Somebody's Me (7)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ba pwedeng mauna ka ng umuwi sa inyo? Tapos kunware hindi mo alam na pupunta kami at isusurprise ka nalang namin?"



Nabigla nanaman si Rhian. "N-Natatakot ako... Na baka maghintay ako sa wala..."



"Pati ba naman sa ganitong sitwasyon, natatakot ka?" Nag-paused sandali si Glaiza... "Sa tingin mo gagawin ko yun sayo? Gagawin namin ni Cassie sayo yun? Hindi kita hahayaang maghintay kung alam ko namang wala kang hihintayin."





Napalunok nanaman si Rhian.... Oh God, hindi siya galit sakin. Oh please please, gusto kong bumalik na siya...


"Okay. I'll wait for you. Okay lang na magtagal ka, maghihintay pa rin ako. This time, ako naman yung maghihintay kahit gano pa katagal." Rhian exhaled. "Hihintayin ko kayo ni Cassie..."


"Okay." Glaiza said.



Unti-unting napasmile si Rhian dahil nararamdaman niya at naiimagine nanaman niya yung smile ni Glaiza sa kabilang linya. Alam niyang sa mga ganitong usapan, lumalabas nanaman ang dimple ni Glaiza dahil sa kilig. Sana nga ganun pa rin. Sana nga kinikilig pa rin siya....


Medyo nagtaka siya nang hindi pa ineend ni Glaiza yung call.


"Uhm, nandiyan ka pa ba? Bat di mo pa ineend?" Rhian asked.

"H-Ha? Ano, ikaw nalang mag-end."


Napangiti nanaman si Rhian. May hinihintay pa ata ito na sabihin ko...


"Glaiza, ingat kayo ni Cassie. Excited na kong makita ulit kayo..." At inend niya na nga ang call.


Ibinaba niya bigla ang phone niya sa bag niya at napakagat labi dahil sa kilig.


Pigil na tili ang pinakawalan niya sa kotse niya.


"Oh Gosh.... Oh Gosh..." Hinawakan niya ang dibidb niya dahil ramdam na ramdam niya ang pagpintig ng puso niya. "Glaiza, phone call palang yun, pero bakit hindi nagbabago yung nararamdaman ko? Parang ganitong ganito pa rin ako nung simula...." She exhaled. "Glaiza Galura, ikaw lang nakakapagpatibok ng puso ko ng ganito... Paano mo to nagagawa?"




Napa-smile nanaman siya at pinaandar na ang kotse.



I'm so excited to see my cutiepies... Rhian thought at tuluyan ng nagdrive.




//







"Wooooooowwww. Ang gandaaaaaaaa" Tumakbo si Cassie sa may rooftop sa may bandang kwarto nga ni Rhian dahil sa attic nga ang room nito.


Nakita niya yung mga ilaw ng buildings kaya amaze na amaze siya. Mga 8 na kasi ng gabi.



"Ang gandaaaaaaaaa" Sabi pa ulit ni Cassie tapos pumunta naman sa kabilang side nung rooftop.


Napangiti naman si Rhian habang tinitingnan si Cassie.

Si Glaiza naman naka-crossed arm na parang nilalamig habang naglalakad din papunta kay Cassie.


Tiningnan ni Rhian si Glaiza. "Nilalamig ka?"

Glaiza nodded. "Pero okay lang." She said nang hindi tinitingnan si Rhian.


Nag-stop si Rhian sa paglalakad at hinawakan ang braso ni Glaiza para mag-stop din ito.

Glaiza stopped.

Pumunta si Rhian sa likuran ni Glaiza at niyakap ito.. Binack-hug niya si Glaiza.. Yakap yakap at hawak hawak niya ang braso ni Glaiza...


RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon