XI. CAMERA TRICK

598 18 3
                                    

XI. CAMERA TRICK

(Caroline)

 

Halfway through my speed practice, Mondael joined me.

“Bumibilis ka na ah…” he commented.

“Siyempre, magaling ang teacher ko,” sabi ko.

“Thanks,” he said, smiling at me.  I thought he’d hate me for not helping the Leaper, but looks like it doesn’t matter to him anymore.  “Ready for another lesson, Trans?” he asked.

“What is it this time?” I asked him.

“Copying…” sagot niya.

“Ituturo mo sa akin ‘yon?” gulat na tanong ko.

“Lahat ng kaya kong ituro sa ‘yo, ituturo ko,” he snapped.  “May picture ka ba diyan?” 

Bago pa ako makasagot, nakita ko na lang ang I.D. ko, nakalutang na sa ere.  Mondael was controlling it with his eyes.  It moved closer towards his waiting palm.

“Copy Caroline,” narinig kong bulong niya.

Nakatitig lang ako sa perpekto niyang mukha, hanggang sa unti-unting magbago ang mukha niya.  Nakopya niya ang mukha ko!

I was speechless with shock!  I was staring at my own face!

Maya-maya pa, bumalik na rin sa dati ang anyo niya.

“Okay!  Let me try!  Give me your picture!” I demanded.

“Picture?” he laughed.  “Hindi tinatanggap ng kahit anong camera ang mukha ko,” paliwanag niya.

“Hindi ako naniniwala!” sigaw ko. 

He transfigured his watch into a Polaroid camera, then handed it to me.

“See for yourself,” he said.

Nanginginig ang mga kamay ko nang i-click ko ang camera.  He posed showing me a V-sign.

We both looked at the picture.  Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.  Isang lalaking kasinggwapo niya ang nasa larawan, naka-V sign rin.  Pero hindi iyon si Mondael.

Everything around us stopped moving.  Time froze.

“Bakit hindi ka tumigil?” tanong niyang larawan pa rin ng pagkagulat.

“I don’t know,” I said.  But the truth was I have an idea.  Ineexpect ko na rin kasi ang gagawin niyang ‘yon.  “What happened to your photograph?  Bakit ibang mukha ang lumabas?”

“Hindi ko alam,” agad niyang sagot.

“Kinokopya mo lang din ba ang mukha mong ‘yan?  At ang mukhang lumabas sa picture, iyan ba ang tunay mong anyo?” I asked him accusingly.

“N-no…”

“Don’t lie, Mondael.  You stopped the time so you could stop me from taking a closer look at that photo…”

“No,” ulit niya.

“Nagsisikreto ka na ba sa akin?” I asked in a hurt voice.

He just stared at me and didn’t say a word.

“Do you know what I realized, Mondael?  Akala ko noon, wala ng mukhang mas hihigit pa sa mukha mong ‘yan.  It looks like I’m wrong.  The proof is right there in the Polaroid picture.  Is that your real face?  Iyan ba ang totoong ikaw?”

He remained silent and I waited.

“Oo.  Tama ka.  At… at Ernests ang pangalan ko,” sa wakas ay pag-amin niya sa akin.

Habang patuloy na nakahinto ang oras, ipinagtapat niya ang lahat sa akin.  Ang tunay na dahilan kung bakit kailangan niyang maging isang Mondael Kavacis.  Isang makapangyarihang ekstraordinaryong babae na nagngangalang Dominika kasi ang naghahanap sa kanya saan mang lupalop ng mundo.

Napilitan raw kasi siyang sumama dito noon, dahil wala siyang ibang choice.  Dahil sa ganoong paraan lang niya maititigil ang pagpapahirap nito sa mga mahal niya sa buhay.  He chose to be with her so the innocent people he cared for would be allowed to live.

Pero natakasan niya ito kaya kailangan niyang magpalit ng katauhan para hindi na siya muli pang mahanap nito.

Ikinuwento niya rin ang pagiging isang misteryo ng pagkabata niya. Malabo raw kasi ang childhood memories niya.  Ibang pamilya raw ang naalala niyang nagpalaki sa kanya, kaya inakala niyang ang mga ito ang tunay niyang pamilya sa mahabang panahon. 

We were walking with an incredible speed habang nagkukwento siya sa akin.

“Do you think this… this evil woman is still looking for you?” I asked.

“Yes, at sa tingin ko, siya ang naglagay ng sumpa sa picture ko noon,” sagot niya.  “It’s your turn now, Caroline.  Tell me something I don’t know about you.”

Nag-isip ako kung ano ang sasabihin ko, at naalala ko ang papel na itinago ko sa wallet ko.  Ang papel na pinagsimulan ng lahat ng kababalaghan sa buhay ko.  Ang papel na tila nagdikta sa akin para makilala kong mabuti ang tunay kong pagkatao.  Binuklat ko ang papel na naglalaman ng mga letrang tila walang kahulugan.

 ERUT. CIPYM. NOES. RUCATU. POHWU. OYSTIWONKI.

EMDNI. FREV. ENLLI. WUOY.

UOYYOR. TSEDO. TYAW. ADNIF. INEH. WYADE. MOSUOYE. CAFLLI.

Binasa ko ang mga letrang iyon habang nakikinig siya sa akin.  Sinabi ko sa kanyang dito nagsimula ang lahat ng mga hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ko.

“I recognize the handwriting, Caroline.  And that’s a code,” Mondael said softly.

Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko na code iyon.  A dark code maybe.

“Whose handwriting is this?” I asked.

“Mine.”

“And this is a code?  What does it says?” I asked.

“Invert the order of the letters, then remove all the periods.  There is a hidden meaning there.  I wrote it in the hospital where you had your eye transplant,” he said.  

Ginawa ko ang sinabi niya.  I reversed the letters and removed the periods.

ILLFACEYOUSOMEDAYWHENIFINDAWAYTODESTROYYOUYOUWILLNEVERFINDMEIKNOWITSYOUWHOPUTACURSEONMYPICTURE

“I’ll face you someday when I find a way to destroy you.  You will never find me.  I know it’s you who put a curse on my picture,” I read out loud.  “This is for the powerful evil?”

“Yes.”

“And now, have you… find a way to destroy her yet?”

“Not yet,” he admitted.

“If you’re so into codes, well, let me tell you one.  Isa para sa tatlo,” sabi ko.

Isa para sa tatlo.  One for three.  143.  I love you.  I hope he understood that.

He smiled.  Then he mumbled something unintelligible that sounded like: “dagat taga falls baga expensive company.”

Kumunot ang noo ko, dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.  Naintindihan ba niya na ang ibig kong sabihin ay “I love you”?

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon