Chapter 24 - Hater

28 2 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay nila Beatriz. Kaagad siyang sinalubong ng kaibigan niya. Pa'no ko nalaman? E kasi tinawag niyang bestfriend si Beatriz nang makita niya ito. Siya siguro ang kausap ni Armalite girl sa cellphone kanina. Parang namumukhaan ko'to. Tama siya nga 'yung bestfriend niya na kasama niyang pumunta sa bahay. If I'm not mistaken, Paula ang name niya.

"Nasa'n si nanay?", ang pag-aalalang tanong nito.

"Mabuti naman dumating ka na. Nasa kwarto si Aling Martha kasama si Apo Baket. Mukhang masama na talaga ang lagay niya. Kanina pa tulog hindi pa nagigising mula kanina.", ang wika ni Paula.

Kaagad pumasok si Beatriz sa kwarto. Sinundan ko naman sila. Kwarto ito siguro ng kanyang nanay. Ang tanging laman lang kasi nito ay isang kama na kung saan nakaratay ang nanay niya at isang kabinet na tila lumang-luma na. Nadatnan naming nakapikit si Aling Martha. Hinihilot siya ng isang matanda, siguro siya si Apo Baket na tinutukoy ng kaibigan ni Beatriz.

"Nay! Nay! Gumising kayo! Nay naman! 'Wag niyo 'kong iiwan! Hindi ka pwedeng mawala Nay! Parang awa niyo na! Gumising kayo!"

Waaahhhhhh! I'm getting emotional right now. Grabe ang iyak ni Beatriz ngayon. Kahit ako ang nasa kalagayan niya. Iiyak din ako ng ganito. Patuloy pa rin ang paghilot ni Apo Baket kay Aling Martha. Hinihintay kong magsalita ito para sabihin kung anong kalagayan ng nanay ni Armalite girl pero tahimik ito. Nakakastress si Apo Baket. Bakit hindi siya nagsasalita? Weird huh! Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Beatriz. Humahagulgol as in.

"Hoy Beatriz! Bakit ang ingay-ingay mo! Iniistorbo mo'ko sa pagtulog ko.", ang wika ni Aling Martha na ikinagulat naming lahat.

Tila nabunutan kami ng tinik nang marinig namin ang boses ng kanyang nanay.

"Nay! Ok lang ba kayo? Anong nararamdaman niyo? Tara na sa ospital please!"

"Anong ospital? Ok lang ako! Wala akong sakit!"

"'Wag ka ng mag-alala Beatriz! Maigi na ang lagay ng nanay mo. Sa ngayon, mas makakabuting magpahinga muna siya kahit mga ilang linggo lang.", ang sagot ni Apo Baket. Sa wakas nagsalita na rin.

"Sigurado po ba kayo Apo? Hindi po ba kailangang pumunta si nanay sa ospital?"

"'Yun talaga ang payo ko sa kanya. Pero dahil ayaw niya, hinilot ko muna siya. Ayan at medyo uminam naman na ang pakiramdam niya."

"Nay. Pumunta na tayo sa ospital sige na!"

"Hindi mo ba narinig si Apo? Ok na'ko. Kailangan ko lang ng pahinga. Kaya ikaw muna ang tumapos sa mga gawain ko."

"O siya, diyan muna ka'yo huh? Mauna na'ko at may hihilutin pa'ko diyan sa may kabilang kanto.", ang paalam ni Apo Baket.

"Salamat po Apo. Maraming salamat."

"Naku walang anuman. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakabarangay."

"Salamat po talaga ng marami."

Kailangan ko na rin magpaalam kay Beatriz. Medyo late na rin kasi at baka hinahanap na rin ako nila Lola.

"Hoy Beatriz! Hindi mo ba'ko ipapakilala diyan sa kasama mo?", ang tanong ni Aling Martha na nakatingin sa'kin ngayon na parang mangangain ng tao.

Sinenyasan ako ni Armalite girl na lumapit. Hinakbang ko ang mga paa ko. Mga 5 na baby steps.

"Oo nga Nay! Si Bernard nga pala classmate ko po."

"Mano po Tita!"

"Aling Martha na lang itawag mo sa'kin. Nakita mo naman ang itsura ko hindi bagay sa'kin ang Tita"

Napangiti ako ng slight. May pinagmanahan talaga si Armalite girl.

"Matanong nga kita iho! Malambot ang mga kamay mo, mayaman ka rin ba katulad nung mga nanggulpi dito sa anak ko?"

"Po?", ang kabado kong sagot.

"Ang sabi ko, mayaman ka rin ba? Kasi kung mayaman ka, layuan mo na 'tong si Beatriz. Hindi siya nababagay sa inyong mayayaman. Kaya kung nililigawan mo siya, ngayon pa lang, ako na babusted sa'yo."

"Nay naman!"

"Totoo naman eh! Sasakit lang ang ulo mo sa mga ganyan. Andiyan naman si Paula. Tama na 'yang isa lang ang kaibigan mo."

Hindi ko alam ang isasagot ko ngayon. Tama ba ang naririnig ko? Galit ang nanay niya sa mayayaman? Pero bakit? Ang liligalig kasi nitong K-girls. Naiistereotype tuloy ang mga mayayaman na tulad ko? Hehe Hindi naman kami mayaman, medyo lang. Kailangan ko bang ibenta ang mga ari-arian namin para lang hindu mabusted ng nanay niya?

"Naku Aling Martha. Pasensya na po pero magkaibigan lang po kami ni Beatriz. 'Wag po kayong mag-alala hindi po ako katulad nila.", ang playsafe na sagot ko.

"Sige na Nay. Ihahatid ko muna si Bernard sa may kanto. Paula ikaw muna bahala kay Nanay huh?"

"Ok sige sige."

"Teka lang, hindi mo muna ba siya pakakainin? May itlog tayo diyan.", ang tanong ng kanyang nanay.

"Naku Nay hindi na po. Sige po mauna na kami.", ang pagmamadaling paalam ni Armalite girl kay Aling Martha.

Inihatid ako ni Beatriz hanggang sa kanto at doon na rin ako sumakay ng tricycle pauwi dito sa'min. Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang nanay ni Amalite girl. Parang ang cool niya. Kahit may sakit nagawa pa rin mang-busted. Nabusted na kaagad ako hindi pa'ko nanliligaw.

"Pasensya ka na kay nanay huh! Gano'n lang talaga yun. Allergic talaga yun sa mga mayayaman."

"Ok lang yun Beatriz. Pero teka bakit naman siya galit sa mayayaman?", ang tanong ko kanina sa kanya habang naglalalad kami sa daan.

"Mahabang istorya pero paiikliin ko na lang para sa'yo. Mayaman kasi ang pamilya ng Tatay kaya ayaw ng parents niya sa nanay ko, yung tipong against all odds? So the usual, nagtanan sila. Hanggang sa ipanganak ako. Sinubukan ng tatay na makiusap sa parents niya para tanggapin kami pero lalo kaming pinagtabuyan. Tapos ayun na, pati si Tatay iniwan na rin kami. Parang teleserye diba?"

"Ah ganon pala yun. Kaya naman pala galit sa mga mayayaman si Aling Martha. Pero Beatriz, hindi naman kami mayaman."

"Hoy Taba! Nagpapatawa ka ba? Hindi naman porket galit ang nanay ko sa mayaman e pati ako magagalit na rin. Hindi naman lahat ng mayaman e masama. 'Wag kang mag-alala kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa buong mundo hindi kita iiwasan."

Nakakataba ng puso ang mga katagang binitiwan ni Armalite girl. Narinig niyo ba mga friends? Hindi raw niya ko iiwasan kahit ako pa ang pinakamayaman sa buong mundo. NICE ONE! Salamat Beatriz!






OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon