Somebody's Me (9)

Start from the beginning
                                    

Halos mahimatay si Glaiza sa narinig niya.


Lalo naman yung Interviewer.


Glaiza looked at Rhian.... Sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso niya.

Rhian Ramos... Jusko. Jusko Rhian... Ano ba to? Ganito pala ang pakiramdam. Seryoso ka pala talaga dito... Jusko jusko... Yung puso ko hindi na kaya yung feels na nararamdaman niya... Pinapatay mo ko Rhian... Pinapatay mo ko sa kilig at saya..




Ngumiti nanaman si Rhian... Yung ngiting may lakas ng loob at parang walang pakeelam sa sasabihin ng ibang tao. "Girlfriend ko po si Glaiza and I love her... I love her so much kaya I don't care kung anong sasabihin niyo after this. It's your opinion pero hindi niyo kami kilala para husgahan kami but then again, it's okay... Sabihin niyo kung anong gusto niyong sabihin. Pero eto lang po ang masasabi ko, Girlfriend ko po si Glaiza De Castro at wala kayong pake." Natawa pa siya. Pampawala ng kaba... "De joke lang. But seriously, wala na po akong dahilang sasabihin pa. Wala na kong tanong na sasagutin. Ito na po yun. Paulit ulit ko pong sasabihin na Girlfriend ko na si Glaiza, we love each other and kung magtatanong kayo about Jason and I, wala na kong sasabihin. Lahat ng involved, is nakausap na. And sa side namin, sa side ng lahat ng involved, walang mali dito. Approved sa kanila. So, kung ayaw niyo dito, kung ayaw niyo samin, We don't care." Tiningnan ni Rhian si Glaiza sa mga mata saglit tapos sa camera na ulit. "Ang mahalaga samin, yung kami. Yung samin lang."











Nakailang lunok si Glaiza... Para talaga siyang mahihimatay sa mga oras na to.. Yung puso niya di na makahinga... Sobra sobra na siyang natutuwa at kinikilig. Hindi siya makapaniwala dito. Akala niya hindi pa ito gagawin ni Rhian.. Akala niya matagal pa siyang maghihintay pero eto na. Eto na nga.... Eto na nga ang pangyayaring hinding hindi niya, kailanman, makakalimutan.




Rhian smiled at the interviewer. "Again, Thank you so much for this...."

Tumango tango nalang yung interviewer dahil parang umurong ang dila nito... Hindi din ito makapaniwala sa mga ganap.




"Enough. Enough." Sumigaw yung isa sa mga assistant ng producer dun. Nagsisignal na tapos na yung interview.

Tumayo na sina Rhian at Glaiza. Magkahawak kamay pa rin sila.

"Thank you so much sa lahat po ng nandito especially sa PEP producers and assistant and interviewer.. Thank you." Ngumiti ulit si Rhian. "We have to go... Maraming salamat po ulit talaga." Nag-bow pa si Rhian bago hinila si Glaiza para lumabas ng studio.

Hindi pa rin makapaniwala si Glaiza sa nangyari hanggang sa makalabas na sila ng building.



Nasa parking lot na sila at nasa loob na ng sasakyan nang magsalita si Glaiza.

"R-Rhian... Love, ano ba yun? Seryoso ka ba dun?"


Tiningnan ni Rhian si Glaiza. Ngumiti siya at kunwareng tinusok ang ilong nito. "I did Love... We did. We're legal. Pwede na nating gawin ang gusto natin kahit nasa public pa tayo. And I'm so happy. Really really happy." Hinawakan ni Rhian ang pisngi ni Glaiza. "I love you so much." She kissed her.

·

·

·

"I love you." Again, a peck of kiss sa lips. "Thank you so much for being my power habang sinasabi ko ang lahat... Sobrang naging malakas ako, maybe because nandun ka nga. I know na katabi kita."

Matagal na tinitigan ni Glaiza ang mga mata ng Girlfriend niya....


Nagulat naman si Rhian nang biglang may tumulong luha sa mga mata ni Glaiza habang nakatingin ito sa kanya.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now