PASILIP SA BOOK 2

Start from the beginning
                                    

Nagpalit-palit ng tingin si Dianne sa mga kasama. Ang hirap pala kapag mga mag patner ang kasama mo. Laging may pinag-tatalunan,

"Hep!hep! Stop those bitter things, this is not about you guys. This is all about Allyson and Frits, Itago niyo muna 'yang galit niyo sa bawat isa. okay! Hindi tayo matatapos kung isasama niyo ang galit niyo sa isa't-isa." Sabi ni Dianne.

"FINE!! sorry guys!" Sagot ni Nikko.

"Good, kayo nang bahalang gumawa ng surprise kay Frits, basta tandaan niyo gagawin niyo ito para mag-enjoy hindi para makasira ng relasyon."

"Oo, alam namin 'yon kayo may nahanap na ba?" Tanong ni Zyrus.

"Yes," sagot ni Dianne.

"Wala na palang magiging problema." ani Zyrus.

"Good luck sa'tin guys." ngiting- sagot ni Dianne.

Tumango lang silang lahat, pagkatapos nilang kumain at mag-usap ng konti, isa-isa na silang naghiwalay.

"See you guys tomorrow night!" Sagot pa ni Dianne.

                            ***

"This is the right place?"tanong ng binata.

"Yeah," sagot naman ng kasama nito, nasa tapat silang isang hotel around libis habang nasa loob sila ng kotse.

Agad na lumabas ang binata at dala-dala ang gagamitin niya sa pagsasayaw sa bride mamaya.

"Let's go brad."

Agad namang sumunod ang kasama nya. At ilang saglit lang kaharap na nila ang kaibigan ni Allyson na si Dianne.

"Siya ba ang sasayaw mamaya sa bride?" Tanong ni Dianne sa kasama niya.

Habang tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

"Opo ma'am siya po." sagot ng kasama nito.

6f't ang height, moreno at gwapo. Kung abs lang naman ang labanan hindi naman mag papatalo ang katawan niya.

"Dianne, ang yummy naman niyang nakuha niyong macho dancer." Narinig niyang binubulong ng kasama nitong si Jamie.

"Ang inet!" Sabi niya. At bahagya niyang tinaas ang t'shirt niya upang doon kunwari magpunas ng pawis. Napangiti siya nang makita niya sa mga mata nila ang pagkamangha sa katawan niya.

"Sana ganyan din ang reaksyon ni Allyson kapag nakita nya katawan ko." Sabi nya sa isip niya.

"Okay na po ba siya ma'am?" Tanong ng kasama niya.

"Sige! Pumasok kayo mayamaya lang narito na ang bride." ani Dianne.

Agad silang pinapasok sa loob ng malaking condo. Sa loob ng condo unit nakaset up na ang lahat. Nakahanda na rin ang pagkain. Bali papasok siya sa loob ng malaking gift at bigla niya itong pupunitin.

Nagpalit na siya ng suot niyang damit. Naka boxer short lang siya. At walang suot na pang itaas, lalagyan lang siya ng ribon sa katawan. Nilagyan niya ng oil ang buo niyang katawan upang mas lalong maging hot siya sa paningin ng mga babae. Tumapat siya sa salamin. Nakita niya ang magandang hubog ng katawan niya. kahit sinong babae hindi pwedeng hindi ma-maturn on sa kanya.

"Brad! Sigurado ka bang kaya mo? Gagawin mo bang magpakababa para sa babaing ikakasal na?"

Ngumiti ang binata. "Masarap yung may challenge. Mas masarap ang tagumpay."

"Well, sabi mo good luck sa'yo." Tinapik pa nito ang balikat ng lalaki.

Mayamaya tinawag na siya ni Dianne, tapos agad na siyang pumasok sa loob ng malaking gift.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now