PROLOGUE

2.7K 33 3
                                    

PROLOGUE

 

ERUT. CIPYM. NOES. RUCATU. POHWU. OYSTIWONKI.

EMDNI. FREV. ENLLI. WUOY.

UOYYOR. TSEDO. TYAW. ADNIF. INEH. WYADE. MOSUOYE. CAFLLI.

Nagsimula ang lahat ng kababalaghan at hindi maipaliwanag na pangyayari sa buhay ko mula nang mapulot ko ang papel na may nakasulat na random letters na tila wala namang kahulugan.  Pagmulat ko ng mata sa ospital kung saan ako nagpaopera sa mata, ang papel na ito ang una kong nakita.  Kaya siguro itinago ko ang papel na ito.   Pagkatapos kong dukutin ang sarili kong mga mata sa paniniwalang may nakakabit na sumpa rito, nakakakita na ulit ako pagkatapos ng eye transplant sa akin.

Pero sa dami ng mga bagay sa mundo na pwedeng tanawin, ang papel na ito ang pinakagusto kong tanawin.  Curious ako sa mga nakasulat na letra.  May kahulugan ba ang pagkakaayos nito?  Ano nga ba ang misteryosong bumabalot sa mga katagang ito? 

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon