Chapter 34: Friends again

Start from the beginning
                                    

Maraming picture na ang nakuha ko pero fail lahat. Si Jp kasi ang kadalasang photographer ko kaya di ako sanay. Isa siya sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa Paris.

"Aish. Blurred talaga." bulong ko sa sarili habang tinitignan ang mga picture ko.

"Let me help you."

"Ay gwapong kabayo!" nagulat ako dito kay Ice.

"Same old line." bulong niya

Oo nga pala, nasabi ko na sa kanya yan noon.

*flashback*

Habang naghuhugas ng pinggan ay kumakanta ako. Why do I feel so happy?

Itinaas ko ang isang plato na nasa kamay ko habang kumakanta at sumasayaw- sayaw pa.

Kaya naibagsak ko iyon sa sahig at nabasag.

Aish. Stupid me.

Isa- isa kong pinulot ang mga basag na piraso ng plato sa sahig. Wala kasi akong mahanap na walis.

"Aray!" sigaw ko

Nasugat pa ako.

Clumsy talaga ko pagdating sa mga ganito, sa pagluluto lang ako sanay. 

Medyo malaki yung bubog na pumasok sa palad ko. Dumudugo na rin

"What happened?"

"Ay gwapong kabayo!" nagulat naman ako kay Ice. Nabulabog ko pa ata ang tulog niya.

Kakaiba ang reaksyon niya nang nasabi ko iyon at mapatingin siya sa platong basag sa sahig.

"Nako nabulabog ba kita? Sorry. Sige umakyat ka na dun ulit at lilinisin ko nalang to." sabi ko habang tinatago ang isa kong kamay sa aking likuran.

Baka kasi sabihan pa ko neto ng clumsy.

Tumakbo agad siya sa itaas.

At ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko pero mabilis siyang nakabalik na may dalang, first aid kit.

---end of flashback

Kinuha niya ang cellphone ko.

"Okay game. Fierce muna." sabi niya

So I did.

Hindi na ako naiilang kay Ice ngayon.

"Patingin nga." sabi ko at iniabot naman niya sakin ang cellphone ko

Tinignan ko yung picture,

"Teka, photographer ka ba?" tanong ko

Eh pano kasi kuhang kuha niya yung style ni Jp sa pagkuha ng litrato ko.

"Hahaha! Teka, ako naman ang kunan mo." sabi niya

The DareWhere stories live. Discover now