VIII. WOOD EPISODE (Fille)

720 19 0
                                    

<FILLE>

Hatinggabi nang tumakas ako papunta sa bahay ni Lou kagaya ng naipangako ko kay Kei.  Doon na kasi ang bagong headquarters ng CMG.  Tuwang-tuwa sila nang makitang dumating ako.

“Nasaan si Anjo?” takang tanong ni JR, nang mapansing nag-iisa akong dumating.

“Wala.  Tumakas lang ako.  Hindi ako nagpaalam.  Magagalit ‘yon,” agad kong sagot.  “Kumusta na ang pag-iimbestiga niyo?  These crimes should be stopped.  Sunud-sunod na ‘to.”

Napailing si Lou.

“Grabe ang gumawa nito kay Jennica.  Malaki siguro ang galit sa kanya,” opinyon niya.

“Baka naman si… Makiri ba ‘yon?  ‘Yung Top honor awardee last sem?” tanong ni JR.

Si JR ang Second Placer namin last year.  Bagay na ipinagtataka ng karamihan dahil mukhang hindi naman ito seryoso sa pag-aaral.  Pero ako, hindi na nagtaka.  Inisip ko na lang na baka nare-rewind sa utak niya ang paggawa ng answer key kapag hawak niya ang test paper.  Dahil last sem, kahit matindi ang pinagdaanan naming lahat na mga miyembro ng CMG, kataka-takang na-perfect niya ang lahat ng exams sa Finals namin.  Fifth Placer lang ako, a place behind Lou.  Si Mondael naman na bago lang last sem at madalas pang bigla-biglang nawawala ay naging Tenth Placer awardee pa.

“Chinopchop, ka-jerjer.  Anong Makiri?  Magagawa ba ‘yon ng isang babae?” mapanghamong tanong ni Kei.

That was exactly what I was thinking.  Hindi magagawa ng isang matinong tao ang ganoon kabrutal na krimen.

Dapat talagang matigil na ang ganitong uri ng krimen.  We should really do something about it.  But what could we do to stop it?  We don’t even know who’s behind all these.  I looked at Lou and I thought about how we could talk through each other’s minds like no ordinary person could.  But how will mind talking help?  I looked at Jessy and I couldn’t help wondering why she didn’t have any premonition about all these killings at all.  Napatingin ako kay Robin at naisip ko rin kung bakit wala pa siyang nakakausap na kaluluwa ng kahit isang biktima ng krimen sa school.  I looked at Kei, and I knew he’s just good in numbers, and he couldn’t really do anything.  I glanced at JR and I remembered a scene that has happened before, involving him and me…

“JR, naaalala mo pa ba yung nangyari sa sportsfest?  Yung bago magstart yung championship niyo?”

Saglit siyang nag-isip.  “Alin ‘yon?  Yung… yung nakita kitang umiiyak?”

“Oo.  Yun.  Hinawakan mo nun ang kamay ko, dahil akala mo pinaiyak ako ni Anjo…”

“Yeah.  And I remember I saw a guy kissing your bleeding finger…” he said.  I almost stumble.  Tama nga ang hinala ko.  Kaya niya agad binitiwan ang kamay ko noon na para siyang napaso, dahil may na-rewind siyang isang eksena.  And it happened before he found out he was a Rewinder.

I saw Lou smirked at me.  Mabuti na lang at “guy” lang ang sinabi ni JR, at hindi na niya in-elaborate na si Mondael ang humalik na ‘yon sa sugat ko.  That was how Mondael mysteriously healed my bleeding finger.  Kung binanggit niya ang pangalan ni Mondael, siguradong magkakagulo.  They all know Anjo is my boyfriend.  Only Nastja knows how I really feel about Mondael.  It’s not that I have a choice.  She’s an emotion reader anyway.

“Bakit mo nga pala biglang naalala ‘yun, Fille?” curious na tanong ni JR.

“Iniisip ko lang kasi na baka – ”

Hindi pa man ako tapos magsalita, nagsalita na si JR.

“Na pwede rin akong makapag-Rewind kahit body part lang ang hawakan ko?  Na hindi lang murder weapon ang pwede kong maging tool sa pagre-Rewind?”

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon