VI. MISSION

712 18 0
                                    

(AUTHOR'S NOTE:

Mmmkay. So we reached the second part of the novel. May bagong character dito named Nico. And yes, I got his name from the former Ateneo player. Haha. So, ano nga bang magiging part niya sa series na 'to? Just keep reading!)

VI. MISSION

NICO

Hatinggabi na, pero tulad kagabi, at noong isang gabi, huling-huli ko na naman ang Dad ko na bumangon mula sa hinihigaan niya.  Duda na ako sa dahilan ng pagbangon niya tuwing hatinggabi.  Sa tingin ko ay nambababae na ang Dad ko.  Hindi kasi niya alam na naglalaro pa ako ng PSP hanggang madaling araw, kaya akala niya siguro ay wala akong ideya sa pinaggagagawa niyang mga kalokohan.

Pulis ang tatay ko, kaya sabi ng mga tropa ko, natural lang daw na babaero ito.  Pero hindi pasado sa akin ang ganung rason.  Kung pwedeng mambababae ang mga pulis, bakit hindi na lang nagpulis ang lahat ng lalaki sa mundo diba?

Alam ko may kalokohan siya, at handa akong alamin kung ano ‘yon…

“Yes, Ma’am, we’re doing everything to find him.  I understand, Ma’am.  I am watching them,” narinig kong sabi ng Dad ko sa kausap niya sa phone.

Trabaho nga lang kaya ang pinagkakaabalahan niya na inaabot pa ng hatinggabi?  Parang ang hirap paniwalaan.  Dahil wala pa naman akong hawak na ebidensiya, ipinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ng PSP.

Bumalik na sa higaan niya ang Dad ko.  Ipinagpatuloy ko ang paglalaro.  Pero biglang nag-ring ang cellphone ng Dad ko.  Hindi siya nagising sa sunud-sunod na pagri-ring ng phone niya.  Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya.  Sinagot ko ang tawag.

“’Lo!” sabi ko.

“Nice voice.  Who is this?” sabi ng nasa kabilang linya.  Batambata pa ang boses ng caller.  Sexy.  Imposibleng siya ang boss ng Dad ko.

“I am… Mr. Raymund Salva’s son.  Ikaw, sino ka?  Kabit ka ba niya?” walang prenong tanong ko.

“I see.  Are you as brave as your father?” the voice asked sweetly.

“Sino ka ba?  Boss ka ba ng Dad ko?  Sosy ka ah.  Pa-English English ka pa.”

“Yes,” the voice said.  “Mukhang nahihirapan ang Daddy mo sa trabahong inutos ko sa kanya ah.  Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nagagawa.  The problem, handsome young man, is I am getting tired of waiting.  Do you wanna help me?”

“Ano namang kapalit kapag tinulungan kita?’ tanong ko.

“Anything you want,” sabi niya sa mapang-akit na boses.

Kotse?  Cellphone?  Any latest gadget?  Ayoko… Sawa na ako sa mga ‘yon!  Siya na lang kaya ang hingin kong kapalit?  Maganda kaya siya?

”Ano bang gagawin?” tanong ko.

“May pinapahanap kasi akong… kriminal sa Daddy mo, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya nahahanap.”

“Ah, ganun ba?  Yan siguro ‘yung serial killer na pinapakita sa T.V.  Nandun nga ako sa bar nun eh, nung may pinatay na mama.  Yung halos labas na ‘yung puso.  Paniguradong serial killer lang ang makakagawa nun.  Pero bilib rin ako sa ginawa niyang pagpatay ha.  Astig!  At ang mas astig pa dun, hindi pa siya nahuhuli…”

“Ernests Gulbis ang pangalan,” sabi niya.  Isinulat ko ang pangalang binanggit niya.

“Ano namang ibang kaso nito?  Hindi naman napatunayan na siya nga yung pumatay dun sa mama sa bar diba?” tanong ko ulit.

“Napakarami…”

Astig talaga!  Madaming kaso pero hindi mahuli-huli? 

“Sige.  Game ako.”

---

Mag-aalas tres na ng umaga ay gising pa ang mga miyembro ng CMG.  Pinag-uusapan pa rin nila ang naganap na dalawang magkasunod na patayan.

“May chance na iisa lang ang suspect sa dalawang biktima,” pagbibigay-opinyon ni Lou.  “Parehong walang murder weapon ang dalawang kasong ‘to.”

“Pero diba, sabi ni Jennica, kutsilyo raw ang biglang bumaon sa puso ni Charley na naging dahilan ng pagkamatay niya?” nagtatakang tanong ni Jessy.

“Hindi naman accurate ‘yung mga isinalaysay ni Jennica.  Kasi sabi ni Ericka sa akin, kambal, wala raw talaga silang nakitang kutsilyo.  Pati nga ‘yung mga pulis na nag-imbestiga, wala ring nahanap eh,” paliwanag ni JR.

“A crime with no murder weapon?  Very unusual!” komento ni Jessy.

“Malinis.  Malinis ang pagkakagawa ng dalawang krimen.  Walang murder weapon na pwedeng magamit ni JR para makita ang tunay na nangyari,” napaisip na sabad ni Kei.

Si JR ang Rewinder ng grupo.  May kakayahan kasi siyang makita ang mga nangyari sa nakaraan sa pamamagitan lamang ng paghawak sa isang bagay na may kaugnayan sa pangyayari, lalo na ang mga huling bagay na hinawakan ng naging biktima ng krimen.

“Iniisip ko kung ano ba ang motibo ng krimen.  Kung may mas malalim ba na dahilan, o nakursunadahan lang ng isang serial killer,” sabi ni Lou.

“Iniisip ko naman kung anong oras pa ba tayo matutulog, kasi alas tres na, mga ka-jerjer.  Hindi niyo ba nahahalata?” patay-malisyang tanong ni Kei.  Nagkatawanan sila dahil ang buong akala nila ay seryoso ang iniisip nito.

“Ano ‘yon?  Pabango mo ba ‘yon, ka-jerjer?  Amoy patay na daga,” biglang sabi ni JR.

Nagtakip din ng ilong sina Jessy, Robin, at Kei.

“Sa labas yata ‘yun,” sabi ni Robin.  Dumungaw siya sa may bintana.  Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.  Sinenyasan niya ang mga kasama na tumahimik.  Tahimik siyang lumabas mula sa bahay ni Lou kung saan ginaganap ang meeting ng grupo.

Si Jennica ang nakita niya sa may bintana.  Naglalakad ito, kaya sinundan niya ito.  Bakit nasa kalsada pa si Jennica sa ganong dis oras na ng gabi?  And why is he sensing that the unusual putrid smell comes from Jennica herself?

“Jennica?” tawag ni Robin dito.

“35 x 54,” sabi ni Jennica, na nagpatuloy sa paglalakad, at hindi lumingon sa tumatawag na si Robin.

“Jennica?” tawag muli ni Robin sa pangalan nito.  Hindi niya matiyak kung siya ba ang kinakausap nito.

“5584 x 6287,” sabi ni Jennica.

Hindi alam ni Robin kung tama ang pagkakarinig niya sa sinabi ni Jennica.

“5631 x 6312,” she muttered again.

“Jennica?” muling tawag ni Robin dito.  Pero nagpatuloy lang sa paglalakad si Jennica.  Napatingin na lang si Robin sa papalayong si Jennica.  Hindi na niya nagawang sumunod dito.  Nabaling ang tingin niya sa malaking itim na garbage bag.  Mukhang doon nanggagaling ang kanina pa nila naaamoy.  Nilapitan niya ito, at dahan-dahang binuksan para makita kung ano ang pinanggagalingan ng amoy.

Muntik na siyang masuka.  Sa loob ng garbage bag na iyon ay pinagpira-pirasong katawan ng isang babae.  Sigurado siyang katawan iyon ng isang babae dahil nasa loob din ng garbage bag ang ulo nito.  Nakilala niya ang mukha ng babae.  It was Jennica!

---

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon