MAbilis akong kumalas sa yakap ni Yna. At tumayo.

"Baby let's eat breakfast na." Sabi ko habang naka extend yung arms ko para buhatin siya.

"Okay po! But... si daddy mag carry sakin." Then she pouted.

"Walang problema baby." He said tapos binuhat na si Yna. Na mabilis namang kumapit sa leeg niya.

"Daddy kiss.." tapos mas nag pout pa siya. Kiefer kissed her sa lips kaya tawa ng tawa ang baby.

"Bakit si daddy lang baby? Pano naman si mommy?" Kunwaring pagtatampo ko.

"Yna kiss mommy too." She said tapos nag pout ulit.

So lumapit ako sa kanila to kiss her. Okay! Strike 2 na 'to ng paglalapit ng face namin ni Ravena ha!? Ayoko na! Tama na!

After "that medyo cheezy moment of us." Lumabas na kami. Karga siya ni Kief habang ako hawak ang kamay niya na kinakagat kagat ko kaya tawa na naman siya ng tawa.

"Rawwrrr!! Vampire si mommy!!" Tapos napa tili pa siya ng kagatin ko ulit kunwari yung kamay niya.

"Hahahaha! Hindi naman vampire si mommy baby eh. Dog kaya siya. Masakit siyang mangagat eh!" Tumatawang sabi nung mokong that's why I glared at him.

"Anong sabi mo?! Baka gusto mong umuwi ng may pasa sa mga braso Ravena?! Sabihin mo lang! Ano?"

"Babe naman, este Mika pala hindi na mabiro. Joke lang naman yun baby eh no'h?" He said. Aba't naghanap pa talaga ng kakampi ha?!

"Shut up!" Sabi ko. Habang silang dalawa natatawa parin.

Pagdating namin sa kitchen, nandun na sila mama. Wala na yung younger brother and sister ko dahil may pasok.

"Good morning Ma,Pa." I said then I kissed their cheek.

"Good morning rin. Mabuti naman at gising na kayo. Kanina pa kaya kayo hinihintay magising niyang daddy niyo." Ngising sabi ni Mama. Tss.. nang aasar na naman siya.

"Ahh Ma. Daddy lang po ni yna. Hindi ako kasali." Naka ngiwing sabi ko. Natawa naman silang lahat. Pati si manang Beth na kakadating lang natawa.

" Lola.. daddy Kief is my daddy only. Hindi sama si Mommy." She innocently said. Na mas nagpatawa sa kanilang lahat.

Pati ako natatawa na rin pero pinigilan ko.

Habang kumakain kami. Ang ingay lang nila. Lalo na ng baby ko. Si papa tska si Kief pati si Mama parang bumalik na sa dati. Yung wala nang awkward moments? Kaming dalawa nalang talaga ang hindi pa bumabalik sa dati. At hindi ko alam kung maibabalik pa nga ba?

I wonder kung anong sinabi ng lalaking 'to sa kanila? At bakit parang hindi na sila galit?

Happy breakfast with the
Happy Family lang ang peg.

After that. Nagpaalam si Kief kila mama na kung pwede daw ba kaming hiramin. Ano kami laruan!? Badtrip 'tong Ravena na 'to!

"At talagang tinotoo mo yung sinabi mo last night ha?"

"I told you Miks. Babawi ako. Maraming taon ang dapat ko pang bawiin kaya magsisimula na ako ngayon." Seryosong sabi niya habang sinusulyap sulyapan kami dahil nag d-drive na siya sa hindi ko na naman alam na lugar. Yung batang makulit naman ay busy na naman sa tablet ng daddy niya. She's watching a Barbie movie. Natawa pa nga ako ng makita yan eh. Just imagine na si Kief yung may ari nung tablet tapos puro movies na Barbie at Mickey mouse yung laman! Hahahaha!

"Talaga lang ha?" Sabi ko sabay ngisi.

"Hindi ka na niniwala sa akin?"

"At bakit naman ako maniniwala sa taong nang iwan sakin? Sa taong nangako na hindi ako sasaktan pero halos mamatay ako ng iwan ako. Sige nga Kiefer. Sabihin mo sakin kung bakit dapat pa akong maniwala sayo?" May pait na sabi ko habang diretsong naka tingin sa daan.

"Dahil gagawin ko lahat by. Lahat lahat. Para lang mabalik tayo sa dati. Patutunayan 'kong kahit kailan mali yung iniisip mong iniwan kita para lang sa ibang babae. I already explained myself to you baby. Nasabi ko na lahat kaya ang kialangan ko nalang gawin ay patunayan lahat ng sinabi ko sayo."

"At hindi ako titigil hanggang sa mahalin mo ulit ako. Hanggang sa pagkatiwalaan mo ulit ako at maging buo tayo." He said tapos kinuha yung kamay ko. Pinipilit 'kong bawiin sakanya yun pero ang higpit lang ng hawak niya.

Sakto namang nag red light kaya huminto siya. He kissed my hand gaya ng lagi niyang ginagawa.
And I felt that my heart just melt. Dahil na rin sa mga titig niya.

"Baby kahit ngayon lang... Pwede bang magpanggap tayong walang nangyari? Pwede bang kalimutan muna natin lahat ng mga hindi magagandang bagay na nangyari satin noon? Para kay yna baby please? Let's pretend na isa lang tayong normal family having a Family Day. Para sa anak natin please baby.." he plead. Kita sa mga mata niya ang pag mamaka awa.

Sino ba naman ako para tumanggi? Sa totoo lang matagal ko nang hinihiling 'to eh. And I can't deny the fact na sobrang laki ng effect niya sakin. Parang sa mga tingin niya palang ngayon.. papayag na agad ako eh. Na kahit pa hindi siya mag makaawa. Mapapa payag niya agad ako.

I smiled at him and said....

"Okay baby. We will make sure na magiging masaya ang araw na 'to for us.
I love you..."
















To be continue next week .......

HAHAHAHAHAHA :P


I'll Be ThereWhere stories live. Discover now