Fear 22 : Lost Justice

58.3K 2.2K 1.1K
                                    

CHIPPY'S POV

Takot na takot ako kayat pinili kong magtago na lamang sa loob ng music room kahit napakadilim na at tanging kidlat na lamang ang nagsisilbing pansamantalang liwanag ko. 

Mag-isa na lamang ako. Sa sobrang dilim kanina ay nagkahiwa-hiwalay kami kayat hindi ko na alam kung nasaan silang lima. Gustuhin ko man silang hanapin, Hindi ko kaya dahil naduduwag na naman ako. Nakakatakot si Julie. huhuhu. ayoko ng multo. huhuhu

 

bigla kong narinig na may naglalakad sa labas. Naririnig ko ang mga yabag ng kanyang paa at pakiramdam koy papasok ito sa loob ng banyo kayat dali-dali akong nagtago sa likod ng piano.

"Julie peace tayo ayoko sayo" mahinang bulong ko dahil halos manginig na ako sa takot. Napapikit nalang ako at napayakap sa tuhod ko.

Ilang sandali pa ay narinig kong naglalakad na naman ang kung sino mang nasa labas. Teka diba dapat tumatagos sa pader ang multo? 

Kahit na nag-aalinlangan ako ay tumayo parin ako at dahan-dahang naglakad papalapit sa pintuan.

Napakadilim kayat pakapa-kapa muna ako sa pader hanggang sa maramdaman kong doorknob na ang hawak ko. Dahan-dahan ko itong inikot ngunit hindi bumukas. 

"Shit" mahinang bulong ko

Pilit kong hinihila ang doorknob ngunit hindi ko ito mabuksan. Langya anong nangyayari?! SHIT!

- - - - - - - -- - - - - 

NINA'S POV

I kept on tapping my fingers on the table. Hindi parin ako mapalagay. Pakiramdam ko may mali. May mali talaga....

"Nina would you please calm down! Everythings going according to our plans. Gusto mo halikan kita para kumalma ka?!" Bulyaw ni Caleb.

Inirapan ko nalamang siya bilang tugon sa kamanyakan niya. Langya sa lahat ng uusigin ng konsensya, Bakit ang pervert nato pa. Bakit kaming dalawa lang ang nakokonsensya? Hindi ko lang talaga lubos matanggap na hanggang ngayon isinisikreto parin ng karamihan sa kanila ang nangyari kay Julie. Nakakainis dahil kinailangan pa naming umabot sa ganito... Ang manakot para mailantad ang katotohanan.

Tumayo na lamang ako at kinuha ang flashlight na nasa bag ko.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Caleb

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon