Fear 15 : Operation: Capture the Rook

64.2K 2.3K 1.3K
                                    

PETER'S POV

Napatingin ako sa relo ko 7:25 pm na. ilang minuto nalang at lalabas na siya.

Ngayon na kasi siya makakalaya at ayaw naming maunahan kami ng kulto nilang adik sa chess. Nakakainis lang isipin na noon parati ko siyang nakakasalamuha sa school tapos ngayon heto kami nagiging magkalaban. 

Napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko at bigla kong tinawagan si Impakta. parang gusto kong magpaalam.

"O gago bakit ka tumawag?!" mahinang bulong ni mack na para bang may pinagtataguan. teka anong ginagawa niya?

"Ah..eh nasaan ka ngayon?" tanong ko

"Wala ako sa mood makipagchikahan bye!" bulong niya ulit at bigla akong binabaan. Anyare dun?



Bigla kong narinig na bumukas ang Malaking gate ng Detention Facility na tinutuluyan ni Drake. 

Dali-dali kong pinindot ang earpiece na suot ko bilang komunikasyon sa kanila.

"Lalabas na sila. Maghanda na kayo!" mahinang bulong ko at dali-daling tumakbo papunta sa sasakyan ko at sinuot ang bonet ko.

- - - - - - - - - - - -- 

LUCIFER'S POV




"Aish ang tagal! Kailangan ba talaga nating kunin si Drake?"
pagmamaktol ni Light habang isa-isa nilang isinusuot ang mga bonet nila.

"Pwede ba tumahimik ka" mahinang bulong ni Shadow

"Ayun na ang police car. Black sundan mo" Lucifer 

Dali-daling pinaandar ng napakatahimik na si Black ang kanyang kotse upang sundan ito.

"Alam niyo na ang plano" pagpapaalala ni Black sa mga kasamahan.

- - - - - - - -- - 

THIRD PERSON'S POV

Habang nasa loob ng sasakyan ay napangiti na lamang si Drake. Darating kaya sila? bulong nito sa sarili.

"Iho ngayong laya ka na sana naman ay umayos ka" Pangangaral ng isang police nagd-drive ng kotse.

Fear Thy PactWhere stories live. Discover now