luto ka na din ng corned beef. Ayos lang ba?"

"Yes, tawagin kita kapag okay na." Ngumiti ako at nagpasalamat sakanya.

Habang nasa kwarto ay inarrange ko ang mga damit namin ni Prime. Next time kapag hindi na ako tinamad, ako na magluluto sa sarili ko. Ngayon kasi parang wala akong gana bumaba ng hagdan eh. Ayaw kong ayusin itong gamit namin ni Prime pero kailangan kasi ayaw naming dalawa ng makalat na kwarto.

"CHARLEMAGNE!" Napatayo agad ako at napahawak sa dibdib 'ko. Halos atakihin na ako sa sobrang gulat sa sigaw ni Nanay Lorna at pagbagsak niya ng pinto!

"P-po? Nay?"

"BAKIT MO PINAGLULUTO SI NATASCIA?! HINDI KA TUMIRA DITO PARA GAWING UTUSAN ANG ANAK KO! HALA SIGE, PAGSILBIHAN MO ANG IYONG SARILI!" Lumapit siya sa akin at hinila ang laylayan ng tshirt ko palabas sa kwarto namin ni Prime. "Napaka batugan mong bata ka!" Tinulak niya pa ako pababa ng hagdan kaya napakapit ako sa kahoy sa gilid. Gusto kong maiyak! Tatlong araw pa lang ay ganito niya na ako tratuhin!

"Ma, sabi ko okay lang at kaya ko. Kabilin-bilinan ni Prime-" naputol agad ang sasabihin ni Tascia dahil sa bulyaw ni Nanay Lorna.

"Wala si Prime kaya dito kaya dapat na kumilos ang babaeng iyan!" Dinuro niya pa ako. Nanahimik lang ako at huminga ng malalim.

Prime told me not to please her. But I would. Ayaw kong mismong kapamilya ni Prime ay maging kaaway ko.

"Hala... Walang preservatives," bulong ko sa sarili 'ko.

"Ay wait, Charm. Bibili lang ako sa palengke-"

"IKAW ANG BUMILI NG KAILANGAN MONG BILHIN, CHARLEMAGNE. HINDI SI NATASCIA." Mariin kong ipinikit ang mata 'ko at ngumiti nalang kay Tascia.

"Mam, saan po kayo pupunta?" Nakasalubong ko ang isang boy sa ancestral house.

"Bibili lang po sana ng preservatives sa palengke." I smiled.

"Bilin po ni Sir. Prime bawal po kayo lumabas lagpas sa garden. Ako nalang po ang bibili," tumanggi ako pero he insisted kay pumayag nalang ako at umupo muna sa garden para hintayin siya.

Pagtapos kong lutuin ang sinigang ay tinawag ko ang lahat sa hapag kainan. Si Nanay Lora, Nanay Lorna at Tascia lang ang andito ngayon dahil yung iba ay umuwi ng Cebu.

"Hija, ikaw ba ang nagluto nito?" Ngumiti sa akin si Nanay Lora.

"Opo, nay." I smiled at her. Buti pa si Nanay Lora mabait! Hmp!

"Masarap ito. Katamtaman ang asim-"

"Anong katamtaman ang asim?! Masyado ngang nasobrahan sa asim! Pweh!" Nabitawan ko ang kubyertos ko dahil sa sigaw ni Nanay Lorna. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong nanikip. Uminom lang ako ng tubig para mawala ito.

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon