Chapter 35: I quit

Start from the beginning
                                    

I don't care.

"Okay Mr. Dela Flor. And just to fully inform you,
I quit." I said then hang up.

This is my chance.

I took the risk for love.

The question is,

Is she going to take the risk of giving me second chance?

Sana.

Tumakbo ako sa kotse  at mabilis na nag- drive papunta sa bahay ni Bea. Pagkadating ko doon, nasa sala na siya at nanonood ng tv.

"Bea."

"Uh yes?" malambing niyang tanong

"I need to go home." sabi ko na ikinagulat niya

"What?! Hanggang 3 days pa tayo dito! Sayang yun." sabi niya

"Please Bea." pagmamakaawa ko. Sigurado naman kasi akong hindi niya ako papayagang makaalis agad-agad kung hindi pa ako magmamakaawa.

"Okay. If that's what you want." sabi niya

"Thanks." agad akong tumakbo sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko.

Okay, this is it.

This is where I'm going to start.

****

Natulog lang ako sa eroplano. Hindi ko na inisip ang kung anumang mangyayari mamaya.

Walang sumundo sakin at hindi ako nagpasundo kaya sumakay nalang ako ng taxi papunta sa bahay.

Tinignan ko ang cellphone ko.

Yung picture naming dalawa na inedit ko.

Para akong baliw na nakangiti dito. Nag- open din ako ng fb acc ko. As usual, nangi- stalk na naman.

She posted a new picture.

Kasama niya si Yanna, Lance, Bea, at shempre si Xider. Kita ko na masaya siya sa mga nangyayari ngayon. Alam ko rin namang naka- move on na siya sakin. Pero hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit ginugusto ko pang pumasok sa buhay niya.

Siguro dahil desidido na ako ngayon. Second chance nalang ang kailangan ko mula sa babaeng mahal ko. At alam kong magiging okay na ulit ang lahat.

Huminto ang taxi sa mismong bahay namin. Binayaran ko yung driver at hinila ang maleta ko.

Pinagtitinginan ako ng mga katulong pagpasok ko ng bahay. Marahil sinabi na sa kanila ni Mr. Dela Flor na wala na siyang anak. The hell I care.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha na rin lahat ng mga gamit ko. Alam ko namang palalayasin na niya ako dito. Kaya voluntarily na akong aalis.

Habang nage- empake, nagulat ako nang pumasok si Mom sa kwarto at lumapit sa akin. Pero di ako lumingon sa kanya.

"Son, stop doing this." she said.

Natigilan ako.

"Don't try to stop me Ma." sabi ko habang hindi pa rin siya nililingon

"Nagkakaganyan ka para sa isang babae? Pinagpapalit mo kami Ice." seryoso niyang sabi

Hinarap ko ang nanay ko.

"Ma, pinagpalit niyo rin naman ako sa business diba? Bata palang ako, parang wala akong magulang kasi lagi kayong busy. Kaya nga sobrang importante sakin nung babaeng mahal ko. Kasi bata palang, kasama ko na siya. Pero anong ginawa niyo? Inilayo niyo ako sa kanya diba? At bata palang, tinali niyo na agad ako sa babae. And as usual, it's for your business' sake. Kaya Ma, sorry. Pero kumakalas na ako sa tali niyo. Kasi sakal na sakal na ako."

Tuluyan na akong lumabas ng kwartong iyon at iniwan si Mom na nakatulala sa mga sinabi ko.

Nalulungkot din naman ako ngayon eh. Pero kulang pa 'to sa mga lungkot at sakit na naramdaman ni Patricia dahil sa akin noon.

Sobrang mahal na mahal na mahal ko na talaga ang amazonang yon. Pinagpalit ko na siya sa pamilya ko eh. I love my family.

Pero mahal ko rin si Pat. Yung kababata ko na laging nasa tabi ko noon pa man. Yung taong hindi ako iniwan. Yung babaeng sinaktan ko noon pero tinanggap pa rin ako ngayon kahit bilang kaibigan lang. She's really one of a kind.

Papalabas na sana ako ng bahay nang madatnan ko si Mr. Dela Flor na nakaabang sa pinto at nakatingin sa akin ng masama.

"What are you doing here?" tanong niya na para bang sinasabing 'diba-hindi-na-kita-anak?'

"Kinuha ko lang ang lahat ng gamit ko Mr. Dela Flor." sabi ko na ikinagulat niya.

This is the second time I called him Mr. Dela Flor.

"You're really giving up everything for that stupid girl?" he said while smirking

"Don't call her stupid, you don't know her." I replied

"Wow. Just wow. Yan ba ang natutunan mo sa babaeng yun? Ang sagutin ang magulang mo?"

"Akala ko ba hindi na kita magulang? Tinakwil mo na ako at kumalas na rin ako sa pagiging anak mo. At hindi ang pagsagot sa inyo ang natutunan ko sa kanya. Natutunan kong magmahal at mahalin ng isang tao. Isang bagay na hindi niyo naituro sakin."

Literal na napanganga siya sa sinabi ko.

Sinakyan ko sa garage ang kotseng naipundar ko noon sa sarili kong pera.

Inilagay ko lahat ng gamit ko roon at nagsimula ng magmaneho. Marami akong ipon at kasya ito para makabalik ako ng Paris, but before that, kailangan ko munang magpalipas ng konting panahon dito sa Pilipinas.

Hihintayin ko muna si Lance, Yanna, at Bea na makauwi dito.

Marami akong lihim sa kanila. Sana matanggap ni Bea ang naging desisyon ko.

And I think kailangan ko nang umamin sa kanila. Kay Lance, Xider, Yanna, at lalong lalo na kay Patricia.

Aayusin ko muna ang lahat.

"Wait for me." I whispered to myself.

___________

(A/N: Short update. Babawi ako.)

The DareWhere stories live. Discover now