PASILIP SA BOOK 2

Start from the beginning
                                    

Mula sa loob ng malaking gift. Naririnig niya ang ingay at pag-uusap ng nasa labas lumakas ang tibok ng puso niya nang marinig niyang tinatawag si Allyson.

"Ally!"

"Ano ba ang mga ito Dianne?" Tanong ni Allyson sa kaibigan nang pumasok kasi si Allyson sa loob ng condo ito na ang nabungaran niya.

Lumapit si Dianne sa kanya at umakbay. "Bridal shower, para naman ma-experience mo ang bridal shower."

Tumaas ang kilay ni Ally. "Hindi ko na ito kailangan, masaya na akong malaman na ikakasal na ako sa mahal ko isang araw mula ngayon."

"Hmmm... okay lang 'yan! Enjoy na lang natin 'to, isa pa si Frits my grooms night din naman ngayon."

"Ano? my grooms night si Frits ngayon?" Ani ally, nakataas ang kilay nito.

Tumango si Dianne. "Kaya mag-enjoy ka na lang pinaghirapan namin 'to di mo man lang na appreciate." sumimangot pa si Dianne.

Nilamukos ni Ally ang mukha sa inis sa kaibigan. Hindi naman niya hiniling na magbridal shower mas gusto niya pang kasama si Frits kaysa mag bridal shower. Aish!

"Fine!" Tiningnan niya ang wrist watch niya eight in the evening na. Uuwi ako before eleven in the evening." sabi nito.

Ngumiti si Dianne. "Sure!" Tapos hinila siya para makaupo. Napansin niya ang malaking gift na nasa gitna ng sala.

Bigla siyang kinabahan para kasing alam niya na ang nasa loob nito.

"Dianne! Wag mong sabihing—"

"Yap! Tama ang nasa isip mo don't worry alam naming hindi magbabago ang pag mamahal mo kay Frits kahit makakita ka ng machong lalaki di ba?"

"Ofcourse, si Frits lang ang nag-iisa sa puso ko."

"Good, Jamie, umpisahan na natin." Tumango si Jamie pagkatapos pinatugtog niya ang kantang wiggle.

You know what to do with that big fat butt.
Wiggle, wiggle, wiggle
Wiggle, wiggle, wiggle
Wiggle, wiggle, wiggle
Just a little bit of... swing

"This is it! Watch me Allyson." Bulong ng lalaking nasa loob ng gift pagkatapos dahan-dahan siyang lumabas ng malaking gift.

Nanlaki ang mga mata ni Allyson nang makita ang six footer na gwapong lalaki. Gwapo ito, mapungay ang mga mata.

Oh my gosh!" Bulong nito. Habang tulala itong nakatingin sa macho Dancer. Hindi nito mabilang kung ilang beses itong napalunok. Pakiramdam nito nauubosan siya ng laway sa lalamunan hindi niya alam kung paano tatakpan ang mukha. Habang ang mga kaibigan niya walang patid ang pagtitili nang gumigiling ang macho dancer. Kulang na lang mapatid ang litid sa kakatili.

Pakiramdam niya biglang nagkulay kamatis ang mukha niyang nang unti-unting lumalapit sa kanya ang lalaki. Nakatitig ito sa kanya habang gumigiling

"He looks familiar. Hindi ko lang siya matanda kung saan."

"Kyaaaaahhh! Tiling sigaw ng mga kaibigan niya nang lumapit na ito sa kaniyang harapan at gumigiling.

"You can touch my body if you want." Sabi ng macho dancer.

Napalunok siya. "Touch him?"

Bigla niyang sinurin ang katawan ng lalaki. Yes, he has a good and perfect body may six packs abs siya pero meron din naman si Frits at mas maganda pa.

Umiling siya. "No way!"

"You can kiss me if you want." Muling sabi ng macho dancer habang walang patid ang titig nito sa kanya habang gumigiling ito.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now