I. cont. (Fille)

950 20 1
                                    

<FILLE>

Nagcecelebrate kami ni Anjo ng monthsary namin nang biglang makarinig kami ng isang sigaw mula sa bar na kinakainan namin.  Isang apatnapung taong gulang na lalaki ang natagpuang walang buhay na nakahandusay sa isang mesa!  Halos nakalabas na ang puso nito.  Ayon sa ilang nakasaksi, isang G.R.O raw ang nakitang kasayaw ng lalaki bago ito natagpuang patay.  Siya nga kaya ang pumatay sa lalaki?  At bakit walang nakakita sa aktwal na pagpatay dito?

Gusto ko pa sanang malaman ang ilang detalye ng krimen, pero nagyaya na ang boyfriend kong si Anjo na umuwi.  Napansin niya siguro na mukhang interesado na naman ako sa krimeng iyon.

Napilitan akong tumiwalag sa Crimes and Mysteries Group o CMG, ang samahang binuo namin para tumulong sa mga biktima ng mga misteryosong krimen.  Napilitan ako, because Anjo asked me to.  We both quit.

Sabi niya, makakatulong raw sa paglimot ko ng tuluyan kay Erno ang pagtiwalag sa grupo.  Ayaw na niyang maalala ko pa ulit ang unang lalaking minahal ko.

Dahil sa nagquit na kami sa grupo, I moved out of Lou’s house where I previously lived for almost a year.  Anjo and I started living together.

Nang makauwi na kami, hindi pa rin maalis sa isip ko ang brutal na pagpatay sa isang lalaki.  Parang nakikini-kinita ko pa rin ang bangkay sa isip ko.  Naisip kong sabihin kay Lou ang tungkol sa krimen.  Baka makatulong ang CMG sa kasong iyon, na nangyari sa isang mataong lugar, ngunit kataka-takang wala man lang nakasaksi.

Hinintay ko munang makatulog si Anjo bago ako nagbukas ng computer at nakipagchat kay Lou, na leader ng CMG.

                   Fillesaint: hi! ano gawa mo?

Gillou: Farmville.

Gillou: bakit, miss mo ako, mrs. Caram? ;p

Alam ni Lou na naiinis ako kapag tinatawag niya akong Mrs. Caram, pero palagi niya pa rin akong tinatawag ng ganun.  Last name ni Anjo ang Caram, at sa pagkakaalam ko, boyfriend ko pa lang naman siya at hindi asawa.

                   Fillesaint: para k talagang libro.

                Gillou: bakit? Madaming alam?

                Fillesaint: hindi. MAKAPAL!!!

                Gillou: my sasabihin k p bng may sense?  Kng wla na, laro muna ako

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa patayang naganap sa bar.  He quickly logged  out, wanting to see the crime scene immediately.  Lalo ko tuloy na-miss na maging bahagi ng grupo…

But as I lie in my bed, hindi na ang krimen ang nasa isip ko.  Nagtext kasi sa akin si Nastja kanina na nagbalik na si Mondael.  Si Mondael ang obsession kong antipatikong misteryosong gwapo.  I know it’s bad to think of other guys dahil may boyfriend na ako, but I can’t help it.  Mondael is my Ernlou.  Pinagsamang Erno at Lou kasi ang pagkatao niya.

I couldn’t sleep because I was imagining his face.

I know he somewhat belongs to Nastja.  Sino ba namang makakalimot sa punas-pawis gesture niya kay Nastja?  Ang sweet nun.  Pinampupunas niya ang suot niyang T-shirt kay Nastja kapag pawisan ito.  Pero mas sweet sana kung sa akin niya yun gagawin diba?  Oh my gursh!  Ano na ba ‘tong naiisip ko?  May Mondael syndrome na yata ako.  Excited na akong makita siya ulit.

---

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon