"Okay, Wife ko, basta kasama kita, lahat kaya kong lampasan. Kasama lang kita, makakaya ko ang lahat ng iyon," ngumiti pa ako sa kanya, at pagkatapos nag-umpisa na akong kumain.

Pinagmasdan niya ako habang kumkain ako.

"Ang sarap pa rin talaga ng luto mo, Wife ko." Sabi ko ng matapos akong kumain.

"Syempre naman! Na-master ko na ang ulam na 'yan eh,"

"Eh, paano naman hindi mo mamaster 'yan. Tatlong klase lang ng ulam ang alam mo'ng lutuin." Sabay tawa ko.

Umingos si Ally." Tse! Ang yabang mo." Tapos tumalikod siya sa'kin.

Natatawa ako habang sinusuyo ko si aAlly, niyakap ko siya patalikod.

"Kahit tatlong klase lang ang alam lutuin ng Wife ko. Okay lang, masarap naman at paborito ko talaga iyon, hindi ko iyon ipagpapalit kahit sa pinaka-masarap na ulam pa sa buong mundo. Ang luto mo pa rin ang pipiliin ko."

"Hmpt! Sinasabi mo lang 'yan ngayon sa'kin, pero magsasawa ka rin."

kinabig ko siya paharap sa'kin. "Wag ka nang magtampo, Wife ko, mahal na mahal kita," tapos mabilis kong dinampian ng halik si Ally sa labi. napangiti ako ng makita ko ang pamumula ng mukha niya.

"Ililigpit ko muna ito saglit boyfriend." Tumayo si Ally at inilapag ang tray sa ibabaw ng table at pagkatapos muli siyang tumabi sa'kin. Magkayakap kaming dalawa habang nakahiga sa kama,

"Boyfriend, masaya ka ba ngayon?" Tanong niya sa'kin.

"Sobrang masayang-masaya Wife ko. Parang ayoko ng matapos ang araw na ito."

"Mabuti naman boyfriend, pero tandaan mo. Lahat ng bagay may hangganan," sagot niya sa'kin.

"Siguro nga may hangganan ang lahat, pero ayoko mo ng isipin iyon, dahil para sa'kin ang makasama kita ngayon, nagkakaroon ako ng walang hanggang kaligayahan."

"Hmmm.. cheezy,"sagot niya

"Kinilig ka naman."

Siniko ako ni Ally. "Tse! Yabang nito,"

Humarap ako sa kanya tapos muli kong pinagmasdan siya.

"I love you Ally."

"I love you too, Boyfriend."

Ngumiti siya sa'kin habang sinasalubong  niya ang mga tigtig ko sa kanya, pagkatapos, dahan-dahan kong inilapit ang mga labi ko sa labi niya, napangiti ako dahil nakikita ko na naman ang pamumula ng mukha ni Ally sa tuwing hinahalikan ko siya. Napapikit ako nang maglapat ang mga labi namin ni Ally, halos lumuha ako nang maramdaman ko ang natural na halik ni Ally. Ang pagganti niya sa mga halik ko. Hinawakan ko ang bewang at likuran niya, hinalikan ko siya ng higit pa sa ginagawa ko dati. Pinaramdam ko sa pamamagitan ng nga halik ang pangungulila ko sa kanya.

"I love you, Wife ko." anas ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa'kin at sinagot ng mapusok na halik na lalong nagpa-init ng katawan ko.

Hindi ko alam ang nangyayari basta ang alam ko kasama ko si Ally, ang babaing mahal ko.

Habang dalang-dala na ako sa mapusok naming halikan. Kinapa ko ang hook ng bra niya, ngunit bago pa matanggal iyon, tumunog nang tumunog ang cellphone ko. wala sana akong balak sagutin dahil sobrang istorbo at pabitin, inis at galit ang nararamdaman ko kung sino man ang taong tumatawag sa'kin, nabasa ko sa screen ng cellphone ko na si Tita Sheena tumatawag. Inis kong sinagot iyon.

"Hello!"

"F-Frits... " tapos biglang umiyak na ito nang umiyak.

"Bakit po Tita anong nangyari?" Takang tanong ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now