MBML Chapter 61

1.9K 83 0
                                    


- - - - -

" nandito na tayo " hinawakan ko ang lubid para mag mistulang nakatali padin ang kamay ko habang hinahatak nila ako,

hindi ko maaninagan ang lugar dahil nakapiring nga ako, bumabalot na ang kaba saking buong katawan pero pinapanatili ko ang aking utak na maging kalmado dahil hindi nako nakatali kaya gagawa ako ng paraan para makaalis

" iupo nyo sya dyan " ng naupo na nila ako ay tinangal na nila ang aking piring, bukas sarado ko aking mata para manumbalik ang linaw nito

nasa isa kaming lumang bodega ng mga mga bakal at kung ano ano pa, ako'y nakaupo habang pinagmamasdan ang mga bodyguard na nakatingin lamang sakin

" hindi ko alam kung anong kahibangan ni timothy na patulan ka, " dumating ang dad ni timothy kasama ang isang pamilyar na tao , isang taong malapit sakin

" Kevin? anong ginagawa mo dito? " hindi nya ako magawang tignan,

" sya ang hinired kong maging photographer nyo, surprised? " tinignan ko ng masama si Kevin, paano nya nagawa samin 'yon . itinuring kuna syang malapit na kaibigan kapatid naman kila timothy,

" how could you kevin, pakawalan nyo nako Mr Cruz please mahal ko po ang anak nyo at mahal nya din ako kaya utang ng loob hayaan nyo nalang kami " biglang syang tumawa ng malakas,

" mahal? naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? kelan pa nagkagusto ang lalaki sa kapwa lalaki " hinawakan nya ng buong gigil ang pisngi ko at nila binabaon ang mga daliri nito

" MA-MA-MAHAL KO SYA! BILANG AMA DAT MATANGAP MO K-K-KUNG A-A! - - "

* PAAAAAAAKKK *

* PAAAAAAAKKK *

* PAAAAAAAKKK *

nabalot ang buong bodega ng mga sampal sakin ng ama ni timothy, napaka bigat ng kamay nito na ikaputok ng aking labi masakit man ay pinipilit kong tiisin para ipaalam sakanya kung gaano ko kamahal si timothy

" don't you ever judge me as a father! ipinalaki ko ang anak ng isang tunay na lalaki isang tunay na tagapag- - " hindi ko sya pinatapos magsalita

" oo pinalaki mo sya kung paano mo gusto pero you never let him decide for what he wants for himself I'm sorry Mr Cruz pero napaka makasarili nyo ipinipilit nyo ang gusto nyo kahit hindi- - " sa pagkakataong ito sya naman ang pumutol ng aking sasabihin,

" don't you ever put your feet into my shoes , ako ang ama ako ang magpapalaki ng anak ko , Kevin kuhanan mo to para makita nyang timothy nayan kung paano ako magalit dahil sa kagaguhan nya " tila nanlilisik ang mga mata nito sakin na konti na lamang ay patayin nako sa kanyang mga tingin

" sir I think pwede- - "

" just do it kilala mo akong magalit " hinawakan ng ama ni timothy ang aking buhok at iangat paharap sakanya

" ayoko sa lahat ay ang pinapakelaman ako " nakatanggap ako ng ilang napaka lalakas na sampal, tumutulo na saking baba ang mga dugo na nagmumula sa pumutok na aking labi

" sir stop that " napayuko na lamang ako dala ng aking pagkahilo dahil sa sobrang lalakas na sampal

" alam nyo na ang gagawin nyo dyan " hinatak ako patayo ng mga body guard nya , nagdidilim na ang aking paningin at tila nanlalambot na ang aking mga tuhod

" tara " napansin kong nagsikuha sila ng mga baseball bat , bago pa man nila maihampas sakin yon ay napadapa ako dahil hindi kuna kaya ang pagkakahilo na aking nararamdaman

" sir lulumpuhin naba namin "

" I don't care basta gusto ko matuto at mapagtanto ng taong yan ang kahibangan nya "

inangat ko ang aking ulo para gumapang paalis pero huli na nakita kunang hahampasin ako mula saking likod

-----------------------------------

My Bro My Love [ COMPLETE ] *revising*Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu