Hinanap ko sa buong sulok ng silid. ngunit kahit isang gamit wala akong nakita, nanlulumong umupo ako sa kama,

Tapos namalayan ko  na lang  ang pagtulo ng luha ko. Ang bigat sa dibdib ng nararamdam ko. Para akong pinagka-isahan. At wala man lang naka-alala sa'kin  kahit isa.

"Iniwan nila akong mag-isa rito, Tss.. ang saklap naman ng pa-birthday nila sa'kin, hindi na nga nila naalala na birthday ko ngayon. Iniwan pa nila akong mag-isa."

Sunod-sunod na luha ang nagsisimulang umagos sa mukha ko. Ang bigat sa kalooban, ang sakit sa dibdib. Tumayo ako at humarap sa salamin. Tapos ngumiti.

"Happy birthday to me. Happy birthday Allyson. Eighteen ka na. And you're alone," tapos tuluyan na akong humagulgol ng iyak. Masyado ba akong masama para wala lang maka-alala sa'kin kahit isa wala.

Pagkatapos kong umiyak. Binuksan ko ang facebook account ko. Doon kasi makikita kung sino ang may birthday kasi magno-notification iyon sa mga facebook friends mo.

"Siguro naman may bumati sa'kin dito kahit isa," sabi niya habang in-enter ang log-in facebook.

Pagbukas ko muli akong napaiyak. Kasi wala ni isang bumati sa'kin. Hindi naman naka-private ang timeline ko.

"Wala talaga." I cried and cried.

Mayamaya biglang may kumakatok sa labas ng pintuan ng kwartong inupahan ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Baka si Frits na iyon," dali-dali kong binuksan ang pintuan. Pagbungad ko. Nadismaya lang ako.

"Ma'am free cake po ng hotel. Dahil po nag-extend po kayo may free cake kayo." Nakangiting sabi ng lalaki.

Kinuha ko iyon. "Thank you!"

"Welcome Ma'am. Enjoy eating po." Tapos tumalilis na ito palayo.

"Akala ko pa naman may naka-alala na sa'kin," Sinarado ko ang pintuan ng kwarto. At Inilagay ko ang cake sa ibabaw ng table. Dahil wala itong kandila. Naghanap ako sa loob ng bag ko. Ang alam ko kasi may kandila ako sa bag noong ginamit namin ni Dianne noong umattend kami ng binyag dati.  Napangiti ako ng  makita ko ang  kandila. Sobrang laki at mahaba yung kandila kaya ang ginawa ko pinutulan ko 'yon. Tapos idinikit ko sa gitna ng cake. Sinindihan ko, pagkatapos kumanta ako mag-isa.

"Happy birthday to me! Happy birthday to me. Happy birthday happy birthday! Happy birthday to me."

Tapos muli akong umiyak. Ito na yata ang nakakalungkot kong kaarawan.

"Happy eighteen birthday Allyson."
kausap ko sa sarili. Mapait ako ngumiti tapos inihipan ko ang kandila. Para akong tangang pinapalakpakan ang sarili ko.

Kumuha ako ng isang slice na cake. "Ako nalang mag-isa ngayon," Sabay kain sa cake.  "Sarap sana, kung birthday cake ko  talaga ito," Bulong  ko pa.

Habang kinakain kong mag-isa. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. No one who can remember my birthday, even my close friend, O kahit si Frits, ang saklap pala kapag mag-isa ka lang na nagce-celebrate ng birthday. Dapat sana may eighteen candles at eighteen roses, dapat sana bising-bisi ako ngayon sa pagpipili ng gown na susuotin ko. pero wala...

Mag-isa akong naiwan sa hotel na ito. Kung sabagay! Hindi nga ako naalala na naiwan ako rito sa Puerto. Ang birthday ko pa kaya? maalala nila? siguro nga dapat ko ng sanayin ang sarili kong mag-isa.

HALOS nakalahati ko na ang cake. Nang maramdaman ko ang matinding antok. Kaya bago pa ako makatulog. Iniligpit ko muna ang damit na naiwan ko. Naglinis din ako ng silid. Bago ako muling humiga sa kama.

"Happy birthday Ally. happy eighteen birthday to me!"

Tapos tuluyan kong ipinikit ang mga mata ko.

***

DIANNE'S P.O.V.

Dahang-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ally. Kanina kasi iniwan sa'kin ni Frits ang susi ng kwarto nila. Bago siya tuluyang umalis.

Lumipat ako ng ibang Room  sa hotel para paniwalaan ni Ally na iniwan namin siya. Dalawang oras ang nakalipas mula ng ibinigay ang cake kay Ally. Pagbungad ko nakita kong mahimbing na natutulog sa kama si Allyson. Umupo muna ako sa tabi niya at ngumiti ako.

"When you wake up, for sure magiging masaya ka, at siguradong pasasalamatan mo si Frits, happy birthday Ally," Kausap ko sa natutulog na si Ally, muli akong tumayo at lumabas.

"Guys! Buhatin niyo na si Ally. Babalik na tayo ng manila." Tawag ko sa dalawang lalaki na kasama sa eighteen roses ni Ally, agad namang tumalima ang dalawa. Pumasok ang dalawa sa kwarto ang isa binuhat si Ally, ang isa naman ay binitbit ang mga gamit ni Ally palabas, kasunod noon. Tuluyan na kaming umalis ng hotel.

Habang papunta kami ng Airport. Tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ang tawag ng makita kong si Frits ang tumatawag sa'kin sa phone.

"Hello Dianne!"

"Yes, Frits! Kasama ko na si Ally, tulog na tulog siya."

"Good job! Thank you sa tulong mo Dianne. "

"You're welcome Frits, basta para kay Ally."

"Susundin kayo ni Mommy, siya na ang bahala sa inyo."

"Okay sige, thank you."

"Welcome Dianne. Thanks at take care of my wife."

Napangiti si Dianne. "Yah! sure, ang sweet ah!"

"Bye Dianne, see you later."

"Bye!"

Tapos ini-end call na ni Frits ang tawag, sinipat ko ng tingin si Ally. Tulog pa rin siya. Lately nagiging antukin na si Ally.

"Ang sweet ng boyfriend mo Ally," Muli kong kausap sa tulog na si Ally.

Kahit ako Excited na ako sa magiging debut party ni Ally. Hindi  ko pa  alam kung anong inihanda ni Frits para kay Allyson. Ang alam ko lang  siguradong magiging maganda ang debut ni Ally.

Habang nakahinto ang kotseng sinasakyan namin papuntang airport. Hindi ko sinasadyang mapalingon sa kanang daan. Nakita ko si Maddison sa kotse. Kitang-kita ko siya dahil naka-open ang bintana ng kotseng sinasakyan  niya. At dahil sarado ang bintana namin. Hindi kami nakikita ni Maddison.

"Bakit nandito siya sa Puerto?" sa isip-isip ko.

Hindi ko nilubayan ng tingin si Maddison hanggang sa maghiwalay ng daan ng kotseng sinakyan namin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi na lingid sa'kin ang panggugulong ginagawa niya kay Frits at Ally, dahil nabanggit na sa'kin iyon ni Zyrus. Muli kong nilingon si Ally.

"Wag naman sanang gumawa ng gulo yang si Maddison sa birthday mo Ally."

A/N;

Nabitin ba kayo? Pinutol ko muna dito. Masyado kasing mahaba ang nexy chapter eh,

Next chapter. . Unexpected moments,, abangan!! Thank you sa mga nagvomments at nagbasa, love lots!

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now