Chapter 15 - Bubugbugin na talaga kita!

Start from the beginning
                                    

"You look--" Tinakpan ko ulit yung bibig niya. Baka kasi manglait na naman or mang-asar sa itsura ko! Nakasimpleng floral dress ako, at blazer tapos nakaflat shoes at konting polbo lang. 

"Hmmpp." Hinawakan niya ang kamay ko at sapilitang inalis sa bibig niya. Tapos magkasalubong yung kilay niyang hinarap ako. "Hindi kita lalaitin. Actually, maganda ka nga eh." 

O///////O 

"Joke yan no? Nung isang gabi lang sabi mo ang panget ko sa paningin mo." =____= Nakakainis kasi e. Namumula na ata ako sa compliment niya. Eh totoo naman eh, kahit lasing ako naalala ko pa rin yon. Tss. 

"Oh bakit? Masamang magbago ng isip? Haay. Ewan ko sayo. Halika na nga!" Hinila na niya ako at pinagbuksan ng kotse. 

"Wow. Gentleman?" Nakakapanibago kasi. Hahaha. 

"Pasok na po kayo, lola. Hahaha!" Akmang magbebless pa siya sakin nang paluin ko siya. Nakakainis! Ang lakas talaga mang-asar. Hay naku! =____= 

"Biro lang naman. Haha! Brutal talaga e. Tss." Tapos ay pumasok na rin siya ng kotse at nagsimula ng magmaneho. 

**

"Montage." Tsk! Lagi na lang yan ang tawag niya sa akin. Montes nga diba, Montes! Arghhhh. Mahirap bang sauluhin yon? >__<

"ANO?!! MONTES NGA DIBA?!" 

Tumawa siya ng mahina. Para talagang pang bakla yung tawa niya e. Haha. "Kasi naman, wala ba akong kiss ngayon?" 

O//////O 

Yung tataa? Nahihiya na talaga akoooo! Nakakainis siya. Bakit pa niya pinaalala?! Waaaahhhhh! Pwedeng tumalon palabas ng kotse niya? Baka kasi masaktan ko ang isang to eh!! 

"TSE!! Wag mo ngang ipaalala yan. Nakakadiri. Natusok ata yung nguso ko sa pisngi mo!!" Joke lang yon. Hahaha. Ang totoo, malambot at makinis talaga yung pisngi niya. Hahaha.

Tumawa na naman siya. "Haha. Really? Alam mo bang hindi ako nakatulog kakaisip don." Sabay tingin sakin at ibinaba taas pa niya yung kilay niya. Tas halos kita na yung 32 pieces of teeth niya! Susko! Ang gwapoooo. Wahahahahahaha! Baliw, Julia!! =____=

"Ewan ko sayo! Saan ba tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng topic. Walangya! Kinikilig ako sa mga ngiti niya. Tae! Ngayon lang ako nakaexperience ng ganito. Wahahahahaha! 

"Sa simbahan. Papakasalan na kita!" 

"ANOOOOO?!!!"

O////////O 

"Hahahaha! Just kidding. You should have seen your face. Nakakatawa, sobra! Hahahahaha. Asa naman no. Haha." Hinampas ko na lang siya. Nakakainis eh! Binibigla ako. Sana nagsabi siya para nakapag prepare ako. Hahahaha! Chos! 

"Pag ako, hinampas mo ulit, bubugbugin na talaga kita!!!" 

"Edi bugbugin mo, kung kaya m--!" 

"Ng PAGMAMAHAL." Sabi niya with a serious tone. Bigla naman akong kinabahan. Anong sabe? Jusko pows!! ENRIQUE GIL, YOU'RE MAKING ME CRAZY!!! =___=

---

Enrique's POV 

Silence. Silence. Awkward Silence. Bakit naman kasi lumabas sa bibig ko yon? Joke lang naman yon eh. Naku, Quen nakakastrike two ka na! Una yung I like you tapos ngayon bugbugin ng pagmamahal? Takte!! Ang corny! Makapag-search nga ng matitinong pick-up line mamaya! Hahahaha. Susko! Mga iniisip ko. =___=

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now