Boss Hunt 01 - Yakisoba and the Fight

4K 34 7
                                    

BOSS HUNT (2015)

-ch 01

Yakisoba Palace

Narration

Nakaupo siya sa isang makalumang tumba-tumba suot ang kaniyang puting sando na pinaibabawan ng puting long sleeves with colar at isang brown na pants at tsinelas habang hawak ang isang librong sinulat ng kaniyang paboritong may akda. Paduyan-duyan siya sa tuba tumba habang hinayaan ang mga kasamahang maglaro sa tabing dagat kung saan sila naroroon. Bahagya siyang napangiti dahil sa kaniyang binabasa at wala siyang kaalam-alam na pinagtitinginan na siya ng mga kababaihan sa lugar. Nakatingin ang mga ito na parang kinikilig sa prisensya niya habang dumuduyan pa rin sa tumba-tumba.

Lahat ng klase ng mga kababaihan at kabaklaan ay nagagandahan sa kaniyang kaanyuang panlalaki.Lahat walang ibang ginugusto kundi ang makausap siya pero hindi nila magawa dahil sa abala ito sa kaniyang pagbabasa. Abala siya sa isang likha ng imahinasyon. Isang malikot na imahinasyon tungkol sa kamunduhan. Gayon pa man, hindi mukhang kabastusan ang kaniyang binabasa dahil hindi naman madaling tukuyin kung ano ang nararamdaman niya sa kaniyang binabasa.

"Boss, pupunta kaming Yakisoba Palace! May ipapabili ka ba?" tanong ng mga kasamahang lalaki na mga gwapo rin kung tutuusin. Mga malalaki ang katawan at kaakit-akin din naman talagang tingnan

Ibinaba ng lalaki ang librong hinahawakan sa maliit na lamesa sa kaliwa niya at tumayo.

"Sasama aketch~" pabirong sabi nito at tumalon sa kahoy na harang papunta sa mga kasamahan.

Nanghinayang mga kababaihan at kabalklaan liban na lang sa mga lalaking naroon na narinig din ang boses nito.

Nang makalayo na ang tatlo ay natawa na lang sila.

"Bakit mo naman pinakitaan ng ganoong side mo iyong mga fans mo sa likod?" tanong ni Wendyl dito.

"Magtigil ka. Wala akong panahon sa mga haliparot. Isa pa gusto ko ng Yakisoba bread sa Yakisoba Palace." Inis nitong tugon.

"Sabihin mo nga, Al. Malaki talaga ang tama mo sa asawa mo ano?" Natatawang biro ni J-Reigh sa kaniya na nakataas pa ang mga kamay sa likod ng ulo niya.

"Gusto mo bang banatan kita dito pa lang at hindi na maabutan ang minamahal mo sa bahay ninyo?" inis habang kunot ang noo ni Al ng sabihin niya iyon kaya sumipol na lang si J-Riegh bilang sagot sa inis ng kaniyang kaibigan.

"Haha.. Under na nga tayo ni Boss, pero under ka pa rin ng pagmamahal mo kay Yuan. Hahaha." Pang-aalaska ni Wendyl na ikinaapekto naman talaga ni J-Riegh na naging dahilan ng habulan ng dalawa hanggang makarating sila ng Yakisoba Palace.

Ang Yakisoba Place ay isa lang maliit na stall na puno ng iba't-ibang Yakisoba kasama na ang bagong paborito ni Al na Yakisoba Bread.

Nagsasakitan pa rin iyong dalawang kaibigan ni Al ng dumating ang mga kaibigang babae na dati nilang nakalaban. Sina Ro(Rossalia Lynna), Rhianna, Rune at ang bagong member ng grupo na si Lyllia na front act girlfriend ni Minuru sa Japan. Di maipagkakaila ang taglay na kagandahan ng apat kahit na si Rune ang pinakamalaman sa kanila. Palagi niyang sinasabing muscles ang mga excess fats niya pero wala namang paki-alam ang mga kasama niya tungkol doon.

Ang mafia lang ni Al ang nag-iisa sa buong Veco na apat ang babae. Madalas kasi ang mga lalaking guardians ng Veco boss at mayroon lamang isa o dalawa lamang na babae. Kahit ang ikatlong Veco boss na si Keiko ay may isang babae lang sa kaniyang mafia family na ngayon ay nawala na rin sa kanila.

Tiwalag na ang buong Veco. Maliban na lang sa Mafia ni Dos na nasa America. Ang mafia naman ni Al at ng kaibigan slash exboyfriend nitong si Yuya(Minuru) na ngayon ay sikreto pa ring kinakausap ng higher council.

Boss Hunt [Mafia- 05] 2015Where stories live. Discover now