IV. ELLIE MAE

859 21 1
                                    

IV. ELLIE MAE

“May patayan na naman sa mall…” pagbabalita ni Lou sa mga kaibigan.  “Mga magkakaibigang babae ang involve.  Nagtatawanan pa raw sila nung una, tapos bigla na lang may bumaong kutsilyo sa isa nilang kasama.  Sumakto raw sa puso kaya dead on the spot.”

“Sharp shooter yung killer, ka-jerjer?” tanong ni Kei.

“Hindi naman baril yung ginamit eh.  Kutsilyo,” ulit ni Lou.

“Ah… Eh ‘di sharp… ano nga bang tawag dun?” napaisip na tanong ni Kei.

“Sharp…ener,” ngising tugon ni JR.  Nagtawanan ang magkakasama, habang napakamot na lang sa ulo si Kei.

“Naimbestigahan na ba ‘to ng mga pulis, ka-jerjer?” tanong ni JR kay Lou.

“Oo.  Pero pupunta raw dito sa school yung mga pulis para i-interrogate yung mga kaibigan ng biktima.  Naghahanap na siguro sila ng mga possible suspects.”

“Bakit dito?  Schoolmate ba natin yung biktima, ka-jerjer?” tanong muli ni JR.

“Oo.  Si Charley Rosenberg,” sabi ni Lou.

“Classmate ko yun sa isang subject,” kwento ni Kei.  “Nakakakilabot!  Sino naman kayang pumatay sa kanya?”

“Malay ko.  Ba’t ganyan ka makatingin sa akin?  Hindi ako ah,” natatawang biro ni JR.

“Yung isang murder naman kagabi sa bar, walang nakitang murder weapon, pero diba, gaya nga ng sabi ko sa inyo, nakalabas na yung puso ng lalaki.  Parang ang laki ng galit ng pumatay.”

“Sunud-sunod na patayan ‘to ah,” puna ni JR.

“Oo nga eh.  Sa tingin ko, may serial killer na gumagala rito sa lugar natin,” pagbibigay opinyon ni Lou.

“Eh di, pumunta tayo sa presinto.  Icheck natin ang mga police records kung may serial killer na nakatakas,” suhestiyon ni JR.

“Oo.  Naibigay ko ng assignment ‘yan kina Robin at Jessy.”

Pumasok ang tatlong kaibigan ni Charley sa cafeteriang kinakainan nila.  Nagpapalahaw ng iyak si Jennica, habang iniinterrogate ito ng isang pulis.

“Si Maria Kirilenko, yung nerd sa klase namin.  Sigurado ako.  Siya ang pumatay kay Charley…”

“May mabigat bang dahilan kaya mo naisip ‘to?”

“Inggit siya sa akin kasi natalo ko siya sa school,” sagot ni Jennica.  “Kaya gumanti siya sa kaibigan ko.”

Isinulat ng pulis ang isinalaysay niya.

“Ano naman ang masasabi mo tungkol sa biktimang si Charlotte Rosenberg?” dagdag pa ng pulis.

“Um… Kahapon, sinabutan siya ng Nastja na ‘yon.  Yung luka-lukang iyon!”

“Nastja?  What’s her last name?”

“I don’t know her last name.  Basta, siya yung babaeng madalas kasama ni Mondael.”

“Mondael?”

“Mondael Kavacis.  Hello!  You don’t know him, chief?  He’s the hottest guy on campus kaya!!!”

“Boyfriend ba ito ng Nastjang sinasabi mo?”

“Hindi ko alam, chief.  Basta… madalas silang magkasama.”

“Okay.  Salamat sa oras mo, Ms. Jenna.”

“It’s Jennica,” koreksiyon niya.

Nang makaalis na ang mga pulis, tinawag ni JR sina Ericka at AnnaSophia.  Nagpapahid ng luha si Ericka, samantalang galit naman ang anyo ni AnnaSophia.

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon