Chapter 32: D6 rebuilt

Começar do início
                                    

Alam ko naman na kapatid ko si Yesha. Pero hindi talaga kami magkalapit dahil galit siya sakin. Galit siya sa pamilya ko. Kaya nga nasaktan ako nang sobra nung malaman kong ginagamit lang ako ni Lance para sa kanya.

Maraming nagawa si Yesha sakin.

Muntik na akong mamatay noon dahil sa kanya.

Niyaya niya ako sa isang bar, shempre masaya ako noon dahil akala ko magiging okay na ang relasyon namin bilang magkapatid.

Pero nagkamali ako.

Papauwi na kami noon. Nakasakay ako sa kotse niya at siya ang nagd- drive. Nalaglag ang cellphone niya sa mismong daan. At nakiusap siya sa akin na kunin iyon. Nang bumaba ako ng kotse, pinaharurot niya ang sasakyan kaya naiwan ako.

Saktong may dumaan na motor na sinundan pa ng malaking truck. Nakatakbo ako bago pa dumaan yung truck.

Pero,

Nasagasaan ako ng isa pang kotse.

Nagkaroon iyon ng malakas na impact na nagsanhi para,

Ma- comatose ako.

At yun ang isa sa mga sikretong pinakatatago ko sa lahat dahil ayaw kong maging kaawa awa. Pati sila Pat hindi alam ang tungkol doon. Ang sabi sakin ni Mama, sinabi niya raw sa mga kaibigan ko na nagbakasyon lang ako sa US noon kaya matagal akong nawala.

Thank God dahil nabuhay pa ako.

Pinalagpas ko ang nangyaring iyon.

Ayaw kong makulong ng kapatid kong si Yesha kaya hindi ako nagbigay ng kahit na anong information.

Noon, sa utak at ulo ako nagkaroon ng diperensiya dahil sa kagagawan niya.

Pero ngayon, sa puso naman?

Ang tindi no?

"Calling all passengers flying to France. Please proceed t---"

Hindi ko na pinatapos ang nagsasalita at sinaksak ko na sa tenga ko ang earphones ko para makinig ng mga kanta ni Jason Chen.

Naglakad na ako patungo sa departure area habang hila hila ang maleta ko.

Hanggang sa makasakay sa eroplano, natulog lang ako.

***

Ang ganda dito.

Excited na akong makita ulit si Pat.

Pati yung kapatid kong loko-loko. Si James.

Actually, hindi niya alam na pupunta ako dito. I want to surprise her. Si Xider lang muna ang sinabihan ko tungkol dito. Pati dun sa breakup namin.

Pumara ako ng taxi at sakto namang tumunog ang cellphone ko. May nagtext.

From: Xider
I can't pick you up Yanna. Here's the address: ***************. I'll wait for you. Pat's on her way already. Ingat.

Aish. Naghintay pa ko dito di naman pala niya ko susunduin. Abnormal talaga.

Sumakay na ako sa taxi at sinabi ang address na binigay ni Xider.

Nang makarating ako roon,

Natanaw ko agad si Xider at Pat.

Oh my ghad!

Si Pat ba talaga 'to?

Grabe. Sobrang daming nagbago sa kanya.

Babaeng babae na ang dating niya.

I can say she's really happy. At halata namang nakapag- move on na siya.

Lumabas si Xider ng restaurant kaya bumaba na rin ako ng taxi.

The DareOnde histórias criam vida. Descubra agora