DC-16

16.1K 497 72
                                    

CHAPTER 16.

Bothered ako hangga't sa makarating kami kanila Junie pero hindi ko iyon pinahalata. Parang walang nangyari ba. Pero naiilang pa din ako kay Kira kasi... alam niya na.

"Grabe! Ilang tulog na lang at University fiesta na!" Gelle.

"Yeah! Naalala niyo nung last year? Solid noh! Lahat ng booths approved kay Chancellor!" Maxee.

"Hay! Sana si Prime na lang forever ang president ng student council! I swear, ang swerte ng batch nila." Junie.

"Responsable talaga si Prime..." mahinang sabi 'ko. Napatingin sila lahat sa akin. "I mean... base sa mga kwento niyo, mukhang man of principles talaga siya."

"Sobra! No wonder, lahat ng babae sa university nagkakagusto sa kanya..." napatingin ako kay Kira na nakatingin sa akin habang nagsasalita. "Kahit yung taong hindi mo akalain na mababaliw kay Prime."

I bit my lip. Jusko, Kira shut up pleaseeee. Huhuhu. Aamin na ako promise, kapag ready na ako.. Hays!

Nabuo na yung gown 'ko. Pintura, fake gold jewelries at beads na lang ang kulang. Sinukat 'ko ito at tamang tama lang.

"Kita naman pala ang legs 'ko dito?" Sabi 'ko kay Junie. Masyadong maikli pala?

"Hala ka babe! Above the knee ang nasa drawing 'ko, masyadong maikli yan.."

"Sorry! Akala 'ko kasi mahaba na... Ano, uulitin ko na lang."

"No no no! That's better nga, mas bagay sayo. Pak!"

Natawa na lang ako at tinignan ang sarili 'ko sa reflection sa salamin. Dyaryo at lumang curtain ang ginamit 'ko para mabuo. Tinahi 'ko ang bawat gilid at sinamahan ng glue gun para matibay.

Maikli lang ang gown 'ko kaya ako ang pinaka unang natapos. Nakaupo ako sofa habang nagkakalat sila sa sahig.

"Bukas na lang pinturahan?" Kira.

"Yup! Balik kayo dito bukas. Sleep over tayo? Tapos late na tayo pasok sa Friday? Tara?" Junie.

"OMG! Yes! Game ako!" Gelle.

"Tara! OMG!" Maxee.

"Ikaw, Charm? Pwede ka?" Kira.

Papayagan kaya ako ni Prime? "Uuhhh. Ittry ko, ah?"

"Why try? Babe naman minsan lang 'to!" Junie.

"Oo nga! Hay nako, Charm. Feeling ko tuloy may tinatago ka?" Maxee pouted. Oh no! No!

"Mga baliw. Sige na nga!"

Pinaplano nila kung ano ang balak nila sa sleep over. Nag vibrate ang phone 'ko bigla. It's Prime! Bigla na naman akong napangiti.

"Uhhh. Wait ah? May tumatawag." Pagpapaalam 'ko at pumunta sa may balcony.

"Prime?"

"Let's have dinner."

"Uuhh." Napatingin ako sa babes na busy mag-tahi ng gown nila. "Saan? Susunod na lang ako."

"I'm already here."

"Saan?"

"Look down."

Napatingin ako sa ibaba. Nakasandal siya sa kotse niya habang kausap niya ako. Shet! Kinagat 'ko ang labi 'ko para mapigilan ang pag-ngiti 'ko. Lintik! Effortless kung mapangiti niya ako, ah?

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon