DC-50

13.1K 458 43
                                    

CHAPTER 50.

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi narin ako pumapasok kasi tuluyan ng hindi nagkasya sa akin ang uniporme 'ko. Nararamdaman ko narin ang morning sickness at sunod-sunod na pagsusuka. At yung pagc-crave ko sa madaming pagkain. Pati narin ang pagkapagod ko kahit walang ginagawa. Bigat na bigat ako sa sarili at nagiging baboy na ako.

"So, kailan malalaman ang kasarian?" Hindi na nagulat ang babes nang sabihin 'kong buntis ako. Anila'y expected na daw nila iyon.

"Next next week." Sabi 'ko at nilalantakan ang padala nilang ice cream na double dutch. Sarap. Heaven!

"Woah there! Ang bilis ng araw! Eh, how about your career?" Gelle.

"Kinausap 'ko na si Mam Katarina.." I sighed. "Syempre, nadissapoint siya. Ang dami niya daw pangarap sa akin pero sinayang 'ko lang lahat. Pero, baka after 'ko manganak ay magpatuloy ako para may pangtustos ako sa anak 'ko at hindi 'ko iasa kay Prime ang lahat." I smiled at hinimas ang tiyan 'ko. Ilang months nalang, baby. "Anyway, may family dinner kami mamaya ng mga Yuchengco. Malalaman nadin nila na buntis ako."

"Teka, bakit ba bawal ipublicize 'yang pagbubuntis mo?" Maxee.

I shrugged, "For safety. Ewan? Pero mas gusto ko 'iyon. May privacy ako." Minsan nalang din ako lumabas para mag-walking around taguig. Just to maintain my good health. Medyo may baby bump na kasi, pero parang hindi ako buntis sabi nila. Mukha lang akong busog.

Nagsuot ako ng pulang loose dress at itim na dollshoes. Susunduin daw ako ni Prime dito ng 6:00 para sa family dinner. Andon daw ang mga Yuchengco at Blackwell kaya mas doble ang kaba 'ko. What if ayaw nila sa baby 'ko?

6:30 na pero wala padin si Prime. I texted him pero walang reply. Nang mag 7:00 ay napagdesisyunan 'kong puntahan siya sa crown. Kahit hindi maganda ang kutob ko ay pupunta padin ako. Just incase he need me.

Dirediretso ako sa pagtahak sa office niya. Napangaga agad ako sa nakita 'ko.

"Hoy balyena! Anong ginagawa mo sa opisina ng asawa ko?" Nanginig ang buong respiratory system 'ko sa nakikita 'ko. Why is she with Prime? At mukhang nagtatalo sila ha?

"Oh! Ofcourse he's gonna be my groom! Ikakasal na kami so why are you still here?" Napintig ata ang tainga 'ko sa narinig 'ko. G-groom? "Remember? I'm a Tuazon! Genevieve Regine Tuazon." Nagcross arms siya at tinaasan ako ng kilay.

Nanghina agad ako sa sinabi niya. Kaya ba nagpaganda siya? Para maging bagay sila ni Prime? Shit siya!

"Kaya ka ba nagparetoke, nagpa sunog ng mga tigyawat mong nakakadiri at nagpa-laser ng mga taba mo dahil ikakasal ka sa asawa 'ko?" Ayaw ko sana siya patulan just for the sake of my baby! But damn it! Hindi ko mapigilan ang sarili ko!

Mukhang naoffend siya sa sinabi 'ko. Dapat lang! "Fyi, hindi ako nagparetoke! I just had an liposuction and hired the best dermatologist on UK! Walang niretoke sa mukha ko, Charlemagne! Insecure ka lang!"

"Vieve just stop it! Leave!" Utos ni Prime.

Pumamewang ako, "Wow! At bakit ako maiinsecure? Sino ka sa tingin mo para kainggitan ko? Huh? As far as i remember, ikaw itong inggit na inggit sa akin! Kaya binunyag mo sa buong university na ako ang fiance ni Prime para kamuhian nila ako!"

Sa itsura niya ay halatang guilty siya. Gusto ko siyang suntukin! Pero hindi ako ganon ka bayolenteng tao! Pasalamat siya! "Yes i was insecure. But that was before, Charm. Kung titignan mo, I'm way better than you now."

I admit. Maganda siya. Sexy. Pero... Hindi iyon ang basehan sa pagmamahalan diba?

Nagpatawag si Prime ng mga guard at hinila si Vieve palabas, "Oh, sige! Sesesantihin ko kayo lahat kapag kasal na kami ni Prime! Get your filthy hands off me! Ew!"

Nangilid ang luha 'ko at isang kurap lang ay tumulo na ito. She's threatining me! And I hate to admit na nagtagumpay siya. Who wouldn't? Her family is capable of giving her EVERYTHING she wants.

"Charm, why do you have to go here?"

"At ikaw pa ang galit!?"

"I am not mad-"

"Edi uuwi na ako!"

Hinablot ko ang purse ko pero agad niya akong pinigilan, "You shouldn't have come here and argue with her. Paano kung mapaano ka?"

"At ano? Hahayaan ko lang na idown niya ang feelings ko? At mastress ako at makunan? Ganon ba ang gusto mo mangyari? So that you could finally marry her? Para manalo ang Daddy mo sa elections kasi kapag ikinasal kayo tutulungan kayo ng mga Tuazon upang manalo? Ganon? Prime?" Tuluyan ng tumulo ang luha 'ko.

Napanganga siya sa sinabi 'ko. Ang sakit! Bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Dapat hindi nalang ako nabuntis, eh. O dapat tuluyan na kaming naghiwalay para wala ng salot sa buhay niya!

"Prime kung ayaw mo sa akin, maayos akong aalis at hindi isasapubliko ang pagbubuntis 'ko. Kung sasaktan mo lang din ako, gawin mo ngayon para-" nilagay niya ang hinlalaki niya sa labi 'ko. Pinahiran niya ang luha 'ko kaya mas lalo akong naiyak.

Kung iiwan niya ako, habang buhay akong iiyak. Habang buhay ako magiging miserable.

"Immature ka pa talaga. Grabe ka mag-isip." Ngumiti siya. "Hindi kita iiwan, Charm. Ang tagal kitang pinangarap. Ang tagal kitang hinintay. Ang tagal kitang gusto maangkin. At ngayong akin ka na, papakawalan pa ba kita?"

"A-anong matagal na?"

He pouted at umiling, "Stop crying baby girl." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang nakatingin sa akin.

"Immature ako at sobrang mature mo na. May narating ka na sa buhay samantalang ako, batang ina. Ang sakit isipin na hindi talaga ako bagay sa iyo... Kasi masyadong kang perfect para sa akin." Umiyak pa ako lalo na parang bata. Why am I being emotional? Ang moody ko. Nakakainis! "G-gusto mo maghiwalay muna tayo? At magbalikan kapag 20 na ako at mature na?"

Pero totoo naman lahat ng sinasabi 'ko. May sense ako kausap kahit immature ako, noh! Kaso nga lang... Alam 'kong hindi ko deserve si Prime. He's just too perfect for me.

"Damn it..." Mariin niyang kinagat ang labi niya at pinikit ang mga mata na parang napipikon na talaga siya sa akin.

"B-baka pagsawaan mo ako? Kasi immature ako? Kasi nakakapikon ako? Ano! Sinasabi 'ko na nga ba't hindi mo din matitiis ang pagiging bata 'ko eh! Anong tinitingin-tingin mo d'yan? Magsalita ka!" Nakakainis! May magagawa ba ang pagtitig niya sa akin? Huh?!

"Sabi sa seminar, 'wag daw patulan ang mga madadrama at sobrang mag-over think na buntis." He paused. "Kaya ikaw... Just shut up, okay? Ito lang ang gusto 'kong tandaan mo... I will never let you go."

"Talaga? K-kahit ganito ako?-"

"Kahit ano o sino ka pa. 9 years kitang pinangarap, kung alam mo lang."

"Anong binu-bulong bulong mo dyan? Napipilitan ka lang siguro noh-"

Hinalikan niya ako kaya tuluyan na akong nanahimik. Mukhang may round 3 sa office niya ah? Joke.

"Let's go to our house?" He interwined our hands together pagtapos niyang pahiran ang mga luha 'ko.

Alam 'kong madami pa kaming pagdadaanan ni Prime bilang mag-asawa. Pero gagawin ko ang lahat para maging bagay ako sakanya. Para maging karapatdapat ako sakanya. Kahit buntis ako, gusto 'kong may maipagmalaki sakanya.

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon