DC-19

14.2K 586 190
                                    

CHAPTER 19.

University fiesta, day 1.

Today's the day. Nagkaroon ng parade pero hindi kami kasama, after ng parade ay introduction, speech, dance performance ng highschool, role play nina Vieve at fashion show na.

Witwew.

Nagsisimula na mag-speech si Chancellor Maxine at iba pang staffs sa school.

Ako ang last na inayusan ni Junie. Makapal ang make up 'ko, randam 'ko iyon. Pulang lipstick, fake eyelashes, wing eyeliner, blush on, foundation and red contact lense. Nilagyan 'din ako ng pulang nail polish at kinulot ang buhok 'ko.

Damn. I feel so different.

"Putang-ina!" Napasigaw si Junie pagkakita niya sakin.

"Pinapakaba mo naman ako, eh! Ano? Mukha ba akong tukmol?" Feeling 'ko napakapangit 'ko! UGH!

"Straight na ata ako! Kaloka!" Napa-face palm siya. "ANG GANDA MO!"

"Salamin nga! Tinutukmol mo naman ako, eh!" Naglakad ako papunta sa whole body mirror.

"Hala! Shet! Ang ganda 'ko!" Ayaw 'kong hawakan yung mukha 'ko dahil feeling 'ko kapag ginawa ko iyon ay mabubura ang make up 'ko.

Nagpurian kaming babes. Ang gaganda namin! Grabe! Totoo ba to? Naiinggit tuloy ako sa magical hands ni Junie.

"Mababaliw sa iyo si Prime niyan..." bulong ni Kira.

"Wish ko lang." Sana nga, Kira. Sana nga.

"Baka mabalitaan 'ko nalang na buntis ka na, ah?" Tinusok-tusok niya pa ang bewang 'ko.

"Oo ba, ninang ka!" I joked.

"Omg malandi kaaaaa!!" Humalakhak siya ng pabulong.

Sayang nga lang at hindi makikita ni Prime ang ayos 'ko ngayon.

Sinuot 'ko na ang gown 'ko. Yung recycled gown. Kamukhang kamukha ito ng nasa sketch ni Junie kaya tuwang tuwa siya.

"Get ready! Junie, ready the models!" Ani Ate Matet.

Sinuot 'ko na yung pulang stiletto 'ko at huminga ng malalim. You can do this, CK. CK. CK ng Cebu. Kaya mo 'yan.

Tinawag ang section namin. Niremind ni Junie na wala daw ngingiti at kailangan daw fierce at malamig ang tingin.

Isa-isang tinawag ang elements. Ako ang huling tatawagin.... Shet!

"The Element of FIRE. To be represented by Miss. Charlemagne Kailey Dawn!"

Huminga ako ng malalim at naglakad. Pinlay yung video 'ko bts.

(See the multimedia)

Umingay ang buong crowd. Preschool, gradeschool, highschool at college (lahat ng course) ay nanunuod. Sa laki ng gymnasium, kasya lahat ng estudyante.

Nilibot 'ko ang tingin 'ko sa mga judges... Hindi sila pamilyar sa akin. Si Prime! SI PRIME?! Nakapatong ang kanyang baba sa palad niya, nakanguso at titig na titig sa akin at sa video. Isa siya sa judges? Sa kabilang banda naman ay si Hillary.... Yung ex ni Prime! Jusko po! Taas kilay kung makatingin. Mas maganda ako sakanya ngayon! Ngayon lang!

"I LOVE YOU CHARLEMAGNE!"

"AKIN KA NALANG CK!"

"GANDA MO KIRA!"

"GO MAXEE! GO GO GO MAXEE"

"GELLE SORIANOOOO! WAAAHHHH!"

"CHARLEMAGNEEEE WOOOOOHHHHH"

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon