Home Invasion

56.9K 2.2K 833
                                    

Author's Note: 

Guys! Ang special na ito ay Panaginip/flashback lang ni Mack habang wala siyang malay. Baka maguluhan kayo pero ganito naman talaga ang panaginip, nakakalito. bwahahah XD



 - - - - -- - - 

MACKENZIE'S POV

Agad akong nagising nang marinig ko ang napakalakas na pagkulog at pagkidlat. Natatakot ako sa tunog na iyon kayat napayakap nalang ako sa teady bear ko. Ilang sandali pa ay tumayo ako at dahan-dahang dumungaw sa bintana. Gabing-gabi na, napakadilim at talagang napakalakas ng ulan sa labas. Teka nasa school ako kanina diba? Anyare? Nasaan ako?

Nagulat ako nang mapansin ko ang repleksyon ko sa salamin. Teka bakit ako bumata? Shit naman, ang cute ko talaga!

Muling kumidlat kayat napatili ako at agad na yumuko sa sahig. Hindi ko alam pero basta-basta nalang na tumutulo ang luha sa mga mata ko at nanginginig na ang kamay ko. Parang wala akong kontrol sa sariling katawan ko. "Mama..Papa" mahinang bulong ko. Pati sarili kong bibig wala din akong kontrol. Ganito nga naman talaga siguro ang panaginip. Nothing makes sense.

Bigla akong nakarinig ng sigawan. Parang may nag-aaway?. "Nag-aaway na naman siguro sina Mama at Papa" mahinang bulong ko. Napatingin ako sa paligid, Malaki ang kwartong kinaroroonan ko pero mag-isa lang ako. 

Nagulat ako nang biglang may kumagat at humila sa teady bear na hawak ko. Pagtingin ko isa palang malaking aso. Agad akong napayakap sa kanya, Napangiti ako dahil ang bango ng balahibo niya at para siyang isang unan. "Happy lets sleep na please" bulong ko.

Biglang tumakbo ang asong tinawag kong Happy kayat agad ko siyang sinundan. Napakadalim ng paligid kayat nagdadalawang isip ako sa bawat dinadaanan ko. Kasabay ng tunog ng pagbagsak ng ulan ay ang mas malalakas na sigawan ng mga nasa bahay. Palakas nang palakas ang mga boses nila kayat kahit papaanoy naririnig ko na ang mga sinasabi nila.

"MMMMMM!" impit akong napasigaw nang bigla nalamang may humila sa akin papasok ng isang madilim na kwarto. Hindi magkamayaw ang pagdagundong ng puso ko dahil sa kaba. Takot na takot ako.

"Shhh! Faith ako to si kuya! Shhhhh!" mahinang bulong niya kayat tumango ako kayat dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya. Agad niya akong niyakap at tinakpan ang tenga ko. "Dont listen to anything okay?" mahinang bulong niya at bigla siyang napasinghot na para bang umiiyak "Faith Just listen to my voice okay?" bulong niya ulit kayat tumango nalang ako. Naririnig ko parin yung mga malalakas na sigawan kayat yumakap nalang ako sa kanya. 

*Blag blag blag*

bigla kaming nakarinig ng mga malalakas na yapak. Nagkatinginan kami ni Kuya nang maramdamang papunta ito sa kwartong kinaroroonan namin.

Fear Thy PactWhere stories live. Discover now