Tinabig ko ang kamay nya sa may bandang pisngi ko.

"Ano ba ?!!" Sabi ko.

Tiningnan nya ako saka tinaasan ng kilay.

"Sensitive?" Sabi nya.

"Ano bang kailangan mo? At napadpad ka dito? Saka panu mo nalaman ang address ko? Eh ang pagkaka alam ko hindi ko sinabi sayo" sabi ko sa kanya.

Naupo sya sa sofa bago ulit magsalita.

"Grabe ka talagang babae ka. Baka gusto mo muna akong alukin ng maiinom. Nauuhaw na kaya ako :3" sabi nya sakin.

Kapal ng mukha neto. Haha . pero ang cute nya talaga :)

Tinawag ko yung isang katulong at saka ako nagpadala ng maiinom ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"Ano na?" Sabi ko.

"Okay okay! Andito ako kasi baka nakakalimutan mo yung research paper natin. Tayo nalang ang hindi nagpapasa wag kang demanding na ako gagawa mag isa nun. Manigas ka! At kaya ko nalaman ang address mo kasi tinanong ko na sa humahawak ng mga paper ng estudyante sa school kasi nga kailangan na nating gawin yung research paper NGAYON! Dahil ipapasa na natin yun bukas na. Gets? Okay na ba?" Mahabang paliwanag nya sakin.

Napatango nalang ako sa kanya.

"Saan natin gagawin yung research paper?" Tanong ko sa kanya.

"Dito sa bahay mo :)" sabi nya.

"aaayst! Sige na nga. Dun tayo sa kwarto nalang gumawa." Sabi ko. At saka tumayo.

"Bakit sa kwarto mo?" Tanong nya.

Napalingon ako sa kanya.

"Wag ka mag alala hindi kita type!" Sabi ko saka ko sya tiningnan mula ulo hanggang paa. "Hindi ko type yung ganyan. haha" dagdag ko pa.

Napansin ko na medyo nagsalubong na ang kilay na sign lang na naiinis na sya.

"Joke lang. Haha. Ito talaga! Tara na kasi!" Yaya ko sa kanya.

Sumunod naman sya.

Nasa dulo na ako ng hagdan nang mapansin ko na parang wala pang sumusunod sakin.

Napalingon ako at saka ko sya nakitang pinipilit buhatin ang mga Librong dala nya. Napailing nalang ako.

Tinawag ko ang ibang katulong at saka ko sa kanila sinabi na dalhin ang mga librong yun sa kwarto ko. At sinenyasan ko si Nicole na sumunod na sakin.

Pinapasok ko sya sa kwarto. At aaminin ko.  sya palang unang tao na niyaya ko na pumasok sa kwarto ko. Na bukal talaga sa kalooban ko.

Malawak naman ang kwarto ko. May side table naman dun na kasya naman siguro kami.

"Dito na tayo gumawa" sabi ko.

Bigla syang napatingin sa mga librong ipinatong ng mga katulong ko sa may sahig.

"Dito nalang tayo sa sahig para mas malawak." Sabi nya sakin.

Sumang ayon nalang ako sa kanya.

Ibinigay nya sakin ang ibang libro na diko alam kung anong gagawin ko dun.

"Hanapin mo dyan ang mga ito!" Sabi nya sakin.

Binigay nya sakin ang  mga naka down list na mga word na Hindi ako familiar. Ginawa ko nalang ang sinabi nya. At ganun din naman ang ginawa nya.

Bawat word na mahahanap nya ay tinatype nya sa documents. At saka nalang sya nag reresearch sa internet para sa mga dagdag na din na impormasyon.

Yung almost 3hours na kaming ganun ang ginagawa. Sobrang ang sakit na ng batok ko at saka ng mga mata ko.

Tinitingnan ko sya na sobrang busy talaga sa ginagawa nya. 

Biglang nag ring ang phone ko. ..

Danica calling ....

Napatingin ako kay Nicole. Nakadapa na sya habang nakaharap sa laptop.

"Sagutin ko muna to huh?" Paalam ko sa kanya. 

Tumingin sya sakin at saka sya tumango.

Lumabas ako ng kwarto ko para makausap ko si Danica.

Almost 15minutes ko ding kausap si Danica.

Pagkatapos ko kausapin si Danica at dumiretso ako sa kusina.

"Pakigawan naman po kami ng meryenda. Pakihatid nalang sa kwarto ko " sabi ko dun sa katulong.

Teka? Ano bang gustong pagkain nun? Matanong nga ang babaeng yun.

Bumalik ako ng kwarto.

Binuksan ko ang pinto.

"Nicole anong gusto mong meryenda?" Tanong ko pero hindi sya sumasagot.

"Hoy! Nicole anong gusto mo?"

Lumapit ako sa kanya. Nakita kong nakaharang na yung libro sa may mukha nya. Nakatulog na pala sya. Dahil din siguro sa pagod. Kahit naman ako inaantok na din e.

Tinanggal ko yung libro sa may mukha nya.

"Hoy! Gising." Sabi ko.

Pero hindi sya nagigising.

Napatingin ako sa mukha nya.

Tinanggal ko ang librong nakaharang sa mukha nya.

Napatingin ako sa mukha nya. At saka ko tinanggal ang eye glasses nya na wala na sa ayos.

Saka ko hinaplos ang pisngi nya.

She's beautiful. Inside and Out!

Napansin ko nalang na nakangiti na pala ako.

Kahit diko alam kung kaya Kong buhatin ang babaeng to at ginawa ko. At sa awa ng Diyos hindi naman sya ganun kabigat.

Inihiga ko sya sa kama ko at saka ko sya kinumutan. At hinaplos ang buhok nya.

"Sleepwell my princess" sabi ko. At saka ko sya hinalikan sa noo.

Nginitian ko sya at ako ang pumalit sa ginagawa nya.



This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now