MBML Chapter 62

2K 82 0
                                    


- - - - -

nakaramdam ako ng isang mabigat na bagay na dumagan saking likuran, hindi ito sakit dahil sa hampas pero tila katawan na bumagsak saking likuran

" m-m-m-my loves " nalaglag ito saking likuran at tumambad sakin si my loves na duguan ang uluhan,

" my loves " napansin kong hahampasin ulit nila si timothy kaya minabuti ko nalang harangan ito

" aaaahhhhhh " humampas ito sa may likuran ko na umabot hanggang saking uluhan, nag init ang aking ulo dahil sa dugong dumadanak dito

" my loves wag mong harangan a-a-a-ko nalang ang saktan nila wag ikaw " tumulo na ang mga luha nya, dahil sa sobrang sakit na ng buong katawan ko ay bumagsak na lamang ako sa dibdib nya habang nararamdaman ko pa ang mga pagsipa mula saking likuran

- - - - -

" my loves " ng iminulat ko ang aking mga mata ay nasilayan ko ang mukha ng aking mahal ang taong pinili ko kahit na masaktan man ako o patayin

" I....l-l-ove you ... " medyo masakit ang aking panga at likuran pag nagsasalita.

" dahan dahan lang my loves, sabi ng doctor ay may malaking papamaga sa iyong likuran at iyong panga " napapikit nalang ako ng maalala ang mga panahon na halos mapatay na ako ng ama nya ,

" Timmy sabi pala ng doctor mga next week ka na daw makakalabas " ani ni anthony, kumpleto sila sila Kier , Jassy , Trixie , Ate Frances ,

" nag ala superhero kaya kami ni anthony nung pagdating namin pinagsasapak namin yung mga bodyguard eh " ani ni Kier na tila nagpapakita ng muscle

" timmy? I'm sorry for what my dad did to you, ganun talaga sya pag nagagalit, pero please iurong nyo na yung kaso to dad " tumayo si timothy at lumapit kay ate Frances

" ate, you know what dad did? halos makapatay na sya I think bahal- " ayokong dahil sakin masira ang pamilya nila timothy, at the first place ako din naman ang dahilan ng pagkakagalit ng ama nila

" Ate Frances, my loves iuurong na namin ang kaso actually kasalanan ko din naman kung bakit galit ang daddy nyo atsaka alam ko kung gaano nya kamahal si timothy aa.arrayyy pero hindi iuurong ang kaso dahil papayag nadin ako sa paghihiwalay namin ni timothy, ipaglalaban ko pa din sya " lumapit sakin si my loves at halikan ang aking labi

" a-a-aray " medyo masakit padin ang halos mawasak na labi ko,

" sorry my loves, pupunta dito si dad para manghingi ng tawad pipilitin namin sya " ngumiti na lamang ako bilang sagot,

- - - - - - -

isang linggo na kaya makakalabas nako sa ospital, nakakabagot talaga dito kaya pinipilit kong hindi magkasakit

" Mr Cruz " tila kinabahan ako ng makita nya, dahil pag nasisilayan ko sya ay nag faflashback sakin ang lagim na naranasan ko sakanya

" maiwan ko muna kayo " ani ni eomma , nagkabalikan na sila ni appa at nagkaroon nadin ng Korean Restaurant

" buhay ka pa pala, sa tindi ng nagawa ko sayo ay nakakatayo kapa , " medyo naiinis ako sa kayabangan nya, ganyan ba sya kasama sya na nga lang tong inurong ang kaso sya padin ang nagmamataas

" salamat po dahil sa ginawa nyo sakin mas napagtanto kong kahit life and death ay kaya kong ipaglalaban si timothy ang pagmamahal ko sakanya " tila nainis ang itsura nito ng marinig ang katagang iyon

" do you think pumunta ako dito to say sorry? nandito ako para isampal ulit sayo na walang lugar sa mundo ang pag mamahal nyo ng anak ko, kaya lubayan muna sya o ayaw mong idamay ko ang pamilya mo " tila nainis ako dahil ayoko sa lahat ay idadamay ang aking pamilya

" wag na wag nyong idadamay ang pamilya ko! kundi itutuloy ko ang kaso " ani ko dito

" go ahead , sa dami ng pera ko ay mahihirapan ka tandaan mo ito idadamay ko ang pamilya mo or hihiwalayan mo ang anak ko " magsasalita pa sana ako kaso umalis na sya

--------------------------------------

My Bro My Love [ COMPLETE ] *revising*Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα