Pagpasok nila ng mansyon. Narinig namin ang mga sasakyan na huminto sa tapat ng gate.

"Luke, Patrick! Bakit narito kayo?" Bungad ng Daddy ni Frits. Kasama na nito ang mga pulis.

"Ililigtas namin Tito sila Ally at Frits,"sagot naman ni Luke.

"May mga pulis nang magliligtas sa kanila. Bumalik na kayo sa kotse niyo."

"Pero Tito ililigtas namin sila."

Hinawakan sa balikat si Luke ng Daddy ni Frits. "Alam kong nag-aalala kayo sa kanila kaya lang ayokong pati kayo mapahamak."

Pagkatapos isa-isang pumasok ang mga pulis sa loob ng mansyon.

"Excuse me po Mamang pulis," tawag ko.

Huminto naman ang pulis at humarap sa'kin.

"Ate ko po si Maddison Kim, siya po ang may kagagawan ng lahat ng ito, nakiki-usap akong hulihin niyo na lang siya. Wag niyo po siyang sasaktan." Pakiusap ko.

"Hanggat maari po Miss, iyon ang gagawin namin. Pero depende na lang sa ikikilos at magiging reaksyon niya."

"Gano'n po ba? Sana hindi na mang-laban pa si ate Maddison, sana sumuko na lang siya."

Bago pa makapasok ang mga pulis. Nakarinig na kami ng sunod-sunod na pagputok ng baril na nang-gagaling sa loob ng mansyon.

"Ally!" Tumakbo si Zyrus papasok ng mansyon.

"Wag na kayong makialam pa. Bumalik kayo dito!" Sigaw ng daddy ni Frits.

Huminto si Luke at nilingon ang Daddy ni Frits. "Sorry, pero hindi namin kayang maghintay na lang dito." Sabay talikod niya at tumakbo papasok sa loob, hindi na sila na-awat ng iba pang pulis.

***

FRITS'S P.O.V.

Napaiyak si Ally, habang namimilipit siya sa sa'kit ng tiyan nang sinikmuraan siya ng isang lalaki. Nakangisi ang mga ito habang unti-unti nilang hinuhubad ang damit nila. Habang animoy isang demonyong nakatingin sa kanya.

"Siguradong masasarapan ako dito." usal pa ng isa.

"Mga hayup kayo!" Sigaw ko.

Unti-unti ng lumalapit ang mga lalaki kay Ally, umiyak siya sa sobrang takot. Nanginginig ang mga tuhod niya.

Humalakhak ang mga lalaki.

"Frits, panoorin mo, panoorin mo kung paano babuyin ang pinakamamahal mo. Ha-ha-ha!" ani  Maddison habang kampante siyang nakaupo. At tuwang-tuwa na pinapanood kami.

"Lord, please help me." Dasal ko.

Isang sunod-sunod na putok ang yumanig sa pandinig namin. Halos lahat kami nagulat sa putok ng baril, agad na umatras ang mga lalaki kay Ally.

Lahat sila nataranta sa narinig na putok.

"Puntahan niyo ang nasa labas!" Utos ni Maddison.

"Opo!" Nag-madaling bumaba ang apat na lalaki upang hanapin ang nagpaputok ng baril.

"Tang ina! May nga pulis!" Sigaw ng isang lalaki habang mabilis na kinakasa ang baril, agad na nawala ang mga ito sa harap namin.

Thanks Almight god!" Usal ko habang umiiyak ako sa tuwa.

"Halika ka na Frits." ani Ally.

"Ally, buti na lang at hindi ka napahamak."

Ngumiti ako sa kanya. "Everything is gonna be okay." Aniya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now