CHAPTER 92

322K 6.8K 210
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Are you happy wife ko?" Tanong sa'kin ni Frits habang nasa daan kami. Papunta kami ng NAI airport. Gift kasi ni Mama Faith ay honeymoon sa New york. Pero dahil kailangan naming pumasok sa school para sa mga hinahabol naming mga subject napag desisyunan naming bumalik ng Puerto at doon pansamantalang tumuloy ng ilang araw. Noong nag-punta kami doon. Hindi kami nakapag-enjoy dalawa dahil sa ginawa nilang surprise birthday party.

Tumango ako sa kanya.
"Sobrang happy."

Saglit na hininto ni Frits ang kotse. Nagtaka ako habang nakatingin sa kanya.

Hinawakan ni Frits ang mukha ko. Tapos mabilis na dinampian ang noo ko ng halik. "Hindi mo lang alam Ally kung gaano ako sobrang saya ngayon."sabi niya habang nakatingin sa'kin.

Sinalubong ko lang ang mga titig niya sa'kin, hindi ko na nagawang sumagot sa kanya. Dahil sobra cheezy na. Pagkatapos niya akong titigan, muli niyang pina-andar ang kotse. Napansin ko sa mukha ni Frits na nakangiti siya habang nagmamaneho.

"Dapat pala nag-commute na lang tayo." Sabi niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Para mayakap kita nang mahigpit. Hindi ko magawa iyon ngayon dahil nagmamaneho ako."

Ngumiti ako. Tapos umusog ako ng konti papalapit sa kanya tapos niyakap ko siya. Habang ang ulo ko ay nakasanding sa braso niya.

"Okay na ba ang ganito?" Tanong ko.

Ngumiti si Frits, "Hmm... medyo okay na rin."

Napangiti na lang ako. Habang niyayakap ko siya. Pagkatapos muling nagsalita si Frits.

"Excited na ako sa honeymoon natin!" Tumawa pa siya.

Bigla akong nahiya kung kaya't kinurot ko siya sa tagiliran,

"IKAW TALAGA!"sabi ko habang kinukurot ko siya.

"Ha-ha-ha! Bakit ba ayaw mo'ng pag-usapan wife ko. Remember mag-asawa na tayo."

"Ayoko pag-usapan nahihiya ako eh,"

"Hmm... wag ka nang mahiya sa'kin, isa pa, si Mom, gusto na talagang magkaroon ng apo, pinangako kong bibigyan ko s'ya,"

"Frits naman! Wag gano'n."

Tumawa lang nang tumawa si Frits sa'kin. Natutuwa siya sa'kin. Dahil hiyang-hiya ako sa kanya.

Ilang oras din ang nagugol namin sa byahe. Hanggang sa wakas nakarating kami ng Puerto. Familiar na kwarto ang tinuluyan namin. Agad kong tinalon ang kama namin at humiga ako. Sobrang pagod ko nang buong araw na ito, inayos naman ni Frits ang mga gamit namin. Pagkatapos nagbihis siya ng damit habang ako nanatiling nakahiga dahil sa pagod.

"Wife ko, Tumayo ka na muna diyan! Magpalit ka na muna ng damit." Sabi niya sa'kin.

"Eh, tinatamad ako. Napapagod ako."

"Ayaw mo ba talagang magpalit ng damit?" Tanong niya.

"Bukas na lang matutulog muna ako." nagtalukbong pa ako ng kumot.

"Sige, kung ayaw mong mag-palit ng damit? ako na lang ang magpapalit ng damit mo. He grinned,"

Bigla akong bumangon."Sabi ko nga magpapalit na ako eh," kinuha ko sa loob ng maleta ko ang damit na isusuot ko. Ayoko pa sanang bumangon. Kaya lang si Frits kasi eh, kainis!

"Oh? Bakit bigla kang bumangon?" Patawa-tawa niyang sabi.

"Naisip ko lang na kailangan kong magpalit ng damit." umirap ako sa kanya bago ako pumasok ng C.R.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon