Boss Hunt 01 - Yakisoba and the Fight

Mulai dari awal
                                    

"Boss, may code." Agad na iniabot ni Rhianna ang isang sobre. Isa rin sa mga ex ni Al na una nitong pinag-alayan ng puso at kaluluwa si Rhianna at siya ang nagbigay ng isang papel kay Al na nag-lalaman ng isang code.

"Recode." Sagot lang nito at bumili na ng kaniyang Yakisoba bread sa isang maliit na stall na kung tawagin ay Yakisoba Palace.

Paglingon niya ay may mga takot na expression ang mga ito at nakatingin sa papel.

"Uhmm ano.." di naituloy ni Rhianna ang sasabihin kaya lumapit na si Wendyl at napa-ahh siya sa nabasang kahulugan ng code.

"Punta ka daw kay Quatro. Samahan mo daw sa man hunt. Si Mr. Lambert daw ang target." Kaswal lang na sabi nito at nagcrumping papunta sa stall para bumili.

Medyo natakot doon ang manggagawa pero paballet namang tumabi si J-Riegh dito kaya natawa na lang ang isa pang nagtitingda.

"Hmmm.. Ano naman kayang kailangan niya?" tanong ni Al sa sarili.

"Huwag kang pumunta. Kilala si Mr. Lambert sa pagtakas niya sa mga katulad natin at pagse-set ng trap." Agad na pag-pigil ni Ro kasabay pa ng paghila nito sa braso ni Al.

Si Ro ang bagong Master Shinigami na dating pinamumunuan ni Minuru o Yuya ngayon at siya rin ang dating kasintahan ni Wendyl at naging kaaway din nina Al noong binuo nila ni Rhianna ang beauty products Gang.

"Hayaan mo siyang pumunta. Alam naman nating ang HC ang may kagagawan ng mga ganitong uri ng misyon. Hindi pa sa kanila sapat ang napatunayan nung dalawa sa paghahanap nila kay Yohan noon kaya nila ginagawa ito." Saad ni Rune matapos uminom ng halata namang alak na inilagay niya sa isang paper cup. Amoy kasi nila ang alak na iyon.

Si Rune ang nagsisilbi nilang Drunken Girl Master. Sa oras na malasing ito'y lalo pa siyang gumagaling sa mano-manong laban. Ang sinabi niyang HC ay ang Higher Council. Isang grupo ng mga kalalakihan na siyang nagpapalakad sa bawat Veco, mga branch nito at maging sa Vecoballenos. Sila ang nag-uutos dahil sila ang nakaka-alam ng mga impormasyong hindi nalalaman ng mga boss ng Veco at ng ibang kasaping Mafia Family.

"Hayaan? Pero sila ang HC! Sila ang mga walang pusong tatapos sa atin kapag namali tayo ng kilos." Pagsalungat naman ni Lyllia.

"Kaya nga kailangan niyang pumunta." Si Rune ulit iyon.

At doon na sila nagsimulang magtalo. Inubos naman ni Al ang kaniyang Yakisoba habang nagtatalo ang mga babae. Nakakaroon pa ng taasan ng boses sa bawat pagtatalo at maging ang pagtataasan ng kilay. Nagkakaroon din ng banggaan ng mga balikat para lamang maipakita ang punto nila sa isa't-isa.

"Grabe ang ingay talaga ng mga babae." Narinig iyon noong apat kaya inilabas nila ang mga sandata nila at hinabol si Wendyl na mabilis na nagka-crumping palayo sa kanila.

Tawang-tawa lang doon si J-Reigh habang kumakain ng Yakisoba sa paper plate.

"Grabe, ang kulit po ng mga kasama 'nyo sir." Bati ng may-ari ng stall kay Al ng omorder pa ito ng isang Yakisoba bread. "Pero nagpapasalamat po kami't araw-araw kayong narito sa aming stall para sa mga Yakisoba namin." Masayang sabi nito at tumango lang si Al.

Muli nitong inubos ang kaniyang Yakisoba Bread bago magsalita. "Okay lang ba na iwan ninyo ng tatlo ang stall na ito at sumama sa akin para magtrabaho? Sa isang malayong lugar ang homebase ko. Marami ang mga kasamahan ko at may arugante akong kasama sa bahay na kapatid ng asawa ko." Mahinahong sabi nito at naiwang speachless ang tatlong nasa loob ng stall.

"J-Reigh bigyan mo sila ng map ng bahay tapos calling card tapos susi ng sasakyang gagamitin. Iyong Jetski na lang ang ipagamit mo. Aalis na ako. Pakisabi na lang sa mga iyon na pumunta na ako kay Yuya." Matapos niyang uminom ng Ice tea ay sumakay na siya sa isang hellicopter na kadarating-dating lang kanina para sunduin siya.

Boss Hunt [Mafia- 05] 2015Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang