Nababagabag si Glaiza... Nakailang kurap siya dahil ayaw niyang umiyak. Tiningnan niya pa ulit si Nanay Cristy sa may bandang unahan nga ng Van. Buti nalang natutulog ito at nasa dulong upuan sila ni Ate Cris nakaupo kaya hindi nito maririnig ang pinagkkwentuhan nila. Hindi nito maririnig na pinagkkwentuhan nila ni Ate Cris yung matagal ng issue na hindi mawala wala sa management na humahawak sa kanya. Yung issue na alam naman niyang hinding hindi talaga mawawala...


Ate Cris nodded again. "Ang hirap ng pinagdadaanan mo Cha at alam kong mas hihirap pa yan kapag napatunayan lalo ng management yung gumugulo sa kanila at kapag umamin ka. Pero sobrang sakit niyan sa dibdib kung nabubuhay kang alam mo sa sarili mong di ka nagpapakatotoo. Kawawa yung taong involve. Si Rhian.... Kung ipagpapatuloy mong itago yang sarili mo, nakakaawa si Rhian dahil hindi mo man lang ipinakilala sa kanya yung taong gusto mong ipakilala sa kanya. Magiging kaawa awa ka din dahil baka pagsisihan mo pa..." Lumunok si Ate Cris at matagal na tiningnan si Glaiza sa mga mata. "....pero kung ano mang desisyon ang gawin mo, kahit ano pa yan, kahit ikagalit pa ni Nanay yan o ng kung sino mang magalit sayo dahil sa desisyon mo, nandito pa rin ako Cha. Susuportahan kita kahit anong mangyare... Susuportahan kita."

Dun tumulo ng tahimik yung luha ni Glaiza. Naiiyak talaga siya. "Salamat, salamat Ate Cris."

Nag-smile si Ate Cris at saglit na niyakap si Glaiza at sinabing, "Kung ako ang nasa kalagayan mo, siguradong maduduwag din akong magsabi. Pero mas pipiliin kong sabihin yung totoo. Mas pipiliin kong ipaglaban yung gusto ko kesa sa gusto ng ibang tao para sakin."


Lalong naiyak ng tahimik si Glaiza...


Tama si Ate Cris. Mahirap ito.... Pero dapat lumaban... Kailangan mong ipaglaban yung gusto mo. Pero kailan? Kailan ko ba kaya? Ayoko din ng ganito... Para akong nakakulong. Kinukulong nila ko sa mundo nila. Kinukulong nila ako dahil gusto nilang sundin ko yung gusto nila para sakin. Nakakulong ako... Pero mali din naman ako dahil hindi ako gumagawa ng move para makalabas. Mali din ako dahil sinusunod ko sila.... Talo pa din ako. Talo pa din ako kasi hindi ko sila kayang kalabanin. Hindi ko kaya....


//





Kanina pa nakikipagkulitan si Rhian sa mga fans na nakikita niya ngayon mula sa floor na kinatatayuan niya. Kanina pa siya sumesenyas ng heart sa mga ito at tinatanong kung wala pa ba si Glaiza pero wala pa nga daw. Hindi pa dumadating.


Kanina pa siya naeexcite. Naiinis man siya na di sila nagkita kagabi sa 12 Monkeys, sure naman ngayong magkikita sila. Nasayang man yung effort niya, alam naman niyang pag nakita niya si Glaiza, bawing bawi na. Kotang kota na.

Naiinitan na siya sa suot niya. Naka-blazer pa kasi siyang nakapatong sa suot niya. Gusto na niya itong alisin pero mamaya nalang..

...Pagdating nalang ni Glaiza para sexy. Natawa siya sa naisip niyang yun.












"WAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!"


Napalingon siya sa mga nagsigawan at napatingin siya sa isang taong pinagkaguluhan ng mga fans.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now