I laughed at him. "Hindi pwede. Dami mo pang gagawin oh."

"Pwedeng mamaya?" tanong niya. He's still hoping! "Hmmm... we'll see." Sabi ko at umalis na ng office niya. Narinig ko pa si Damon na sumigaw ng, "Gusto ko ng spaghetti!"

Bumalik muna ako sa desk ko at kinuha ung purse ko pati ang phone ko. Napansin ko naman na may message. Hmm, baka si stalker ito?

Hi, Yvonne. Are you free now? Lunch tayo. My treat, of course. – Grey

I hit reply and said yes. Sakto lang, ayokong gumastos! Nagtitipid ako para may pambili ako ng souvenirs sa Palawan. Nagtitipid eh noh? Eh ang yaman ko nga. Parang shunga lang din.

Pagdating ko ng lobby, andun na kaagad si Grey. Ambilis lang eh noh? Nag-beso kami at nag-hug nung nagkalapit na kami.

"You better tell me the whole story of you and Blanche." Paalala ko sa kanya. Alam ko naman na yon ang dahilan kung bakit niya ako niyaya maglunch.

"Of course, Yvonne. Tara, saan mo gusto kumain?" sabi ni Grey.

"Anywhere. Ikaw na bahala, basta bago mo ako ibalik dito, dumaan tayo ng McDonald's kasi nagpapabili si Damon ng spaghetti." Sabi ko. Sabay na kaming naglakad ni Grey palabas ng building.

"Nagpapabili? Ano siya, amo mo?! Yvonne naman, ba't ka nagpapaalila dun sa lalaking yon?!" biglang sabi ni Grey. Binatukan ko naman siya.


"Aray! Ba't mo ko binatukan?" sabi ni Grey habang hinihimas ung batok niya.

"Baliw ka. Hindi ako nagpapaalila noh! Ako lang ung bibili kasi firstly, secretary niya ako. Secondly, sobrang tambak ung gawain niya ngayon dahil nga siya si Mr. CEO! Thirdly, and this is the last, MAHAL KO EH!" bulyaw ko kay Grey na nagtakip naman ng tenga. Epal e!

"Hala, oo na! Tsk! Binibiro lang. Tara, kain tayo sa Tong Yang. Gusto ko ng buffet ngayon. Imagine-in mo na lang na ito ung celebratory lunch nating dalawa para sa love life ng isa't isa." Sabi ni Grey. Tumawa naman ako at pumasok na sa kotse niya.

Pagdating namin ng Tong Yang, kumain na kaagad kami ni Grey. Sadyang gutom kaming dalawa kaya galit-galit muna. Naglagay ako ng pansit at Yang Chow fried rice pati siomai sa plate ko. Si Grey naman ung nagluluto ng Samgyupsal sa grill. Eeeeh, gustong gusto ko talaga ng ganitong kainan. Minsan nga ayain ko si Damon dito!

"Hoy Grey. Simulan mo na ung kwento mo." Sabi ko sa kanya. Tumikhim naman siya at uminom muna ng juice bago nagsalita.

"I told you that we're already together, right? So here's the story. Again, kinontact ko ung parents niya about her whereabouts kaso hindi daw nila sure kung nasa France pa ba si Blanche. Eh di ang ginawa ko, pumunta ko ng France para puntahan ung apartment ni Blanche, sakto naman at andun siya.

Niyaya ko siyang kumain sa Cafe De Flore ulit, kung saan nakita ko sila nung lalaking French na hinalikan siya noon. Anyway, pumayag naman siya. Eh di nung nandun na kami, para akong teenager na magko-confess sa first crush niya. Naku, if you just know, sobrang pinagpapawisan ako! Napansin yon ni Blanche, tapos tinanong niya ako kung ayos lang ako, um-oo naman ako. I took 10 deep breaths at saka tinawag ung pangalan niya. Tapos ito na ung sinabi ko, and take note that this is verbatim... "Blanche, babe, dederechuhin ko na 'to. I love you. I've been loving you since the day we first met." Natulala naman si Blanche sakin."

Tumigil si Grey sa pagsasalita para uminom ng juice uli. Nakakabitin naman!

"Oh tapos?" tanong ko.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now