MBML Chaps 29

3.6K 112 0
                                    


- - - - -

" hayyyyyy bwiset na surprise quiz yan! hindi lang mahirap ang dami pa " daing ni Kier kahit kasi ako nahirapan sa quiz kanina pero uso sakin ang stock knowledge kaya kahit papaano nakaraos ako sa long quiz

" asus pare sisiw lang naman yung long quiz kanina " mayabang na ani ni Anthony sabagay may karapatan syang mag yabang kasi for the record ni walang tusok sa tagiliran ang naganap kanina para mag tanong ng mga answers e kung tutuusin nga parang minani nya lang yung long quiz kanina

" nako! sisiw tas result ng quiz mo itlog " pero nakakatawang isipin nararamdaman ko ang unti unting improvement kay Anthony simula ng magka gusto ito kay Jassy ,

nag tanong kasi sakin ang loko kung ano ang gusto at ayaw ni Jassy sa isang lalaki
e sa wala naman akong alam dahil sabi sakin before ni Jassy halos lahat daw ng gusto nya sa lalaki ay nasasaakin na

pero dahil gusto kong magbago ang loko ayun gumawa ako ng ayaw at gusto ni Jassy made by my mind

Gusto-
-matalino
-masipag
-gwapo
-gentleman
pero in short ako este perfect boyfriend material

Ayaw-
-bastos
-malibog
-tamad
-dugyot

at ang loko mukhang naniwala naman ayun mas malinis na ang kwarto nya kesa kay Kier at ang mga CD nya na puro porn e tila na misplace sa kakaibang lugar na hindi muna mahagilap eepp epp hindi ko naman hinahanap yung porn CD nya sadyang nakakalat yung mga yon sa kwarto nya

" can i talk to you " tila tumaas yung balahibo ko sa napaka lalim na boses mula kay kevin tinignan ko kung sino yung sinabihan nya si Trixie pala na kanina pa nakabusangot ano kayang problema nya?

tumayo ako saking kinauupuan at hatakin si timz sa may labas , dinala ko sya sa mini swing namin sa may garden sa harap ng bahay

" bakit mo ako dinala rito " inakbayan ko sya para pansinin kung maiilang sya pero hindi naman sya naglabas ni isang ekspresyon ng naiilang o nandidiri

" gusto ko sanang magkwentuhan tayo about sa buhay natin gusto ko kasing malaman yung past life mo " tumingin ako sa malawak na kalangitan walang mga bituin sayang naman pero parang naging isang malaking papel ang langit na wala ni isang sulat napaka linis lamang nitong pagmasdan.

" sige ikaw muna ang magkwento " ani nya sakin,

" ayoko ikaw muna pleaseeeeee " ayokong mauna dahil lady's first e mukha syang babae kaya mas nararapat syang mauna

" osige , ahmmm bago ako mapadpad dito sa Philippines ay marami akong pagsubok ka kinaharap sa Korea " bigla syang napatahimik saglit

" kagaya ng? " hindi ko padin inaalis ang tingin ko sa napaka linis na kalangitan

" ikukuwento ko sayo yung buong pangyayari,
kasi nung una maganda ang takbo ng business ni papa na isang cake store sa korea alam mo sikat na sikat ang cake store ni papa na halos nauubos ang mga tinitinda nya pero isang araw may nagreklamo sa nabiling cake nya na dahilan para maospital ito dahil bulok daw yung cake pero binebenta pa daw ni papa. akala namin ay hindi na ito kakalat pero makalipas ang isang linggo balitang balita na ito kaya unti unting tumumal hanggang sa umabot ito sa pagsasara " napahinto sya bigla sa pagkukwento , dama ko ang pagkalungkot nya para sakanyang ama

" atsaka ng dahil don nalulong si papa sa pagbibisyo at pagsusugal tas gabi gabi narin sila nag aaway ni omma , hanggang sa malaman namin na merong isa't kalahating milyong utang si papa dahil sa pagsusugal nito andami ng nanakot sa buhay naming magpamilya dahil sa utang na 'yon kaya minarapat nilang itransfer ako dito sa pinas para hindi madamay ang pag aaral at ang buhay ko sa malaking gulo na kinakakasangkutan ni papa " ramdam sa nginig ng boses nya ang papalapit na pag tangis nito, nanlumo naman ako ng marinig ang miserableng parte ng buhay nya parang naguguilty ako kasi before ang halagang iyon na utang ng ama nya ay nagagastos ko lamang sa isang linggo sa mga welang kwentang bagay

----------------------

My Bro My Love [ COMPLETE ] *revising*Where stories live. Discover now