Somebody's Me (8)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi alam ni Glaiza kung bakit bigla siyang kinabahan dun.









Bigla niyang tiningnan ang nagtatawanan pa ring sina Rhian at Cassie.



Napalunok siya. "L-Lola ni Cassie? Bakit daw? Bakit nandiyan sa bahay?"

"Yun na nga... Pwede bang umuwi muna kayo dito para makapag-usap ng ayos? Kailangang kailangang pag-usapan to, Cha."


Tumango si Glaiza, "Okay.. Okay pupunta na kami."


Siya na ang nag-end ng call.


Hindi nawala ang kaba niya...

Anong meron? Bakit? She thought.

Huminga siya ng malalim at nilapitan ang dalawang babaeng mahal na mahal niyang naghaharutan pa rin..

Niyakap niya si Rhian at Baby Cassie. Kinissan niya ang mga ito sa noo. "Break time muna tayo okay? Magbihis muna at uuwi muna tayo sa bahay."


Napakunot ang noo ni Rhian. "Sa bahay niyo? Uuwi na kayo?"

"Uuwi tayo. Kasama ka syempre Love."

"Bakit? Hinahanap na ba kayo ni Nanay C?"

Medyo kinurot ni Glaiza ang ilong ni Rhian. "Mamaya natin pag-usapan Love okay? Paliguan muna natin tong bata batuta na to. Hmmmm!!" Kunware pang pinanggigilan ni Glaiza si Cassie kaya humagikgik nanaman yung cute na bata.

Tumango nalang si Rhian. "Okay.. Baby, Halika dali." Inopen ni Rhian ang mga braso niya dahil kakargahin niya si Cassie.

Umiling si Cassie. "Wag na po ako kargahin."

Napakunot nanaman ang noo ni Rhian. "Ha? Bakit?"

"Malaki na po ako e." Cassie said.

Medyo natawa pa si Rhian at Glaiza. Si Glaiza na ang kumarga kay Cassie. "Kahit malaki kana, kakargahin ka pa rin namin. Diba Mommy Yoyon?"

Nagthumbs up naman si Rhian.

"Kisshhh mo nga kame Mommy Yoyon?" Nagpout si Glaiza na parang nagpapacute at ganun din ang ginawa ni Cassie.

Natawa si Rhian. Kinissan niya si Cassie tapos si Glaiza ng mabilis lang. "Tinuturuan mo pa ng damubs yang si Baby Cassie Lovelove. Hahaha."


Natawa nalang din si Glaiza at pumasok na sila sa loob para paliguan si Baby Cassie.


//







"Buti naman dumating na kayo." Sinalubong sila ni Ate Cris pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ng mga Galura.

Nakita nilang may babae na nakaupo sa may living room at nakikipagkwentuhan kay Nanay Cristy.

Eto ba yung Lola ni Cassie? Glaiza thought.


"Rhian, Glaiza, maupo muna kayo." Offer ni Ate Cris sa dalawa.

Pumasok na sina Rhian at Glaiza sa loob. Pero papasok na din sana si Cassie nang medyo nagtaka sila nang parang magtago ito sa may binti ni Rhian.


"Hey Baby, Come on. What happened?" Rhian asked.

Umiling si Baby Cassie at parang may kinatatakutan kaya nagtatago sa may likuran ni Rhian.


"Hey baby...."







"Apo ko. Halika dali." Tumayo yung babae at akmang lalapit kay Cassie pero nagsalita si Rhian.


RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon