DC-3

17.2K 502 24
                                    

CHAPTER 3.

Nagring ang alarm 'ko pero tamad na tamad pa akong bumangon. Maga-alas dose na kasi ng umaga nung ihatid ako ni Prime dito sa bahay kagabi. Sakit ng ulo 'ko. Ughhhh.

Tamad akong bumangon at naligo. 'Di na ako nagabalang magluto ng breakfast dahil malelate na ako. Mamayang lunch na lang ako kakain para tipid.

Nagabang ako ng bus. Buti ay may upuan pa.

"Hey, miss." May kumalabit sa tabi 'ko. Nilingon ko siya at woah! Siya 'yung lalaki kahapon!

"Uy! 'Kaw ulit? Hello!" Nakangiting sabi 'ko.

"Yeah, I just realized we're studying on the same university." Tinignan 'ko ang logo ng polo at lanyard ng ID niya. Oonga noh!

"Anong course mo?" Tanong 'ko.

"Accountancy. Magkalayo ang building natin. Haha! By the way, I am Rafael. And you are?"

"Charlemagne. Nice to meet you!"

Nagkwentuhan kami ni Rafael. Bisexual pala siya! At ang totoo, may boyfriend na siya na ka-blockmate pa niya.

Pagdating namin ni Rafael sa university ay agad na naghiwalay ang landas namin. Sa gilid ng chapel ang building namin at ang building nila ay sa likod pa ng gymnasumium.

Habang naglalakad ay madami akong nadaan na mukhang mga namatayan. May ibang umiiyak, may ibang tulala. Ano meron? Pag pasok ko ng classroom ay ganon 'din ang nadatnan 'ko. Yung grupo nina Junie, Maxee, Kira at Gelle, ang tinaguriang babes, ay nagiiyakan.

"SHET! MATATALI NA SIYA!" Sigaw ni Junie, ang bakla sa babes.

Ano? May kakatayin ba?

"Huy, Vieve. Anyare?" Tanong ko habang umiiyak siya. Umupo ako sa tabi niya at naririnig ko ang pag-sinok niya.

"Vieve...." bakit ako lang ata ang clueless sa nangyayari?

Nagulat ako nga yakapin niya ako. Nakita 'ko ang pamumula ng ilong niya kakaiyak. Pinapatahan 'ko siya habang tina-tap ang likod niyang napaka-lapad. Hahehihohu.

"S-si... P-p-rime.... Ik-k-ka-kas-kasal na..."

Naramdaman 'kong lumakas ang pintig ng puso 'ko. Lintsak! Paano nila nalaman? Jusko.... Kinakabahan ako ng 100%

"P-paano mo nalaman? Baka naman.... chismis lang?" Humiwalay siya sa yakap at kinuha ang phone niya.

"Ayan, panuorin mo."

Pinanuod ko ito. Si Prime, kasama ang mommy't daddy niya. Interview ito about sa ipapatayo nilang hotel and casino.

"Yeah, this is an engagement ring. I'm probably getting married." Pinakita niya yun singsing at zinoom-in ito ng media. Madaming nagtanong about sa kung sino ang mapapangasawa niya pero ang sinasabi niya lang ay, "I'll glady introduce her to everybody when the right time comes." Ngumiti siya at tinanong ulit siya tungkol sa hotel and casino na ipapatayo ng mga Yuchengco.

BUTI NA LANG HINDI KO SUOT YUNG SINGSING!

"Tapos ito pa..." Ini-scroll niya ang cellphone niya at bumulagta sa akin ang picture namin ni Prime kagabi na magkasayaw.

Si Prime lang ang kita sa picture, nakatalikod ako kaya sana naman ay walang makakilala sa akin. Dim naman ang lightning kagabi sa resto kaya 'di masyado halata na ako nga iyon.

"Grabe..." humikbi muli siya habang niyayakap ako. Ayaw 'ko siya i-comfort gamit ang mga kasinungalingan, It'll hurt her more.

Matamlay ang lahat habang nagkaklase si Prof. Pati si Prof mismo malungkot ang aura niya. Nagbigay siya ng quiz, prente naman ako sa sagot 'ko kasi nag-aral ako kagabi.

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon